43rd Chapter

80 9 0
                                    

Copyright © Writinginnosense Stories 2013

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

43rd Chapter

ZEEK

Sht! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangayaring masama kay Mandy. Gago ko kasi! Tae! Bakit ba kasi ako pumayag sa pustahan?

Oo, pumayag ako dahil akala ko, hindi ako ang mananalo, sumali lang ako para may challenge sila, aminado ako, hindi ako ang pinakamatinik sa babae sa amin. Pero pucha! Nung naging kami ni Mandy halos bumaliktad ang mundo ko.

Sobrang nakaramdam ako ng pagkabitter, bakit? Nakalimutan ko kasing pustahan lang ang lahat sa amin, at first, trying hard ako para magparamdam sa kanya.

She's so dense and she's so ugh.. hindi ko ma-explain ang lahat, pati 'yung kay Neptune hindi totoo 'yun.

All I know is that I'm just lying to her, but I didn't realize that the moment I think that I'm lying over her is the moment I became true to her.

Pero pocha! Nahulog din ako eh. Alam ko simula pa lang, mali na 'yung gagawin namin, pero nagawa na namin siya sa ilang mga babae eh, pero parang may iba nung si Mandy na, hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nagawa ko, puvha talaga! Nung nakita ko siyang nasa semento ng bar na 'yon nung isang linggo, halos habulin ko na 'yung hininga ko. I practically catch my breath. Doon ko napatunayan kung gaano kaimportante si Mandy para sa akin. At ayos lang sa akin kung habambuhay akong humingi ng patawad sa kanya, I sure will. Hanggang mapatad niya ako.

Sht! Dapat dumating ako ng mas maaga, hindi sana nagkaganito si Mandy.

Kasi nung nakita ko siya na nakahiga sa sahig na hindi man lang gumagalaw ay parang nanginig 'yung buong kalamnan ko, hindi ko alam kung paano ko haharapin 'yung nangyari.

Kabadong-kabado ako na ewan, kasi sa nangyaring 'yun, mas napatunayan ko kung gaano ko kamahal si Mandy. Sobra. Mahal na mahal ko si Mandy na ayos lang sa akin na ako na lang 'yung masaktan 'wag lang siya. She was so vulnerable. She's fragile and I hate myself for being the one who broke her. Gago ko! Argh!

"Pre, pahinga ka muna." Fred tap my back, buti pa 'tong gagong 'to.  Medyo ayos na sila ni Neptune. Nandito kasi ako sa hospital specifically sa tabi ni Mandy, holding her hand, buti na lang hindi galit sa akin si tita. "Ayos lang ako." Sagot ko.

"Ayos ka lang Zeek? Ehh one week ka nang hindi umuuwi, dito ka na nga halos tumira eh. Baka ikaw naman ang magkasakit." Nag-aalalang sabi ni Neptune. Yeah right. Since nung na-confine siya, hindi na ako umalis sa tabi niya.

"No, ayos lang talaga ako."

"Zeek, iho, tama sila Neptune, pahinga ka muna, baka ikaw naman ang magkasakit."

"Sige po tita, pero maliligo lang ako atsaka kakain, babalik po ako rito. Bibili lang po ako ng inumin.."

"Samahan ka na namin." Naglakad na kami nila Fred palabas kasama si Neptune. Nanliligaw ulit si Fred kay Neptune, and to tell you honestly, sobrang umi-effort 'tong si Fred, pare-pareho kasi kaming gago eh. Haist!

"Zeek, anong sasabihin mo kapag nagising si Mandy."

"Hindi ko rin alam." Nasagot ko na lang sa tanong ni Fred, hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o kung may dapat ba talaga akong sabihin o wala. Haist! Ewan! =__=

Pagkabili ko ng tubig ay umalis na sila Neptune, una na raw sila sa Parking Lot. Pupunta pa akong hospital room ni Mandy, naiwan ko 'yung bag ko na dala nila mommy nung ayaw kong umuwi.

When My Heart Skipped A Beat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon