I Wish I Could Turn Back Time

332 4 2
                                    

 "Don’t wait until it’s too late to tell someone how much you love  and how much you care about them, Because when they’re gone, no matter how loud you shout and cry, they won’t hear you anymore."

Ito ang ikot ng storya ko, sana magustuhan ninyo. :)

Si Lhea Lera Fuentabel o kung tawagin ng kanyang yaya na "Baby Lhe" ay ang princessa ng mag asawang Roldan at Laira Fuentabel na isa sa pinakamayamang pamilya sa lugar nila. 17 years old na si Lhea at nag-aaral sa isang sikat na skwelahan sa bayan nila. Dalawa lng silang magkapatid, ang panganay ay si Lyndon Michael Fuentabel na ngayon ay may sarili ng pinapatakbong negosyo. Lahi talaga nila ang mga magaganda kaya hindi na makapagtataka kung bakit pila-pila na ang manliligaw niya. Pero sadyang walang plano si Lhea na pumasok sa relasyon kaya ni isa ay wala siyang sinagot.

   Break time iyon ng mga studyante kaya kanya-kanyang hanap pwesto ang mga iyon para matambayan. Kasama ni Lhea ang bestfriend na itunuring na niyang ate na si Erika na nakaupo sa bench sa paaralan nila. Bussy siya sa pag aaral ng napansin niya si Erika na tila kinikilig. Sinundot niya ito.

Hoy! Ano bang nangyari sayo? ani niya na kunot noong tumingin kay Erika

Nakita mo iyong lalaki sa may soccer field? nakangiting sagot ni Erika na halatang kinikilig pa rin.

O, tapos? sagot ni Lhea habang nakatingin sa lalaking sinabi ni Erika.

Diba si Mr. Rodriguez iyan? ani ni Erika na nakangiting nakatingin pa rin sa lalaki.

Yep! then? tanong ni Lhea na wala man lang ka buhay-buhay.

Ano kaba naman Lhea! Ang gwapo kaya niyan. ani ni Erika na ngayon ay nakatingin na kay Lhea habang abot na ang dalawang kilay nito.

Gwapo lang yan, Hindi makakatulong ang kagwapohan niya sa exam natin mamaya! kaya mag-aral ka na. sagot ni Lhea na ngayon ay buklat-buklat na ang libro.

Sooos! ang KJ mo talaga! ani ni Erika na binuklat na rin ang libro.

Napangiti lang si Lhea sa sinabi ni Erika. Aminado naman si Lhea na gwapo si Gabriel Anthony Rodriguez ang tinaguriang boy next door sa paaralan nila. Pero siguro hindi niya talaga type si Gabriel, dahil na rin ang naangasan siya sa dating nito.

    Habang papalapit ng papalapit ang graduation nila, may parating nagpapadala kay Lhea ng 1 steam red rose. Takang taka siya dahil naman ngayon pa ulit nangyari itong pagpapadala nito simula noong 1st year highschool pa siya. Alam niya kung sino-sino ang nagkakagusto sa kanya dahil kusa ang mga itong umaamin. At  natatakot din itong magpapadala ng mga ganito dahil alam ng mga ito kung na hindi talaga niya gusto ang papadalhan siya ng mga ganito. At alam din ng mag ito kung paano siya magalit. Kaya ngayon nagtataka siya kung sino na naman ang nagpapadala ng mga rosas. 

Lhea! okey ka lang? basag ni Erika sa katahimikan niya.

Ahhmm.Oo! medjo na stress lang siguro ako. sagot niya sabay tapik sa magkabilang pisngi.

Stress? sa secret admirer mo? Buti ka nga may secret admirer ka, ako hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapansin ng dreamboy ko. matamlay na sagot nito.

Hay! naku si Gabriel na naman? wag ka ngang OA jan! maghanap ka na lang ng iba. sagot niya.

At bakit ako maghahanap?siguro may gusto ka rin kay Gab ano? ani nito sabay tingin sa kanya.

Oh my God Erika, hindi lang ako agree na si Gabriel Anthony yang dreamboy mo. Hindi mo ba nakikita ang angas kaya ng lalaking iyan. At kahit kailan hinding- hinding- hindi ako magkakagusto sa kanya. Gets? mataray niyang sabi sabay tindig at ligpit sa gamit niya.

I Wish I Could Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon