#1: Turn on - Babaeng nagmumura.

2.3K 15 7
                                    

Repost_

Iba ang tipo kong babae. Yung hardcore magmura, yung magchachat kami, lahat naka ALL CAPS tapos asaran, pikunan, na walang napipikon. Tapos maya maya, sweet sweet na.

Sabi nga ng ibang lalaki diyan, "TURN OFF ANG BABAENG NAGMUMURA" kasi daw sobrang un-ladylike, bastos, turn off na turn off talaga.

Pero para sa akin natutuwa talaga ako sa mga babaeng nagmumura, kasi pinapakita nila kung sino talaga sila. Hindi sila plastik, hindi sila pakitang tao, TOTOO sila dahil lahat ng nararamdaman sinasabi nila.

Yung lahat ng ka-gaguhan, ka-tarantaduhan, ka-punyetahan, ka-putanginahan, at kung ano pang bullshit na ginagawa nila-- yung mumurahin ko siya, mumurahin niya rin ako ng mas hardcore, walang pikunan. Nakakatuwa lang kasi komportable ka sa company niya, at alam mong komportable din siya sa'yo.

Usapang Lalake.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon