To Be Honest

25 0 0
                                    

Hi kuya! 

Dahil ga-graduate ka na this year at hindi na kita makikita, gusto ko malaman mo kung bakit iwas ako nang iwas at hindi kita pinapansin, gusto ko malaman mo na hindi kita pinaglalaruan, at gusto ko malaman mo na...

Gusto kita. 

To be honest... Nung una pa lang tayong nagkita, nung pumunta ka sa every classroom para sa Student Council Campaign. Doon, una kitang napansin dahil sa medyo magkamukha kayo ni Woohyun. Hindi naman ako super duper fan ni Nam Woohyun dahil love ko si Kim Myungsoo pero nakaka-intriga lang talaga dahil may hawig kayo. 

To be honest... Akala ko nung una may gusto ka sa best friend ko, dahil palagi mo siyang kinakawayan or tinatawag kapag dadaan kami, of course kasi kasali siya sa campaign niyo kaya kilala mo best friend ko. Doon ako nag-start na mag-ask tungkol sayo sa best friend ko, sabi pa niya, mabait ka raw at hindi snob. Parang napa "wow" naman ako doon sa sinabi niya. Kaya in-add din kita sa facebook, grabe! Ilang oras akong naghanap dahil iba pala ang name mo sa personal at sa facebook, buti nga nakita ko pa. 

To be honest... Hindi naman talaga ako interesadong malaman about sa girl friend ng best friend mo. Ginawa ko lang siyang topic para makausap ka sa facebook. Buti nga hindi ka snobber eh. Akala ko nga ise-seen mo lang ako. Ang topic nga natin after sa girl friend ng best friend mo ay yung best friend ko eh, parang masakit yun eh no?

To be honest... Nung unang day ng exams, nung kumalat sa buong classroom na hinahanap mo raw ako, sobrang tawa ko noon kasi yung mga babae sa classroom natatakot na parang baliw dahil akala mo daw sila yung nagchat sayo kaya ayun, dali dali nila akong pinalapit sayo that time. 

To be honest... Nung medyo may distansya pa ang layo natin nung  hinila nila ako palapit sayo ay ang lakas ng tibok ng puso ko, yung tipong sasabog na talaga hahaha. Nakatingin lang ako sayo nun, parang nagslow motion ang lahat nung ngumiti ka sakin eh, hindi ba kapani-paniwala? Totoo yun, nag-slow motion talaga that time. 

To be honest... Akala ko nasusungitan ka sakin eh, nasungitan kasi kita nung lumapit ako sayo, ganyan kasi ako kapag nagkakagusto ako sa isang tao. Hindi ko pinapansin or sinusungitan ko. Sorry ah? Nag-regret nga ako after nun eh, sana kung naging mas friendly ako, naging magkaibigan pa kita.

To be honest... Nasasaktan ako sa tuwing tini-tease kita sa 2nd chat natin. Wala akong magawa eh, yun lang ang paraan para magkausap tayo. Gino-Good shot ko nga yung best friend ko para magustuhan mo eh, pero sa totoo nasaktan ako noon, baka kasi magkagusto ka nga sa kanya. Pero sabi mo ang bata pa niya, 1st year kasi kami at 4th year ka, kaya medyo mas nalungkot ako doon sa sinabi mo na ang bata niya, si best friend pa kaya na maganda hindi mo magugustuhan ako pa kaya na cute. 

To be honest... Palagi akong nakatingin sa labas dahil nakikita kasi kita minsan na pumupunta sa CR ng floor level natin eh. Kaya advantage na sakin yung katabi ng katabi ko ay yung window kaya nakikita kita pero alam mo kung ano ang mas masakit? Yung kapag nakatingin ako sayo, ikaw naman nakatingin sa likod ko, which is ang best friend ko. Ang sakit nun diba? 

To be honest... Masayang masaya ako kasi nalaman ko na kasali ka din pala sa Dance Troupe! Buti nalang talaga sinalihan ko lahat ng clubs! At ang mas masaya pa is, in-invite mo ako na sumali sa Doxology na ikaw ang magtuturo! Medyo nakakakaba kasi natatakot ako baka mali-mali yung dance steps ko, nakakahiya kaya. Nasaktan din ako kasi in-ask mo din kung kasali ba ang best friend ko sa Dance Troupe. Hays, may gusto ka ba sa kanya noon? Sakit ah. 

To be honest... Na-disappoint ako sayo. Kasi sa tagal na nating nag-practice para sa Doxology ay hindi mo pa rin ako kilala. Lahat ng best friends ko ka-close mo na, ako nalang hindi. Pero alam mo kung ano ang mas masakit? Yung akala mo yung ka chat mo ay ang kapatid ko. Nakaka-insecure sila. Sa lahat kasi ng magkabarkada ako lang yung cute, sila maganda. Bakit ganun? Unfair, hays. Noon mo lang nalaman nung nag-change ako ng profile picture. Medyo kinilig pa nga ako sa comment mo doon eh, may wink emoticon ka pang nalalaman tsk hahaha. 

To be honest... Feel ko lang, feel ko lang naman na nagpapapansin ka hahaha. Palagi kasi kitang nakikita na nakatingin sa side ko, and it is very very obvious na hindi na yung best friend ko ang tinitignan mo. Bakit ganun? Hahaha. Siguro assuming lang ako hahhaa. Sino ba naman ako para magustuhan mo bdiba?

To be honest... Nung pinili akong representative para sa kakanta ng OPM ay yung kinanta ko, para naman talaga yun sayo eh. Yung kinanta ko na Kung Alam Mo Lang? It is dedicated for you. Tawa nga ako ng tawa nung sinabi ng friends ko na palagi ka raw nakatingin sakin at chini-cheer mo din ako pero nung dumatingin yung ka-partner ko sa kanta, nung naghiyawan nga ang mga audience nung binigyan ako ng ring ng ka-partner ko ay nakita ko na binalikat mo yung upuan. Ano nangyari? Hahaha. After nun palagi mo nalang akong tinatawag na Miss President, doon mo lang kasi nalaman sa cheering message na ginawa ng barkada ko to support me sa contest na president ako ng classroom namin.

To be honest... Masaya ako kasi parang close na tayo sa chat. Naalala ko pa nga nung nagpapa-unahan tayong makapunta sa school, dinare ko kasi yun sayo kasi mga ten or eight AM yung time mo na nandun ka na sa school hahaha, it was fun though. And yung time na hinihiram ko book mo, pero kahit ganun hindi pa rin tayo nag-uusap, pinadala ko nga lang yung book mo sa inyo eh. Ang awkward kasi kapag ako nagbigay sayo.

To be honest... Nung nagkasakit ako sa school, nung pababa na ako ng hagdan at eksaktong nandun ka sa baba kaya nakita mo ko, medyo nagulat nga ako eh pero di kita pinansin at dumeretso ako sa clinic. Nakita ko pa nga na nandun ka sa labas at nakatingin sakin eh, siguro sinundan mo ko. Pumasok ka pa nga at tinanong mo sa mga classmates ko na nandun din sa clinic kung ano sakit ko, sabi nila fever lang. Totoo naman. Pagkauwi ko sa bahay natulog kaagad ako, nung pagkagising ko nagulat ako nung may 1 message ako, at ikaw yun, sabi mo lang "Angel..." Tapos nireply-an kita, nagtatampo ka pa nga kasi akala mo ini-snob kita, may tinanong ka pala nung nagkita tayo sa hagdan, tinanong mo kung okay lang ba ako pero iniwasan kita. Todo sorry nga ako sayo eh, medyo na guilty ako kasi angke-care ka. At  yun din yung time na sinabihan mo ako na maganda ako. Hahaha di pa rin ako naniniwala sayo, di kasi ako naniniwala na maganda ako, cute siguro, oo. 

To be honest... Nahihiya talaga ako everytime na papasok ka sa class room ay hiwayan na kaagad maabutan mo. Grabe! To the highest point yun. Vote na vote kasi raw sila sa loveteam "kuno" natin, lalo na ang mga teachers na feeling teenagers hahaha, nakakahiya  na nakakatuwa. Ikaw? Hindi ka ba nahihiya? Sorry ah, parang ako kasi ang dahilan kung bakit alam nila lahat na ikaw gusto ko.

To be honest... Sorry ah? Nung medyo nagkaroon ako ng distance sayo habang ikaw, palagi mo nalang akong nilalapitan at kinakausap pero ako itong lumalayo. Sorry ah? Pero sa totoo niyan gustong gusto ktiang maging kaibigan. Naiinggit ako sa mga friends ko kasi close sila sayo. Nabi-bitter ako everytime na tumatawa sila sa mga moments nila sayo pero hindi ko magawa. Natatakot ako pero hindi ko alam kung ano. Natatakot ako na mahulog sayo ng todo? Baka nga. 

To be honest... Nasasaktan ako nung nagchat kayo ng kapatid ko tungkol sakin. Tungkol sa pagiging mahina ko. Tungkol sa paghanga ko sayo, but you said, I'm too young for you. Pero sumaya ako nung sinabi mo na love mo yung smile ko, totoo ba? Ikaw kasi dahilan nun eh.

To be honest... Ilang araw na ang nakalipas, desperada akong maka-move on sayo. I enter this world sa facebook na fictional character world. May asawa ako doon, medyo hindi na kita napagtuonan ng pansin pero malas nga naman ako, palagi kitang nakikita sa school premises kung kailan nagmo-move on ako. 

To be honest... Gustong gusto kong malaman kung bakit nung mga panahon na nagm-move on tingin ka ng tingin sakin? May kailangan ka ba? May sasabihin ka ba noon? Bakit kapag nakatingin ako sayo nahuhuli kitang nakatingin sakin. Lahat sila nahuhuli ka na nakatingin sakin, gusto mo din ba ako? Or trip mo lang talaga akong pahulugin ako ng husto para maraming nagkakagusto sayo? Gustong gusto ko talaga malaman, kasi naguguluhan na ako eh, may hubby ako that time eh, pero siguro nga, mas malakas pa ang impact mo sakin kasi kilala kita sa personal kesa kay hubby na sa facebook lang. 

To be honest... Hindi ko talaga mapigilan na i-chat ka sa facebook gamit ang fictional character account ko, nahulaan mo nga na ako yun eh. Tapos nagpromise pa tayo na maguusap na talaga tayo sa personal. Hindi kasi tayo nag-uusap diba? Naalala ko nung pumasok ka sa classroom namin and nag announce ka kung sino ang magpapahiram ng pencil, yung unang tinanong mo pa nga ay ako, na busy nakikipagtext kay hubby. Para akong na starstruck nun kasi parang ang lakas ng impact mo to prevent me from texting hubby. Umiling ako kasi hindi naman kasi kami gumagamit ng lapis kaya umalis ka, pero may classmate ako na binigyan ako ng lapis para ibigay sayo, supportive nila satin eh no? Kaya binigay ko sayo, of course. Dun, nagkausap tayo dahil doon. Kaya masaya na ako.

To be honest... As time passed by, may crush ako, aside from hubby and sayo. Isang playboy na gwapo, crush lang naman, pero parang lumalim. Ibang klase kasi siya eh, kaya siguro nahulog ako sa taong yun kahit sa facebook lang kami nagkakilala.

To be honest... Hindi na kita masyadong napapansin, hindi na din kita hinahanap nung time na may gusto ako sa playboy na yun, or maybe pinipilit ko lang sarili ko na magustuhan ang taong yun para i-avoid ka. Magulo talaga ako. Siguro dahil nagselos ako sa kaibigan ko na sobrang ka-close mo. Ang hirap na pala yung palaging nasasaktan, yung kapag nagseselos ako kahit wala akong karapatan. Kaya I decided na lumayo sayo. 

To be honest... Medyo napansin mo ba na distant na ako sayo? Yung hindi na ako affected kapag nasa harapan kita, yung tipong hindi na ako tumatakbo kapag lumalapit ka and hindi na ako tumatago kapag nandito ka. Hindi ko alam. Siguro na realize ko na ang tanga tanga ko. Bakit ba kasi ako nahihiya? Kung hindi lang sana sa hiya at pride ko siguro magkaibigan na tayo ngayon kesa chatmates. Nakakapagsisi. 

To be honest... Ikaw pa rin naman gusto ko eh, kahit ilang beses ko nang sinabi sa buong mundo na si hubby ang gusto ko o yung playboy na yun ang gusto ko ay IKAW PA RIN ang nandito sa puso ko, always. 

Hanggang ngayon, nakikita kita sa simbahan, last day na kitang makikita ngayon kasi hindi ako makakapunta sa gradutaion mo. Hindi kasi ako invited. At hanggang ngayon hindi pa rin tayo nag uusap. Nakakalungkot lang. Di man lang natin nagawa ang promise natin na magpa-picture tayo together para remembrance. Ang lungkot. 

To be honest... Tinatanong ko sarili ko, bakit ba kasi isang 4th year pa ang nagustuhan ko? Bakit kasi ang hiyain ko? Bakit kasi ang taas ng pride ko? Bakit kasi ang bata bata ko?

You just came into my life in a wrong place and a wrong time.

Siguro part ka lang talaga ng buhay ko. Yung mga pumasok at umalis din. Pero everything happens for a reason right? Malay mo paglaki ko tayo magkatuluyan or maging kaibigan kita diba? Well, kapag ka-college ako pareho naman tayo ng university eh so magkikita pa naman tayo. 

But sisiguraduhin ko na hindi ka lang umalis sa buhay ko ng wala lang, I want to learn from this experience. Someday, hindi na ako magiging ma-pride at hindi na ako magiging mahiyain hahaha. 

Thank you kuya! For making my 1st year of high school life memorable and magical. You are a big part of it and I will treasure it forever! I hope na ikaw din, masaya ka na pumasok ako sa buhay mo, I hope na na-appreciate mo yung pagtext ko sayo nung nagkasakit ka, ang korni ko nun kasi nag "Knock knock joke" pa ako sayo, pero nagustuhan mo, at yung binigay ko sayo na candy and letter? Ako si HAM fyi, hehehe, baka alam mo na, sinabi ko lang in case, and sorry kasi nagsinungaling ako nung sinabi ko na hindi ako yung nagpadala sayo, nakakahiya kasi huhuhu. But you made me happy, you made my high school life happy. Thanks! 

God bless you! 

                                                                                      Your Young Admirer,
                                                                                      -HAM <3





TBHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon