Ni hindi pa madaling araw pero gabi na.
Yung may kasama ka pang gising at nanunuod ng TV habang ikaw nagpipigil ng mga hikbi na baka marinig nila.
Hindi pa madaling araw pero nakakaramdam na ako ng matinding lungkot dahil sayo.
Mahirap rin pala pag ganito. Kahit anong oras, kahit saan man, may isang taong makakaapekto sa mood mo ng hindi nila narerealize na nasasaktan ka na nila.
Ang hirap.
Gusto mong ilabas ang sakit pero kailangan mong itago.
Minsan iniisip ko kung totoo pa ba ang mga sinasabi mo.
Sa totoo lang, hindi ko na ramdam. Noong una, magaling ka sa salita, pero ngayon pati salita, pinagkakait mo na sa akin.
Di na talaga kita maramdaman.
Ang mga usapan natin palaging tipid na lang.
Noon, gusto mo palagi akong nakakausap at di ka mapakali kapag di ako sumasagot.
Anong nangyare, bakit nawalan ka na ng pake?
Sabi mo di ka magbabago, pero ang bilis bilis lang nag-iiba ka na.
Alam mo kulang ka sa isang bagay e, CONSISTENCY.
Sa una ka lang magaling, tulad nila.
Sana pala di na lang ako naattach.
Ginawa ko naman lahat para pigilan mahulog pero nabigo ako. Nahulog ako at nagkaroon pa ng bukol sa sobrang lakas ng impact sa akin.
Sa una ka lang talaga magaling.
Katulad ka rin ng iba.
Sana sa simula pa lang pinakita mo na sa akin kung ano ka.
Pero wala akong magagawa.
Nakalimutan ko na bang sarili mong buhay yan na di ko na dapat mapanghimasukan.
Bahala ka sa buhay mo.
Kahit ano namang mangyari ay masasaktan pa rin ako.
Siguro kailangan ko na lang sanayin ang sarili ko.
Sana wag kang magtaka kung balang araw ay masanay ako...
Masanay na wala at hindi na kita kailangan para mabuo ang mga araw ko.
Mahal mo pa ba talaga ako?
O nagsisinungaling ka na lang?
Hay