Its not a dream

9 1 0
                                    

7:30 na nang gabi. Uwian na namin. Nakasalubong ko yung kaibigan ko.

"Tol. Antayin mo na ako. Sabay na tayo umuwe." Sabi nya sakin.

"okay." Matipid kong sagot

"Antayin mo nalang ako sa pavillion"

After non umalis na sya. Aantayin ko nalang sya tutal naman ayoko pang umuwe. Lumabas muna ako saglit nang campus para bumili nang cup noodles. 8:00 pumunta na ko sa pavillion since tapos na din naman ako kumain.

"Hay. Makaidlip na nga muna. Matagal pa naman eh." Sabi ko nalang.

--------
"Huy tol gising!" Yugyog sakin ni glyde

"Oh. Anong oras na ba?"

"8:50. Dinismiss kami agad eh. Napasarap ba tulog mo?"

"Hay. Oo. Loko to. Magbus nalang tayo. Gusto ko pa matulog. Bitin eh."

"Haha. Loko ka talaga. Sige."

so gaya nang usapan nagbus nga kami. Mapapabilis kasi masyado kung mag UV express kami. Dahil mahaba at usad pagong ang traffic, natulog na muna ako.

------

"Tol gising. Tol!"

"Ano nanaman ba yon?" Sabi ko pa habang naginat at humikab

"Bababa na tayo. hehehe napatagal tulog mo."

"Ah ganun ba? Cge."

Bumaba na kami. Pag baba namin may napansin ako.

"Glyde."

"Oh?"

"Ang layo pa natin eh! Bat bumaba na tayo! Aish!" Binatukan ko sya tapos naglakad na kami.

"Tignan mo yon oh. Diba ex-girlfriend mo yon???"

Tinignan ko naman yung tinuro nya. Oo nga ex ko nga yun.

"Lapitan mo pre." Sabi nya sakin.

"Pero paano kung galit pa rin sya sa akin?"

"Ngayon ka na magexplain. Chance mo na to para ipaliwanag sa kanya ang lahat lahat."

Lumapit na ako sa kanya. Habang papalapit ako pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Ang daming tanong ngayon sa utak ko. hanggang sa makalapit ako sa kanya.

"Hi. Kamusta?" sabi ko sa kanya.

Lumingon sya sakin, may bakas ng gulat sa mukha nya pero ngumiti din sya agad at sinabing "Hi. Ikaw pala. Okay lang naman ako. Ikaw kamusta ka naman?"

"Okay lang din. Hm. Tagal din nating di nagkita no?"

"Oo nga eh."

Tahimik Lang kami sa daan hanggang sa makarating kaming park. Huminto muna kami dun. kasama na din ni glyde yung gf nya. Nang makaupo kami sa isa sa mga bench nun, nagsalita na ako.

"Mae, about sa nangyare noon. Im sorry. Im sorry kase---"

Hindi na nya ako pinatapos magsalita

"It's okay. don't worry about that anymore. Alam ko na ang nangyare. Sinabi na sakin lahat ni Glyde. (Sabay tingin kay glyde at ngumiti) ako ang dapat na humingi nang sorry sayo dahil hindi ko muna inalam ang nangyare."

Nagsisimula nang pumatak ang mga luha ko.

"No Mae. Wala kang kasalanan. Kasalanan ko ang lahat. Lahat lahat. Kung hindi lang sana ako----"

"Shhh. Tama na. Okay na. Napatawad na kita. Wag kanang umiyak."

Pinunasan nya yung luha ko at niyakap ako. Hinahagod nya yung likod ko at ako naman ay parang batang umiiyak dahil inagawan nang candy.

It's Not A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon