Naalakad ka ng ika'y aking nakita
Ako'y naghanda inakalang ako ang iyong sadya.
Ngunit ako'y biglang natulala
Dahil ako'y nilampasan mo lamang bigla
Akala ko pwede pa,
Akala ko kahit konti ay may pag-asa
Ngunit marahil buhay ay sadyang ganyan,
Umaasa ka subalit walang patutunguhan
Nagulat ako ng iba ang iyong niyaya
Ang pangarap kong pagsayaw kapiling mo ay biglang nawala
Ako'y nagmistulang sigarilyong upos
Lahat ng pangarap at inaasam ay ubos na ubos
Subalit alam kong wala akong magagawa
Kahit na umioyak pa at mag makaawa
Sapagkat ikaw ay mahal ng iba..
Ako'y mananahimik nalang at itatago ang pagsinta.