Ang hirap naman umisip ng intro sa istorya ko!
Ordinary story lang naman to.
Basta nagsimula ang lahat FIRST DAY OF CLASS.
Common noh?
I'm sure iniisip mo na namang alam mo na ang mangyayari.
Pero sorry ka dyan dahil naaadik ka na ata sa MALING AKALA.
Fastforward
Nakaupo lang ako sa isang sulok ng aming silid-aralan.
Tahimik lang ako.
Patingin-tingin lang sa mga kamag-aral ang tanging inaatupag ko.
Fastforward
May matalik akong kaibigan.
Kapit-bahay ko lang din siya.
Mabait siya sa akin.
Tinutulungan niya ako.
Kung ano man ang mga nais kong gawin sinusuportahan niya ako.
Fastforward
Gustung-gusto ko talaga mag-aral.
Ayaw kong matambay sa bahay.
Hindi ko kasi siya makikita.
Fastforward
Sa lahat ng gwapo dito sa paaralan.
Siya lang ang tumambad sa aking isipan.
Nag-iimagine ako na kunwari police siya at pinoprotektahan ako.
Ang korni naman ng isipan ko.
Isipan?
Nakakahiya naman ang ginawa ko.
Hindi ko tuloy namalayan na nagkasalubong pala kami.
Akala ko kasi nasa isipan ko lang siya.
Fastforward
May ginawa na naman siyang kalokohan.
Biruin mo ginawang eroplanong papel ang answer sheet ng kaibigan ko.
Sobrang galit na galit tuloy ang kaibigan ko sa kanya.
Fastforward
Maaga akong pumunta sa paaralan.
Gusto ko kasing madatnan siya sa pagpasok.
Sinundan ko siya ng tingin.
Patungo siya sa locker niya.
Napabuklas tuloy ako sa libro ko.
Kailan ko kaya maibibigay sa kanya itong sulat ko?
Fastforward
Malapit na ang bakasyon.
Di parin siya nagbabago.
Iniinis parin niya ang kaibigan ko.
Kinuha kasi niya ang lipstick nito.
Para atang naghahabulan na sila sa corridor dahil ayaw niya ibigay.
Fastforward
Nagmamadali ako papuntang CR.
Sobrang hiya ang ginawa ko kanina.
Di ko kasi tinintingnan ang dinadaanan ko.
Kaya tuloy nadapa ako.
At ang ikinahiya ko ng sobra ay nakita niya ako sa ganoong posisyon.