Love Knows No End

18 1 2
                                    

Nagising na lang ako isang umaga, naramdaman ko parang may kulang. Kumain ako ng almusal, nakausap ko na lahat ng tao sa bahay, pero bakit ganito, parang ang bigat ng pakiramdam ko. Pumasok ako sa school. Nag-iisip pa rin. Muntik na nga ako madapa sa kakaisip lang nito. Tinanong na ako ng mga classmate ko, ano ba meron sa akin, bakit ang tamlay ko. Sabi ko hindi ko alam, hindi ko maintindihan.

Alam mo ba yung pakiramdam na parang may malaking butas sa sarili mo? Tipong merong kailangang makapuno? Yun ang nararamdaman ko nung araw na yun. Gusto ko nang sumigaw. Magwala. Malay ko ba kung ano lang ito. Pero hindi ko ginawa kasi hindi naman dapat.

Mga bandang tanghalian, tumawag siya. Alam mo na...Siya...yung lalaking minahal ko ng buong buhay ko pero iniwan ako para sa ibang tao. Wala lang nangumusta lang. Labas daw kami pagkatapos ng class. Nag-isip ako ng mabuti, kung papayag ako o hindi. Naisip ko, ano ba namang masama. Nasa malayo naman nagaaral ang girlfriend nya, parang malalaman, di ba?

Natapos ang araw, sobrang excited ako. Sinundo nya ako sa school. Kumain kami. Nag-usap. Binalik ang nakaraan. Sabi ko na lang huwag nang pag-usapan. May buhay na siya, masaya na rin ako sa buhay ko. Kaibigan na lang ang maibibigay ko.Ang drama pa nga, sabi niya mahal pa daw niya ako. Mas mabait daw ako, mas understanding. Ikumpara ba ako sa bago.

Sabi ko nga, "Aba eh bakit sa 'kin mo sinasabi yan, ano ito bolahan?"

Natawa lang siya kahit hindi nakakatawa. Nainis nga ako, di ko na lang pinakita. Pero kahit na nag-uusap kami nandun pa rin yung malaking butas, nararamdaman ko pa rin. Hanggang naisip ko baka kulang lang ako sa pagtawag sa kanya. Siguro naman alam nyo kung sino yun.

Naglalakad na kami pauwi, papunta sa convertable car nya. Nakalimutan ko kahit sandali ang kulang na nararamdaman ko. Napatawa pa nga ako sa mga biro nya. Napalo ko pa nga sa kakatawa.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Kapatid nya, umiiyak.

"Bakit? Kasama ko kuya mo, pauwi na kami..." sabi ko.

Bigla syang natahimik, tinanong ko kung bakit at dahan-dahan nyang sinabi,

"Pa'no nangyari yun eh si kuya nadisgrasya, na total wreck sasakyan nya. Ate, patay na sya..."

Nabigla ako. Hindi ko maintindihan, pano nangyari na patay na siya eh kasama ko pa, pag harap ko sa likod ko, nandun pa siya, ganun pa rin suot niya pero duguan na...Napaluha ako.

Ngumiti lang siya at sinabi na, "Naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang may kulang, hindi mo maintindihan kung bakit?"

Napa-oo na lang ako habang patuloy na lumuluha.

"Papunta ako sa iyo ngayon, dahil gusto kong sabihin na ikaw pala yun, 'yung kulang sa buhay ko. Gusto ko sana na maging tayo ulit... Pero di ba sabi ko naman sayo kahit anong mangyari, gusto ko bago ako mamatay ikaw ang nasa tabi ko..."

Tapos bigla siyang nawala.

Bumigat lalo ang pakiramdam ko, napa-upo ako sa lapag. Wala na lang akong magawa kung hindi umiyak. Bakit kung kailan lahat ng sinabi niya tama sa pandinig ko, hangin na lang ang lahat ng ito...

Love Knows No EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon