Mother Bashley [A One Shot Story]

2 0 0
                                    

~Alarm Clock~
*kriiing - kriiing*

Hayss. Nakalimutan kong wala palang pasok ngayon. Ayan tuloy, ginigising na ako nung alarm clock ko. Nakooo, bahala yan dyan. Makabalik na nga lang sa pagtulog...

~incoming call~
(Playing *Blank Space)

Huh? Sino namang tatawag ng ganito kaaga. I look to my phone to see who's the caller

~Incoming Call from *Bestie~

I answer the call

"Langhiya ka naman, Bestie. Tinulugan ko na nga yung alarm clock ko, tumawag ka nam---"

Napatigil ako ng marinig siyang humahagulgol sa kabilang linya

~End Call~

Ay! Anak ng tokwa naman oh! Binabaan ako! Nakooo, Galit ata sa akin. Bungangaan ko ba naman. Mapuntahan nga!

~door bell~
*ding - dong*

Nako. Ayaw buksan! Andali? Nakalimutan kong may duplicate pala ako ng susi nya. Syempre, best friends kaya kami ni Bashley Clea. And before I forgot to introduce myself, I am Deilou (pronounce as 'dey-lu')

"Dei! Huhuhuhu!" - Bash

"Bakit ka ba umiiyak?" - ako

"S-si Carl! Huhuhu" - Bash

"Bakit? Anong si Carl? Anong ginawa nya!"

"K-kasi m-may nalaman a-ako!!"

"Anong nalaman mo?"

"Huhuhu"

"Ano nga?"

"May girlfriend pala sya!"

"Pfft~ Si Carl? May girlfriend? So what? Wala namang nakakagulat don? Sikat sya at gwapo! Kaya anong ini-emote mo dyan, ha! OA ka teh!"

"Ano ka ba? Si Carl yun. Yung crush ko! Si Carl, Bestie! Sya si Carl at may girlfriend sya! Ang sakit. Huhuhu!"

"Ah oo nga pala. Si Carl nga pala yon. Si Carl na crush na crush ng bestie ko. Si Carl na gwapo, mabait, matalino! Ano pa? Eh hindi ka nga nya kilala e! Kung maka-iyak, wow lang talaga. Sige, ikaw na ang Best Actress of the year!"

"Bestie naman eh! Ako na nga itong sinaktan nya. Alam mo ba yun? Para nya akong niloko. I felt betrayed!"

"Sinaktan ka nya? Niloko ka nya? Bash! Ano ba? Kung may niloko dito, oo ikaw yon. Pero alam mo kung sino ang lumuloko sayo? Ikaw ren, Bash! Sarili mo lang din ang niloloko mo. Naiintindihan mo ba?"

"hinding hindi ko yon maiintindihan!"

"Hangga't patuloy na sarado yang tenga mo sa katotohannan, talagang wala kang maiintindihan"

"Dei! Favor naman! Please!!"

"Ano na naman?"

"Kasi, gusto ko syang pagselosin"

Hayss. Talagang may topak na ang Bestie ko.

"Paano sya magseselos sayo? Wala naman syang gusto sayo diba!"

"Yun na nga e! Gusto ko lang talaga i-confirm kung wala ba talaga syang gusto sa akin!!"

"Alam mo, gaga ka talaga! Eh paano mo ba sya pagseselosin? At kanino?"

Ngumiti naman sya ng nakakaloko. Teka? Parang alam ko na to!

"SAYO!!"

"What? Sakin? Baliw ka talaga, Bash!"

Sabi ko na nga ba e!

"Sige na, Bestie. Para sakin, please!"

"No! I wont"

Mother Bashley [A One Shot Story]Where stories live. Discover now