Kabanata 1.

16 3 0
                                    

Veronica Yu

Nandito kami sa canteen kasama ang bestfriend ko, since high school pa kami magkakilala nito, nakangiti siya at halatang masaya habang kumakain, ako naman dito ay kinakain ng konsensya ko, she's my bestfriend pero di ako honest sakanya.

hanggang ngayon ay Hindi ko maamin sakanya na may boyfriend nako, isang araw na naman ba ngayon sa kasinungalingan ko?

"Veronica, is there something wrong?"

Concern nyang tanong sakin, god ang amo pa naman ng mukha niya, sasabihin ko na'ba?
Naguguluhan nako, tsk

Sasabihin ko na talaga dahil mapagkakatiwalaan ko sya.

"Kiara, you're my bestfriend and I trust you, may sasabihin ako"

jusko bahala na, dapat ko syang pagkatiwalaan diba?

but how about Evan? Magagalit yun, baka may ibang makarinig at isumbong sa guidance, tsk pano ba'to

"Spill it out Nica, sekreto ba'yan?" Tumango lang ako " I promise not to tell, just trust me besty"

Bakit ba sobrang anghel mong ngumiti, kailangan ko na talaga sabihin sakanya, tutal nasimulan ko na eh, di naman ako titigilan nyan kung di'ko sasabihin.

Bahala na talaga, ang importante ay masabi ko sakanya.

"May boyfriend nako..."

Natigil sya sa pagkain, nagulat yata siya sa sinabi ko, Agad namang nakataas ang isang kilay nya habang nakatingin sakin.

Mahina lang ang Boses ko pero bakit parang ang lahat ay natigilan, nakatingin lahat sakin ang mga
studyante, god help me! Ano bang nangyayari? May biglang tumabi sakin... bigla akong kinabahan ng sobra.

oh! Siya pala ang dahilan kung bakit natigilan ang lahat.

"Tss... Kelan pa Veronica? and who's that fvcking guy?"- Joaquin

bakit ganon kahit halatang disappointed sya ay nakangisi parin, pero ang gwapo niya paring tignan, at Bakit sya nandito?

"what are you doing here Joaquin?! at bakit ang chismoso mo"

Joaquin Felisorto, older brother ng bestfriend kong si Kiara Felisorto, magkaibigan kami nitong si Joaquin dahil siguro sobrang close kami ng kapatid niya.

kilalang-kilala silang magkapatid dahil nagmamay ari ang pamilya nila sa isang sikat na kompanya sa bansa, at ang gagandang lahi nila, kahit saang anggulo mo tignan ay hindi pumapangit.

Kaya ganon ganon nalang ang reaksyon ng mga tao pag nakikita siya.. Sila.

kasosyo din ng mga felisorto ang parents ko sa business.

"Just answer my question"

Nag-uutos ba sya? feeling close talaga sya kahit kelan,well close kami medyo but our closeness is not enough na sabihan ko sya ng sekreto.

What now if you're Taken? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon