1st year High School: first day

49 1 0
                                    

hello..^_^

you can call me jodi...heheheh

dito malalaman niyo ang lahat ng tungkol sa mga kababalaghang nangyayari sa buhay ko hehehehehe totoong story ko to ha, pero sinabihan ko si author na huwag sabihin sa inyo kung sino talaga ako sa totoong buhay, nakakahiya kasi eh heheheh

ang storya ng buhay ko ay magsisimula sa unang araw ng pasukan ngayong first year high school...

pang-umaga ako kaya 6am pa lang ay nandito na agad ako sa school kasama ang mother ko masyado kasing maraming sections dito kaya mahihirapan akong maghanap ng room ko kaya sinamahan na ako ni mama sa paghahanap, public high school lang kasi ang pinasukan ko, hindi naman ako mayaman hindi rin naman mahirap, keri lang pero mas minabuti na ng parents ko na dito ako magaral para makatipid...kuripot nila noh heheheh joke lang love ko pa rin sila ng sobra...^_^

3 building dito ang inuukopa ng 1st year high school kaya tatlong building din ang hahalughugin namin, meron namang listahan ng mga pangalan ng mga students at rooms nila sa may stage kaso masyado ng maraming tao doon kaya ayaw na namin makipagsiksikan ni mama, so maghahanap na lang kami kada room...

kada room kasi may nakapaskil ding names ng mga students na magroroom doon kaya yun na lang ang titingnan namin...

unang building na pinuntahan namin ay may tig limang room kada palapag, eh dalawa lang naman ang palapag ng building na iyon, so it means 10 sections lang ang nandoon, simula sa higher section which is section 1 hanggang section 10.

sinimulan na namin ni mama ang paghahanap ng name ko pero wala doon eh, meaning nasa ibang building ako, meaning din nun section 11 ako pababa... SAKLAP NOH hahhaha pero ok lang at expirience din yun, tyaka masaya din naman..hahahah malalaman niyo rin sa susunod na chapter kung bakit masaya hahahaha

pumunta na kami sa susunod na building na katapat nun, isang palapag lang iyon at may tatlong sections lang katabi kasi nun ang principals office at guidance office kaya siguro hindi nila dinamihan ng rooms kasi magiging magulo yung mga estudyante...

unang tingin pa lang namin sa listahan ng mga estudyante sa section 11 ay nakita na agad ni mama ang name ko... meaning doon ako sa room na iyon mageestay ng isang buong school year.

ok lang naman sa akin ang mapunta doon nasa gitna naman ang section ko eh 22 sections kasi ang nandito kaya gitna ako hehehe

tiningnan ko ng matindi ang room na iyon, doon ako mananaliti ng isang taon sa 1st year, naiisip ko kung ano kaya ang pwedeng mangyari sa akin doon, magiging maganda ba ang memories ko doon o hindi...

sunod ko namang tiningnan ang mangilan ngilang estudyante na nagaantay na sa labas ng room na iyon, meaning doon din sila sa section na iyon at magiging kaklase ko sila... tinitingnan ko ang mga mukha nila, iniisip ko kung sino kaya sa kanila ang magiging ka-close ko o yung hindi...

pero hayaan mo na, kaya ko to, makakasurvive naman siguro ako dito, hindi naman kasi ako palaaway eh, sa simula mahiyain ako pero kapag nakilala ko na, siguradong magulo na ako at makulit kaya siguro naman may makakaibigan din ako dito.... pero winiwish ko parin na sana ay may maging kaklase ako na naging classmate ko na nung elementary para naman may kakilala na ako kahit na papaano... yung public elementary school kasi dito ay katabi lang ng public high school kaya kung sinong grumaduate sa elementary school na iyon ay siguradong dito ang bagsak tulad ko

kaso nung binalikan ko ng tingin yung listahan ng mga estudyante,...

WALA... kahit na isa!!!!

kaya nagpanik ako ng konti, pero ok lang, naisip ko naman na imposible namang wala akong maging kaibigan dito kahit na isa diba?

My LifeWhere stories live. Discover now