Siya ang gumagabay sa atin sa bawat pagsubok
Binabangon Niya tayo sa ating bawat paglugmok.
Hindi man natin Siya nakikita, tayo’y Kanyang pinapahanga,
Sa bawat himalang Kanyang ginagawa tayo’y napapanganga.
Sa tulang ito, nais lang po naming Kayo’y pasalamatan,
Sa mga biyayang amin nakamtan, di namin iyon makakalimutan.
Sinasamba Ka namin mula sa kaibuturan ng aming puso,
Pinapahayag namin ang mabubuti Mong salita at turo.
Sayo nagbuhat ang lahat ng bagay.
Ikaw ang puno’t dulo, ikaw ang una at wakas, ikaw lamang magpasa habambuhay
Ikaw lamang oh Diyos! At ang mga likha mong napakahusay!
Panginoong Diyos, kabanal-banalan,
Ikaw ang naghari sa bawat kaharian,
Sayo nagbuhat ang kalangitan
Pati ang lupa’t kabundukan,
Di ko mawari kung paano ka pasasalamatan.
Sana’y sa simpleng tulang ito,
Naipahayag ko Sa’yo ang pagmamahal kong tagos hanggang buto.
Maraming salamat Panginoon,
Mahal kita magmula pa noon hanggang ngayon.
(c) Me, me, me. ღ
