Stalker ? hindi ah ! Admirer lang (OneShot)

87 2 0
                                    

“Hoy Angel ! tara na ! uwi na tayo. Gabi na oh ? 5:00 na po !” – Yumi

“Mauna ka na Yumi. May gagawin pa ako sa library ehh”

“Yan kasi ehh ! ba’t ka ba nag-cutting ?? naparusahan ka tuloy !” – Yumi

“Iiieeh ! Basta ! Umuwi ka na. mamaya, magalit pa si tita na late ka na umuwi”

“Hayy. Bahala ka nga. Basta, ingat ka nalang pag uwi ahh ?? sige una na ako. Ba-bye !” – Yumi

“Opo. Sige na. ingat ka din. Ba-bye !”

Hayy ! kapagod naman ‘tong parusa sakin !! >__< gabi pa ako makaka-uwi nito ehh !

[After 1 hour]

Sa wakas ! tapos na din ! makakauwi na akoo !! \(^__^)/

Dumaan ako sa may likod ng school. May gate din kasi dun ehh. Saka, mas malapit sa bahay namin.

“Hala ! ba’t naka-ilaw yung gym ?? gabi na ahh !”

Tinignan ko yung loob ng gym.

Teka, nagpa-practice yata yung basketball team ahh ?? nandito yung mga gamit nila ehh. Di manlang inayos =__=”

Baka, nagsho-shower sila ?? silipin ko kaya ?? hihi

*sampal sa sarili*

“Ano ka ba Angel ! bad yun ! wag na wag mo gagawin yun !”

 Para akong tanga na kinakausap yung sarili ko -____-“

Nakita ko yung jersey ni Ethan. Tumingin ako sa paligid saka pumasok sa gym. Kinuha ko yung jersey ni Ethan na nasa upuan lang. saka ko, inamoy-amoy. Ba’t ganun ?? kahit pawis na pawis na, mabango parin ???? nakaka-adik ! gusto kong iuwi !! >___<

“Lord, patawarin niyo po ako sa gagawin kong ‘to. Pero, ngayon lang naman ehh. Ibabalik ko din pag nagsawa na ako. At alam kong, imposibleng pagsawaan ko ‘to. Nakaka-adik kasi talaga ehh ! basta Lord, nawa’y patawarin niyo po ako sa gagawin kong ‘to. Amen”

Umuwi na ako dala-dala yung jersey ni Ethan.

“Andito na akoooo !!!”

“Hoy ! ba’t gabi ka na umuwi ??” – Kuya

“Ehh kasi kuya, naparusahan ako ehh”

“Bakit naman ? ano na naming katangahan yung ginawa mo ??” – Kuya

“Grabe ka naman Kuya !! Katangahan kaagad ?? dib a pwedeng, na-late lang pumasok sa English subject naming tapos, akala ng teacher naming na nag-cutting ako ??”

“At ano naman yang dala mo ??” – Kuya

“Ba’t ba ang dami mong tanong kuya ? Ha ? parang ikaw naman si mama ehh !”

“Natural ! ba’t ba kasi may dala kang jersey ? sayo ba yan ? ha ?” – Kuya

“OO ! akin ‘to nuh !”

“So, nagba-basketball kana pala ngayon kapatid ?? angas ! tapos yung nakalagay pa sa jersey mo, “Velasco” ?? hanep ! Alvarez apilyedo natin tapos Velasco yang jersey mo ??” – Kuya

“Ano ba naman yan Kuya ! ang daming tanong ehh ! aakyat na ako ! matutulog na ako !”

“Hindi ka na kakain ??” – Kuya

Stalker ? hindi ah ! Admirer lang (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon