#2: Kaming mga lalaki

1.4K 22 8
                                    

KAMING MGA LALAKI, DIREKTA.

- Direct kami kung magsalita. Pag ayaw namin sa isang tao sasabihin namin agad. Hindi katulad ng mga babae na papaikutin pa o didibdibin. Kaya di ako nagtataka kung may mga taong mas gusto nilang "bestfriend" ang lalaki dahil diretso kung magsabi. Tsaka walang arte arte, walang drama drama.

KAMING MGA LALAKI, MOODY.

- Gaya din ng mga babae. Moody kami pero hindi pinapahalata. Naiinis na yan pero hindi namin kayang ipakita, nalulungkot pero hindi pinapahalata. Smile smile lang.

KAMING MGA LALAKI, MAS.

- Mas? Mas seloso, mas sensitive. Kung ang mga babae napakaselosa. Kaming mga lalaki mas napakaseloso. Ayaw namin yung nagkukwento sila tungkol sa mga ex nila dahil nagseselos kami. Ex na nga di ba babe?

KAMING MGA LALAKI, MAGALING MAGTAGO.

- Magtago ng babae? Biro lang. Magtago ng emosyon. Umiiyak din kami oy. Kala niyo hindi? Hindi lang pinapahalata kase may "ego" kami.

KAMING MGA LALAKI, AYAW SA PAKIPOT.

- Ayaw namin yung babae na sobra kung makapag-isip kung ayaw ba kami o hindi. Nagiging paasa e. Sige nga sino ba gusto ng paasa? Hindi nalang sabihin kung ayaw o gusto para di kami nag iisip.

KAMING MGA LALAKI, MABABAW ANG KALIGAYAHAN.

- Natutuwa kami sa mga babaeng ma-effort. Yung kakantahan kami bago matulog. Yung ipagluluto kami. Sa simpleng effort na yun natutuwa kami. Kinikilig din naman kami.

KAMING MGA LALAKI, MATIPID KUNG MAGSALITA.

- Hindi kami madaldal. Hindi ma-kwento o ma-salita. Tama na yung mga salitang "oo, hindi, pwede" Pinoy henyo lang. Pero pag nagsalita kami makahulugan, minsan nga may laman pa at mapapa-isip ka.

KAMING MGA LALAKI, MA-PRIDE.

- Oo kami na ang ma-pride. Ganon talaga. Hindi na maalis sa amin yun. Natural na. Tulad niyong mga babae, hindi maalis sa inyo ang pagiging maarte. Pero walang masama kahit minsan ibaba namin to.

KAMING MGA LALAKI, NAGIGING SERYOSO SA TAONG GUSTO.

- Nagiging seryoso kami sa taong gusto namin. Ay mali. Sa taong mahal namin. Mas nagiging seryoso kami pag pinapakilala kami sa magulang ng babae. Pangarap namin yun.

KAMING MGA LALAKI, LIKAS NA MAPAGMAHAL.

- Oo sabihin na natin na ang daming babae ang umiiyak ngayon. Pero di ba nila alam na kami din nasasaktan? Oo kayo ang unang nagmomove on pero kami mas matagal pa. Sabihin niyo na nambabae kami kaagad pero ginagawa lang namin yun para makalimutan namin kayo. Nagagawa nga naming magsinungaling dahil mahal namin kayi.

Ang mga lalaki ganito, ganyon. Kelang ko pa bang i-explain kung bakit kami ganito?

Pero isa lang naman ang alam ko. 

Ang mga lalaki hindi pare-pareho gaya ng iniisip mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Usapang Lalake.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon