***23***

96 5 0
                                    

23

Balak ni Zaimon na sa gabing ito ay tatakas siya sa ospital. Dahil hindi na niya makayanang magpanggap na nakaratay. Bahala na kung magtaka yung mga doctor o kaya yung mga ka myembro niya sa gang, ang importante ay makalabas siya ngayon na mismo, kasi parang nasasayang lang ang oras niya kung magmumukmok lang siya sa ganitong lugar.

Madilim sa loob ng kwarto dahil sinadya niyang patayin ang ilaw.

Nakapagbihis na siya at handa na sanang lumabas sa balcony ng kwarto nang makaramdam siya na parang may paparating.

Kaya ang ginawa niya ay pinagdikit ang dalawang unan at pinatungan ng kumot para magmukhang siya yun na nakabalot ng kumot. At nagmadali siyang magtago sa likod ng mahabang kurtina.

‘What’s up? Sino namang matinong tao ang bibisita sa ganitong oras?’ maybe ibang tao ang paparating.

Narinig niya ang konting pagpihit ng pinto.

Lalo siyang naghinala nang di man lang nito binuksan ang ilaw. Tama nga ang kutob niya na may masamang balak ang taong ito.

Hindi man niya nakikita kung nasan na banda ito pero malakas ang pakiramdam niya kaya alam niyang palapit na ng palapit ito. Naghahanda na rin siya para sa kung ano man ang binabalak nitong gawin.

Nakaporma ang lalaki na sasaksakin si Zaimon pero laking bigla nito nang pagkatanggal nito ng kumot ay unan ang bumungad dito.

“Tang!na—“ bulalas ng lalaki.

Blag!

Sinipa ni Zaimon ang likuran ng maskuladong lalaki kaya napasubsob ito sa kutson.

“Pvtangina---ahk!!—“ mananaksak na sana ito kaya lang naunahan ito ni Zaimon na tutukan ng baril sa leeg.

“Don’t dare moving--” may silencer ang baril ni Zaimon kaya kahit iputok niya ito ay walang makakarinig.

“Put down that your knife punk—“ mahina niyang sabi.

Sinunod naman nang lalaki at ibinaba niya ito, pero napansin ni Zaimon na naglalakbay ang mataba nitong kamay papunta banda sa sinturon nito. Mukhang balak humugot ng sariling baril ang gago.

“Tsk—“ sa sobrang bagal nito humugot ng baril ay si Zaimon na ang kumuha na naka ipit sa sinturon nito.

Ngayon ay dalawa na tuloy ang hawak niyang  baril. Lumayo siya konti nang di inaalis ang pagkatutok sa lalaki ng baril.

“Great huh—“ si Zaimon habang ine examine ang nakuhang baril “I have two guns, two bullets for your head shot—how do you want me to do it? Im giving you a choice—do you want me to pull the two trigger simultaneously or shoot you one at a time?“ mapanuksong sabi ni Zaimon.

Kitang kita niya ang mukha ng maskuladong lalaki dahil narin sa liwanag ng buwan mula sa balcony. Hindi niya ito kilala. Pero alam niyang napag utusan lang ito.

“W-wag—“ garagal ang tono ng lalaki. Halos tumagatak ang pawis nito sa sobrang kaba. Ikaw ba naman tapatan ng dalawang baril. Sinong di matatakot dun?

“Isang tanong isang sagot—sinong nag utos sayo?” matalim na pagkakasabi ni Zaimon.

Pero mukhang ayaw magsalita ng lalaki kaya para tuluyang matakot ito ay itinapat na mismo ni Zaimon ang isang baril sa noo nito. Labis labis tuloy ang taranta ng lalaki.

“B-boss wag maawa ka—“

“Sino?!” medyo napalakas ang pagkakasabi ni Zaimon.

- - -

NP: Sexy Can I

 Sexy, can I? Just pardon my manners

Girl how you shake it, got a player like oh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Willing PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon