1st year High School: confrontation

9 0 0
                                    

maraming araw na ang lumipas, binago na ang seating arrangement namin dahil mas gusto ng mga teacher namin ang naka-alphabetical order para madaling magcheck ng attendance kaya ayon napahiwalay sa akin sila cherry at mila, ako kasi nasa first row parin ang upuan. pero naging close ko rin naman ang bago kong katabing si Rin at nagsasabay parin kami ni mila sa canteen, kaso si cherry may bago ng kaclose kaya hindi na namin madalas makausap. nalungkot ako tungkol dun pero at least i still have mila on my side kaya ok parin naman.

lumipas pa ang ilang mga grading period at ako ang naging top 1 ng buong klase.

habang tumatagal ay parang may napapansin akong iba sa mga kaklase ko...

madalas kasi akong pinagrerecite sa board ng teacher namin sa math at ganun din si darwin. akalain niyong ang talino pala nung lalaking iyon sa math?!! hahahah siguro hindi mo nga talaga makikilala ang isang tao sa isang tinginan lang...hehehe

"jodi answer #1, Rin # 2, ikaw na lang darwin sa #3" sabi ng teacher namin kaya ako naman ay tumayo na rin agad para isolve ang # na iyon sa board

habang tahimik akong nagsosolve ng # na para sa akin ay biglang nagkakantyawan ang mga kaklase ko, sinasabihan nila ang kaklase kong si Rin na nasa gitna namin ni darwin na tumabi daw para hindi harang sa amin ni darwin...

"tabi diyan rin, harang ka eh, hahahhahaha pagtabihin mo yung dalawa diyan!!!" sigaw ng mga kaklase ko

napatingin naman ako sa kanila, natatawa na lang si Rin samantalang wala namang reaksiyon si Darwin, pero yung mga kaklase ko hindi parin tumitigil sa pangaasar...

kahit na matanda na ay nakisali rin ang teacher namin, inutusan niya kami ni rin na magpalit ng # na isosolve

"Rin, magpalit nga kayo ni jodi!"

ako naman si walang alam kaya sumunod na lang din ako, nang magtabi na kami ni darwin ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga kaklase namin...

"yun oh!!! hahahahah bagay!!!"

"ano bang nangyayari?" tanong ko kay rin na tatawa tawa habang ipinagpapatuloy ang nasimulan ko...

pero imbis na sumagot ay tumawa lang siya katulad ng mga kaklase ko...

bahala nga kayo diyan!!!

dahil sa iritasyon ay binilisan ko na lang ang pagsosolve ng # ko para makaalis na agad, nakakainis na sila eh, ayaw magsitigil..

matapos ang math subject namin ay may isa pang subject bago magbreak, pero hindi pumasok ang teacher namin doon kaya nagkakagulo nanaman ang mga kaklase ko sa pagkekwentuhan kasi bawal pa namang lumabas ng room kung hindi pa break.

nung time na iyon ay nagkekwentuhan na lang kami ni mila

"hoy, may alam ka ba dun sa kanina?" tanong ko kay mila

"ngayon ko lang din nalaman"

"ang alin?"

"kumakalat na sa buong klase natin na crush mo si Darwin"

"ano?!!!!!!! eh diba si cherry may crush dun? at saan naman nagmula ang napakamaling chismis na yan aber?!!!"

"may nakapag sabi sa akin na kay cherry daw nila nalaman"

"hah?!!!!" sobrang gulat ko sa mga nalaman ko ngayon, napanganga na lang ako..

paano kumalat ang ganon ka maling balita?

si cherry ang may crush sa lalaking iyon nung first day of school pa...

bakit ako ang napagkakamalan na may crush dun?

sinasabi pa nilang kay cherry nagmula?

ang gulo!!!! siguro dahil sa pagiging busy ko sa pag-aaral ay nawalan na ako ng malay sa mga nangyayari sa paligid ko kaya ito.... kumalat ng hindi ko alam ang isang maling balita...

bakit ko hinayaang kumalat iyon?

bakit kasi hindi ako nakikiramdam sa paligid ko eh?

"kausapin kaya natin si cherry" biglang sabi ni mila

"tara" sang-ayon ko, kailangan ko na nga talagang makausap yung babaeng iyon dahil kailangan ko ng mga kasagutan sa napakaraming tanong ko...

tumayo kami ni mila, doon kasi kami sa first row nagkekwentuhan kaya pupunta kami sa likod kung saan naroon ni cherry na nakikipagkwentuhan naman sa bago niyang kaclose na kaklase namin.

"cherry" tawag ko sa kanya, hindi naman ako makikipag-away eh, gusto ko lang ng kasagutan para malinis na ang pangalan ko kaya kalmado lang ang pagkakatawag ko sa pangalan niya.

"bakit?" tanong niya

"ikaw ba yung nagpakalat na crush ko si darwin?" deretsong tanong ko

"hah? hindi noh!" nakakunot noong tanggi niya

"bakit sabi nila sa iyo daw nagmula" ngayon si mila naman ang nagsalita

"wala akong sinasabing ganyan hah"

"kaya nga nagtataka rin ako, diba ikaw ang may crush kay darwin? pero bakit biglang napunta sa akin?"

"ikaw pala ang may crush kay darwin?" biglang singit ni marian na kakwentuhan ni cherry kanina.

"oo bakit?"

"akala ko si jodi"

"so, ikaw pala ang nagpakalat nung balitang yun?!"

"uhm... sorry... akala ko kasi si jodi eh, naguluhan kasi ako sa kwento mo cherry eh, tyaka nabanggit ko lang naman yun sa kaklase natin  pero hindi ko naman akalaing magiging malaking issue yun"

napapalo ako sa noo ko...

"marian naman, magkakalat ka na nga lang ng chismis eh mali pa" sabi ko

"sorry talaga jodi" pagmamakaawa niya...

hay naku, wala naman na akong magagawa doon eh

"hayaan mo na ok na mabuti ng nagkakalinawan tayo, lilinisin ko na lang ang pangalan ko kay darwin, baka kung ano pa ang isipin nun eh"

tapos umalis na ako sa tabi nila at nagpunta sa pwesto nila darwin na kasalukuyang kakwentuhan ang mga kaibigang lalaki...

papalapit pa lang ako ay nangaasar nanaman ang mga kaklase ko lalo na ang mga kaibigan niya, kaya nang makapwesto na ako sa harap niya ay halos hindi na kami magkarinigan dahil sa ingay...

"hoy darwin!!" pagtawag ko sa kanya nun ay napatingin siya sa akin, nakaupo parin siya habang nakatayo ako sa harap niya... "kung akala mo ay ako ang may crush sa iyo, pwes nagkakamali ka! si cherry ang may crush sa iyo hindi ako!!" pagkasabi ko nun ay umalis na agad ako...

pero mukhang pagsisisihan ko ata ang ginawa kong iyon...

A/N: ipinagbabawalan akong sabihin ang mga detalye tungkol sa kanya pero ito lang ang sigurado ako... she's a BEST FRIEND OF MINE....^_^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My LifeWhere stories live. Discover now