Jecka's POV
Walang paglagyan ang kaligayahan ko ngayon. As in, super excited ako na magsimulang mag-aral sa dream school ko, ang Utopia Academy. Ni hindi pa nga rin ako makapaniwala na eto na ako, nakatayo sa harap ng malalaki nitong puting gate na tila hinihila na ako papasok sa loob. Abot langit na talaga yung ngiti ko. At take note,walang sinuman, ang pwedeng sumira sa kaligayahang yan!
Teka,Magsasayang pa ba ako ng oras para titigan ang gate ng school? Syempre, hindi na! Mabilis pa sa alas kwatro ay dali dali ko ng pinuntahan yung guard para macheck na nyang studyante ako sa academy. At saktong pagkaconfirm nya ng pangalan ko sa list ay dirediretso na muna akong naglibot sa loob.
Opsie dopsie, hindi ko pa nga pala naiipakilala ang sarili ko. I go by the name of Jennycka Jude Abrea, para hindi ka tamadin sa pagbigkas ng pangalan ko, tawagin mo na lang akong Jecka. Alam mo na, tayong mga pinoy, tamad, na miski mga pangalan ay pinapaikli natin para hindi na mahirapan pa ang ating mga dila sa pagsasalita, gaya na lang ng Bobbette, pinapaikli natin yun sa pangalang Bob, ang Samantha ay nagiging Sam, at balang araw ang pangalang Rose ay magiging R na lang. Wala na bang sense? Ganyan talaga ako, mahilig kausapin ang sarili kaya nga hindi ko namamalayang mukha na pala akong mangyan dito sa loob ng academy na paikot ikot lang sa main building.
Shunga ko no? Wala eh, ganyan talaga ako.
Baka nagtataka kayo kung bakit wala pa masyadong tao dito.Hindi pa naman kasi official na first day ngayon ng school, merong allotted na three days para sa amin, yun yung dates na isinet para makadating at maayos na namin ang aming tutulugang kwarto sa dorms. At once na makarating ka, saka ka na ulit pwedeng lumabas ng school kapag required at pag semestral,christmas break or summer vacation na.
Pero mamaya ko pa balak pumunta sa girl's dorm, gusto ko munang maglibot minus yung hitsura ko ngayon na sobra sobra na kung makangiti, feeling ko tuloy mukha na akong baliw dito.
''Miss'', sigaw nung lalaking nakaupo sa may bench sa park na kaharap lang ng malaking building na kinatatayuan ko. Tsk, may hawak syang tali ng aso, napakabait talaga ng administrators, pinapayagan nila ang mga studyanteng magdala ng alaga sa school. Wala akong say tungkol doon, ang sa akin lang, bakit aso pa yung dinala nung sang to? Eh takot ako sa aso. Naman oh!
''Ako ba tinatawag mo?''
''Sino pa ba ang mukhang tangang nakatayo sa harap ko ngayon? Ikaw lang naman, di ba?'', anak ng peste ah, agang aga namimwiset ang leche plan na to.
''Ano bang problema mo? Inaaano ba kita?'',aba palaban ata ang lahi ng mga Abrea. Kapag ininsulto mo ako, hindi ako papayag na hindi gaganti.
''Nananahimik kasi ako at si Chaikovsky na nakaupo dito'',sabi nya ng bigla syang tumayo.''Ang ganda ganda na sana ng view kaso bigla kang dumating dyan at nagpaikot ikot na parang baliw'',sabi na eh, mukha nga akong baliw ngunit hindi ako makakapayag na ibang tao ang tatawag sa akin ng baliw!
Kung wala lang syang dalang aso baka nasuntok ko na ang isang to. Psh, pasalamat ka sa aso mo.
''Grabe, ang lalim naman ng dahilan mo pre'', nakangiti kong sagot sa kanya.''Alam mo Mr.Pogi, gwapo ka...''
''Alam ko na yan, matagal na panahon na.''
''Patapusin mo muna ako pwede?''
''Ano, sasabihin mong gwapo ako, maganda ka? Maganda ka nga ba? Saang banda?'', sobra sobra ng nag iinit ang dugo. Ganito ba talaga ang mga tao sa syudad? Sa academy na to? Bakit ang yayabang nila? Lakas makabully ah, hinding hindi ko kakalimutan ang mukha ng isang to, habang buhay din kitang bubullyhin!
''Teka, miss...'', ano na namang gusto ng isang to?
''Buto ka ba?'',eh ikaw si boy pick up ka ba?
BINABASA MO ANG
PLASTIC,BULLIED L O V E
Romancesa panahon ngayon ang LOVE ay pwedeng pwede na ring PLASTIKIN, pero bakit nga ba may mga taong kayang gawin yun?Ano ang dahilan nila?