ANG KWENTO NILA
Akala ko sa huli sila na
Pero hanggang kaibigan lang pala
Ang lalaki may mahal nang iba
Ngunit ang babae patuloy paring umaasa
Umaasang sila’y muling magkita.
Nung una, nagsimula lang sa kulitan
At sumunod ay ang ngitian
Na nahantong sa tuksuhan ng mga kaibigan
Na may kasama pang tulakan
Pagkatapos sabay-sabay kung magtawanan.
Ngunit di na rin naglaon
Ang mga ala-ala nila’y nilamon narin ng panahon
Na pati ang tadhana ay hindi na rin sumang-ayon
Para sa maganda sana nilang relasyon
Na hindi na mabibigyan pa ng pagkakataon.
Ito ang KANILANGKWENTO
Na syang nagging inspirasyon ko
Para mabuo ang tulang ito
Na kahit ngayon ay umaasa parin ako
Na balang araw sila’y muling magtagpo.
salamat sa pagbasa !! :)) :*