Coma (OneShot)

267 8 0
                                    

I got so hooked with this song entitled "Coma" by Ensou. So , can't help but writing it a story.

Chloe

Kasalukuyang inaayos ko ang bagahe ko ng mamataan ko ang isang notebook na maliit na kulay purple. Lumingon lingon ako baka merong nakaiwan o meron na palang nakapwesto sa uupuan ko. Ngunit kapwa silang abala sa pag-aayos nang kanya kanya gamit.

Binalewala ko nalang at naupo sa may malapit sa bintana.

Hay, namimiss ko na siya. I'm not feeling whole when i'm not with her, literal na kulang ang pakiramdam ko.

"Mam candy po?". Pansamantalang tanong sa'kin ng stewardess. Naisip ko, is this only what they got? Tiningala ko lang siya then said 'No,thanks'.

Napatingin ako sa umookupa ng katabi kong upuan.

Oo nga pala, bat di ko tinanong to sa stewardess? Hmp! Hayaan na nga!

Pero parang may bumubulong sa'kin na tignan 'to. I stared at it like for 30 seconds but turned away then tumingin ulit tapos tingin sa bintana. 15 minutes nalang daw sabi sa monitor aalis na ang eroplano. Napalingon ulit ako sa notebook, ang cute lang kasi kulay purple siya favorite color ko pa talaga. Tapos meron siyang 3 stars sa upper right side, may nakasulat na 'Souls within' sa gitna nung pinakamalaking star. Yung pinaka cover niya , may drawing na diwata ata to? o angel? Sa lower left side naman, may maliit na pirma. Infairness, parang computerized siya sa ganda pero sure akong sinulat lang to sa sign pen dahil may onti pang tinta.

Unti-unti kong binuklat yung first page. Nahiya pa ko konti, bubuksan ko din pala. Sus!

"Dahan dahan ng umuulit ang bawat sakit at mapapait. Na mga ala-alang ika'y nasaktan."

Wow! Anu daw? Ang lalim naman nito. For sure, laki ng hugot ng sumulat nito. Hindi ba masyadong magastos sa papel? Ito lang nakasulat sa buong pahina? But i'm beginning to like it so, sa next page naman tayo.

"Gumuguho na ang mundo ko. Naglalakad sa sarili kong abo."

Anu daw? Anu ba to! Gumuho yung mundo pero sa abo niya siya mismo naglalakad? Hay. Makata ata sumulat nito. Binuklat ko nalang ulit yung sumunod, at sumunod pa.

"Ngayon nandito ako. Sumisigaw, naliligaw sa mundong naiiba sa mundong natatanaw".

Putik! Anu daw? Seriously? Bat kasi pumupunta sa ibang mundo? Yan tuloy naliligaw.

"Ngayon nandito ako umiiyak, naghihintay sa 'yong ngiti dito sa'king panaginip".

Ay alam ko na to! Malamang usaping pampuso ang problema ng sumulat nito. Siguro, hindi sila pwede kaya sa panaginip nalang. Napatawa nalang ako sa naisip ko.

" Ganda nang ngiti natin ah? Share mo naman? " . Biglang tanong sa'kin ng babaeng katabi ko. Kelan pa ko may katabi ng di ko namamalayan?

Sinulyapan ko lang siya, kunwari wala akong paki at busy ako sa binabasa ko .

" Suplada nyo naman po. Pwede ba tumabi sa'yo? Feeling ko kasi nag-iisa na talaga ako . Atleast man lang, masabing may kasama ako kahit dito lang". Hindi pa din ako umimik at nakatutok lang sa notebook.

" Pasensya ka na ha. Naabala pa kita sa pagbabasa mo." Animong tatayo na yung babae pero pinigilan ko.

Mwinestra ko yung kamay ko telling her to stay , " Okay lang! " . Tipid kong sabi.

Palihim ko siyang tinignan habang inaayos niya yung backpack niya. Shit! ang suplada nang naging datingan ko, Ang ganda niya! Kung i-dedescribe mo siguro yung salitang DYOSA, siya yung description. Grabe! Nakakahiya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ComaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon