"Bakit ang taba mo?" Narinig kong sabi niya.
Nandito siya sa bahay namin ngayon. Bumibisita NA NAMAN. Nah, nambwibwisit is the right term.
Tumigil ako sa paggamit sa cellphone ko at tinignan siya na komportableng nakahiga sa sofa. Hindi siya nakatingin sa'kin kaya naman malaya ko siyang natitigan.
Bakit ka ganyan? Past time mo na ang asarin ako. Ako naman ito, nagpapa-asar.
Tinitigan ko lang siya. Nawala ang lahat ng pagtataray na sasabihin ko nang makita ko ang maamo niyang mukha. Hindi mo aakalaing mapang-asar siya. Pero dahil dun, mas nagustuhan ko siya.
"Oy taba, hindi ako ice cream." Napakurap ako sa sinabi niya.
Mabilis kong iniba ang direksiyon ng paningin ko.
"Bakit nakakabwiset ka?" sabi ko bago ko tinuloy ang paggamit ng cellphone ko.
Tinawanan niya lang ako doon. Pinigilan kong mapangiti. His laughter has always been like music to my ears.
"Ang tagal namang bumaba ng ate mo."
Oo nga pala. Hindi nga pala ako yung 'binibisita' mo. Yung ate ko.
Basketball player si Keisler noong may summer liga sa amin. Madalas siyang tilian ng mga girls sa crowd. Hindi ako isa sa mga nagtitilian pero aaminin ko, isa ako sa mga humahanga sa kanya.
Tanda ko pa nung una siyang nagpunta sa bahay namin. Tapos na yung summer liga n'un. Bumilis yung tibok ng puso ko nang makita siya sa may pintuan ng bahay namin. Gusto kong mapangiti dahil ang lapit niya. Pero napatitig na lang ako sa gwapo niyang mukha.
"Asan ate mo?" yan yung unang sinabi niya sa'kin.
Dapat matuwa ako kasi narinig ko yung boses niya. Pero pakiramdam ko.. may kumukurot sa loob ng dibdib ko.
Ate ko pala ang hinahanap niya.
Simula n'un halos araw-araw ko na siyang nakikita sa bahay. Araw-araw niyang binibisita si ate Eloisa. Ano? May sakit? May sakit? Pabisi-bisita pang nalalaman. I sounded bitter, I know.
I know hindi tama pero, nagseselos ako.
"Oy taba! You're idling." Bigla niya akong tinabihan sa kinauupuan ko. Nagulat ako kaya muntik ko nang mabitawan yung cellphone ko.
"Ano ba?!" Medyo sigaw ko. Natetense ako sa tuwing lalapit siya sa'kin kaya madalas tumataas yung boses ko. Defense mechanism ko na rin yun para hindi siya makahalata sa'kin.
"Bakit ba ang taray mo sa'kin?" Nagpout siya.
Bwiset. Ang gwapo niya talaga. Natatameme ako. Umuurong dila ko kapag gantong pagkakataon.
"Hindi ako mataray."
Pag gantong matino siyang kausap, umaalis na agad ako dahil lalo lang lumalala yung pagkaabnormal ng tibok ng puso ko.
Tumayo na'ko at nagsimulang maglakad nang hawakan niya ako sa braso. Always gives me the chills.
"Oh san ka na naman pupunta? Lagi mo na lang akong wino-walk-outan. Nakakahurt ka na talaga."
Muntik na'kong mapangiti sa itsura niya. Para siyang bata pero ang cute-cute niya pa rin. I felt the urge to pinch his cheeks.
Eh kasii pag hindi pa'ko umalis ngayon, baka lalo pa'kong mainlove sa'yo. Ayoko.. Baka masaktan lang ako. Alam ko namang..
Si ate Eloisa ang gusto mo.
"Tatawagin ko na si ate Eloisa baka naiinip ka na." Hinatak ko yung braso ko at nagmadaling umakyat papuntang kwarto ni Ate.
BINABASA MO ANG
Bakit ka ganyan? (One Shot)
RomanceBakit ka ganyan? Lagi mo na lang akong inaasar. Sa ginagawa mo, lalo lang akong nahuhulog sa'yo.