Last Chance

3 0 0
                                    

"Okay class dismissed."sabi nung prof namin. Yess uwian na. Kanina pa ako wala sa wisyo sa dami ng ginawa namin ngayon. Engineering student kasi ako.

Inayos ko na yung gamit ko. Nagpaalam na din sa akin si Dianne at may pupuntahan pa daw siya, bestfriend ko yun. Matapos kong mag-ayos ng gamit ko, naglakad na ako palabas aaand nandito na siya. Inaasahan ko naman. Lagi niya na tong ginagawa simula nung payagan ko siya.

"Oh Ryle, nandiyan ka na pala."Yeah, siya si Ryle. Suitor ko, konting push na lang malapit ko na tong sagutin.

"Hi Ash. Uhmmm yeah, medyo kadarating ko lang naman. Tara na?"

"Sige." kasabay nung ang isang matipid na ngiti. Sobrang pagod na talaga ako at gusto ko ng matulog.

"Mukhang pagod na pagod ka na. Isuot mo to oh, malamig na at saka baka matun-ugan ka." Inilagay niya sa likod ko yung jacket niya at isinuot naman niya sa akin yung cap niya.

"Ang dami kasi naming ginawa ngayong araw. Anyway, thanks Ryle."

Nginitian niya ako. "No problem my lady. You're always welcome. Tara may pupuntahan tayo at alam kong mawawala ang pagod mo."

Dinala niya ako sa isang store. Sa isang store na puro chocolates ang tinda. Sineryoso niya talaga yung sinabi niya, na dapat siya lang ang chocolate factory ko. Dineclare niya kasi porket ang dami kong natatanggap na chocolates nitong mga nakaraang araw. Ganun na yata talaga ako ka-famous hahaha.

Aaand yes, nawala talaga ang pagod ko. Sino ba namang hindi mawawalan ng pagod kung kumain ng kumain ng chocolates? Well yeah pagod pa rin ako pero at least nabawasan. Gulo ko naaaa.

Para akong bata na kahit sa daan ay nakangiti dahil kumakain pa rin ako ng chocolates. Childish na kung childish eh wala kayong pake. Sa ganto ako eh hahaha.

Hanggang sa makasakay kami ng bus ni Ryle. Yeah ihahatid niya ako sa amin. Lagi niya yang ginagawa tulad nga ng sabi ko.

Dahil syempre nga naman hindi na mawawala yung fact na pagod ako, inaantok na akoooo. Gusto ko matulooog.

"You can sleep and lean here."sabi ni Ryle habang tinatap niya yung balikat niya.

Dahil sa super antok na ako, naglean na nga ako at natulog. I owe this guy na talaga. Marami na siyang nagawa sa akin. Aaaand sa tingin ko, dapat na. Hindi pala, dapat na talaga.

Pagkagising ko, tama. Sasagutin ko na siya. Sasagutin ko na si Ryle.

Habang natutulog ako sa balikat niya, inilagay niya yung isang headset sa tenga ko. Meaning share kami.

Aaand ang masasabi ko lang, ang ganda ga ng playlist ng nilalang na to. Slow pero sweet yung mga kanta na tumutugtog. Nakakarelax siya in fairness.

Pero hindi ko ineexpect ang sunod na nangyari. Nag-go na yung ilaw nung traffic lights sa intersection. So umandar na yung sasakyan galing sa way namin at doon sa katapat namin. Habang tumatawid yung bus na sinasakyan namin.....

*BOOOOOOOGSSSSH*

May kung ano na biglang nabunggo. So tumunghay ako. Wala namang nasaktan, well yun ang akala ko. Pagkalingon ko kay Ryle, sa kanyang pwesto mismo tumama yung container van.

O_________O

Duguang duguan na siya pero parang conscious pa siya. Natataranta na akooo. Di ko na alam ang gagawin.

"TULOOOOOOONG PLEASE! SI RYLE PO PLEASE. NASAKTAN PO SIYAAAAA. "

May mga tao na tumawag na ng ambulansya. Ako nandun pa rin sa tabi niya. Umiiyak na. Akala ko magiging masaya na kami pagkagising ko. Yun pala iba ang mangyayari.

"RYLEEEE. WAG MO KAMING IWAN OH PLEASE? PLEASE WAG MO KONG IWAN."

Ngumiti siya kahit na duguan siya. "B-baka kasi i-ito na yung last chance n-na maitanong ko s-sayo to. P-pwede k-ko........na b-bang mahingi y-yung sagot mo? Pwede na bang maging tayo?"Pinilit niya mabuo yung huling sentence.

Eh di ba pinangako ko sa sarili ko na sasagutin ko na siya pagkagising ko. Kayaaaa

"Oo Ryle sinasagot na kita. Kaya kumapit ka ha?"

Hinawakan niya yung kamay ko at nakangiti siya. Pero
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bigla na lamang luwag yung kapit niya sa akin. Lumuwag ng lumuwag hanggang sa nabitawan na niya ng tuluyan. Kasabay na rin ng paglisan niya.

Time of death 6:32 PM. 632 yung lagi niyang sinasabi sa akin. Nakuha niya daw yun sa kaibigan niya nung high school na si Kai(A/N:Sa My Ultimate Fear po yun) na korean. Na kahit ako hindi alam ang ibig sabihin nun pero sabi niya yun daw yung mga salita na nagpapahiwatig ng totoo niyang nararamdaman para sa akin. Yeah malungkot ako sa pagkawala niya. Pero alam kong malulungkot siya kung nakikita niyang malungkot ako. Sinabi na niya sa akin yun dati,na pag malungkot ako mas malungkot siya. Pag nalulungkot ako, pumupunta ako dun sa store na puro chocolates na pinuntahan namin nung araw na yun. Kahit papaano, sumasaya ako kasi bukod sa paborito ko ang chocolates, dito ako huling dinala ni Ryle. Yung mga memories ko with him,at lahat ng tungkol kay Ryle


.......ay itetreasure at hinding hindi ko kalilimutan kailanman. Kasi yun na lang ang tanging alaala na galing sa kanya,sa first love ko at sa lalaking nagngangalang Ryle.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Woke UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon