When She Died

128 3 0
                                    

Naglakad siya sa harapan ko at isa lang ang masasabi ko. Napakagwapo niya pa rin. Ang kanyang kulay tsokolateng mata na kumikanang tuwing nasisinagan ng araw, ang kanyang matangos na ilong, moreno at napakakisig na pangangatawan at higit sa lahat ang kanyang labing kasing pula ng rosas.

Siya ay naglakad sa aking harap ni isang tingin ay di binigay. Siya ay nagpunta sa kanyang mga kaibigan at nagsimulang mag-usap. Habang ako ito nakatayo sa kanyang likod di man lang kayang lingunin at nakikinig sa kanilang tawa. Tinignan ko siya ng narinig ko ang kanyang halakhak ito ay napakalalim at napakasarap pakinggan tinignan ko ang iyong mga ngiti at nalungkot sa akin nakita.

Ang mga ngiti mo ay di pa rin umaabot sa iyong mata. Ako'y naluluha kapag ito'y naiisip. Pasensiya na iyan ang aking nasa isip.

"Angel!" Tumatakbo kang lumapit sa akin. Hingal na hingal at puno ng pawis. Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang iyong pawis.
"Bat ka tumatakbo?" tanong ko. Habang pinaupo siya sa aking tabi.
Siya naman ang ngumiti at yumakap sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Kinurot ko ang kanyang pisngi.
"Bat ang sweet mo? May ginawa kang kasalanan no? Umamin ka!" Nanlaki ang kanyang mga mata at umiling na parang bata. Ako naman ay natawa sa kanyang reaksyon.

"Excited kasi akong makita ka. Di mo ba ako namiss?" Sabi niya sa akin. Isiniksik niya pa ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Ano ba yan! Nagkita lang tayo kahapon eh! Kaw talaga" kinurot ko uli ang kanyang pisngi. Siya naman ay ngumiti ulit at yinakap ako ng mas mahigpit.
"Kahit na miss pa rin kita!" Maggagabi na nung ako'y hinatid niya sa bahay. Puro kalokohan at kakulitan lang ang ginawa namin. Kami ay nagpaalam na sa isa't isa. Nagnakaw pa siya ng halik sa akin at mabilis na tumakbo.

Ako'y napapangiti na lang sa kanyang inasta at papasok na sana kaso ang narinig kong nagring ang aking cellphone mabilis ko itong kinuha at sinagot.
Si Laura ang aking kaibigan pinapapunta ako sa aming skwelahan.

"Bakit Laura?" yan ang bungad ko sa kanya.
"Angel kasi si Evren nakipag-away andun sa loob sa gym. Tara dalian mo." sabi niya at hinigit ako. Si Evren ay aking nakakabatang kapatid. Nang makapasok kami nakita kong madaming tao na naghihiyawan nakipagsiksikan ako at nakita ko ang aking kapatid puno ng dugo ang damit ngunit hindi ito sa kanya galing galing ito sa kanyang kaaway na halos bugbog sarado na.

"EVREN! TAMA NA YAN!" sigaw ko nung nakita kong susuntok pa siya ulit. Hinila ko siya paalis dun. Nung nasa labas na kami ng skwelahan. Hinarap ko siya at tinanong kung anong ginagawa niya at nakikipag away siya.
"Ano bang pakialam mo?! Ampon lang naman ako diba?! Bakit ba lahat ng ginagawa ko pinapakialaman mo pa rin?! Nakita mong wala ng pakialam sa akin sila mama diba?!! Wag mo na rin akong pakielaman!!" Naiyak ako sa aking narinig. Oo ampon siya pero tinuring ko pa rin siyang tunay na kapatid ko. Tinignan niya akong masama at tumawid sa kalsada. Napansin ko ang isang mabilis na truck na pagewang gewang na parang walang kontrol at napatingin sa aking kapatid.

Nanlaki ang mata ko at sinigaw ang kanyang pangalan napako ako ng makitang mabilis na papunta sa kanya ang truck. Mabilis akong tumakbo at tinulak siya. Naramdaman ko na lang ang sarili kong lumipad at biglang gumulong sa kalsada. Napakasakit yan ang nasa isip ko. Biglang nagflashback sa isip ko ang magagandang pangyayari sa aking buhay at napangiti ako ng naalala ko ang kanyang ngiti, ang kanyang tawa, ang kanyang mga yakap at higit sa lahat ang kanyang mga halik. Ako ay napaluha na lang. Sobrang sakit ng aking nararamdaman. Pero isang napakagandang liwanag ang aking nakita at napangiti sa aking naalala

"Ikaw ang liwanag ng buhay ko Angel kaya kapag nawala ka. Wala na rin ako. Wag mo ko iiwan ah." Sabi niya sa akin ng nakangiti. Ang mga matang yan ay di ko makakalimutan.
"Di kita iiwang. Pangako" at siniil ang pangako namin sa isang halik

Napaluha ako. Tinignan ko ulit siya. Nagcut siya ng klase at natutulog sa rooftop ng kanyang paaralan. Gustong gusto kong hawakan ang kanyang buhok at ito'y mas lalo pang guluhin. Bigla niyang minulat ang kanyang mata at napatingin sa dako ko na para bang nakikita niya ako. Napangiti na lang ako ng mapait ng tumayo siya at pumunta sa may railings.

Malalabong paguusap yan lang ang aking naririnig pinipilit kong buksan ang aking mga mata ngunit tila ito ay napakabigat. Mga alaala sa akin ay bumalik nanaman.

"Angel! Anong binabasa mo?" Tanong niya sa akin at yumakap nanaman. Kinurot ko ang kanyang tiyan at siya naman ay napapikit sa sakit pero nakangiti pa rin
"Ikaw ah! Yakap ka ng yakap sa akin. Galing ka lang sa laro mo. Yayakap ka na sa akin?! Ang pawis mo!" Pagbabawal ko sa kanya at lumayo.
"Eto naman. Nilalambing ka lang so ano na binabasa mo?" Pagkukulit niya sa akin.
"When she died. Ang galing no namakarinig pala ang tao kapag comatose siya." Sabi ko sa kanya
"Oo naman!" Napatingin ako sa kanya.
"Paano mo naman nalaman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Angel di ba nga balak ko magdoctor?" Nagtatampo siyang nakatingin sa akin. Siguro'y iniisip na siya ay kinakalimutan ko lang.
"Eto naman di na maloko. Haha! Basta kapag ako na comatose ikaw dapat maririnig ko ah!" Panloloko ko sa kanya. Nakita kong nagulat siya at nagalit.
"Ano ba Angel! Walang makocomatose..wag ka ngang nagloloko ng ganyan. Papano kapag nawala ka talaga sa akin?! Papan-" hinalikan ko na siya para tumigil at yinakap.
"Sorry na. Joke lang naman eh. Di kita iiwan mahal kita." At naramdaman kong niyakap niya rin ako.
"Mahal rin kita"

Malabo pa rin ang pandinig ko. Pero bigla ako may narinig na pagiyak at pamilyar na boses at tila nag pandinig ko ay unti unti naging malinaw.

"Angel sabi mo di mo ako iiwan *hik* di mo ako iiwan ah. Kahit ilang araw, linggo, buwan at taon man yan hihintayin kitang magising. Angel halos anim na buwan ka ng natutulog. Gising na. Please". Napangiti ako ng narinimg ko ang kanyang boses. Pinilit kong buksan ang aking mata ng nabuksan ko. Liwanag yan ang una kong nakita. Tumingin ako sa gilid ko at nakitang walang tao dun. Nakita ko ang liwanag at ito'y sinundan. Napunta ako sa isang puting pinto at nakitang may kamay na nakalahad sa akin. Napangiti ako. Alam ko. Alam ko sa sarili kong katapusan ko na lumingo ako sa aking pinaggalingan at mapait na lumuha. Humarap ako at lumakad papunta sa liwanag at kinuha ang kanyang kamay.

Tinignan kita at mapait na ngumiti. Lumuluha ka nanaman. Tama na. Nasasaktan ako pag nakikita kitang ganyan. Nagsalita ka bigla
"Angel sabi mo di mo ako iiwan. Napakadaya mo! NAPAKADAYA MO! Mahal na mahal kita! Bat mo ako iniwan!" Di ko na natiis at yinakap ka.
"Nandito naman ako palagi sa tabi mo eh. Di kita iiwan. Andito ako palagi para bantayan ka. Tama na."

Nakita ko nanaman ang liwanag. 2 years yan lang ang palugit ko. Pasensiya na ah. Hanggang dito na lang ako. Di ko man natupad ang pangako ko pero palagi naman kitang babantayan sa malayo. Mahal na mahal kita.

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon