WAITING DESTINY {Delancy Blair Matias}

3 1 0
                                    

- D E L A N C Y B L A I R M A T I A S -

Heart beats fast

Umuulan noon. Mag-isa akong nakatayo sa lilim ng puti at asul na waiting shed habang naghihintay ng masasakyan galing eskwelahan. Oo, naghihintay nanaman. Lagi nalang akong naghihintay.

Colors and promises

Hindi ko alam kung ilan oras na akong nakatayo dito, ang alam ko lang ay giniginaw na ako at halos hindi na makagalaw sa lamig. Hanggang kailan ba ako mahihirapan kakahintay bago ka dumating?

How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall?

Maya-maya lang ay may dumating na lalaki. Naka-white inner shirt ito at nakasukbit sa kaliwang balikat niya ang kanyang polo samantalang ang isang strap naman ng bag ay nakasabit sa kanang balikat neto. Pansin ko rin ang pasa sa gilid ng kanang bahagi ng kanyang labi.

But watching you stand alone

Tindig palang at porma idagdag mo na ang pasa sa kanyang mukha, ay malalaman mo nang basagulero ang isang ito.

Medyo umurong ako ng 'onti palayo sa'iyo dahil sa tingin ko ikaw yung taong bigla-bigla nalang ring manghahablot at tatakbo. Definitely, not my type. Pero nagulat ako nung napansin mo ang pag-urong na ginawa ko. Tumingin ka sakin at umiling bago ka nagsalita.

"Hindi ako basagulero at hindi rin ako magnanakaw." Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang iniisip ko noong mga oras na iyon, akala ko nga mind-reader ka. Hindi ako umimik noong nagsalita ka, bagkus, idiniretso ko nalang ang tingin ko sa high-way. Hindi basagulero? Hindi mo ako maloloko.

"Hindi ka naniniwala?" Kunot-noo akong tumingin sa'yo.

"Nakuha ko tong pasang ito kanina, habang hinahabol ko yung lalaking humablot ng wallet ng kapatid ko." Taimtim kitang tinignan dahil hindi talaga ako makapaniwala.

All of my doubt suddenly goes away somehow.

"Hindi ako nagsisinungaling... Delancy."

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Gulat na tanong ko. Humakbang ka nalang bigla at napaatras ako sa iyong ginawa.

One step closer

Ngumisi ka nalang bigla nang napasandal na ako sa dingding ng waiting shed na ito.

"Delancy Matias. Nakasulat kaya sa nameplate mo." Pakiramdam ko namula akong bigla, oo nga pala. Nakita niya sa nameplate ko. Ano pa nga ba? Paano nga naman ako makikilala ng isang taong hindi ko rin kilala at ngayon ko lang nakita? E, hindi naman ako sikat.

I have died every day waiting for you

Mabuti nalang at may nagdaan nang sasakyan, hindi ito masikip pero hindi rin maluwang. May espasyo parin naman para sa tatlong pasahero. Sumakay ako nang hindi tumitingin sa'iyo pero hindi ko napansin na sinudan mo pala ako.

Darling, don't be afraid I have loved you

Tinabihan mo ako sa loob ng sasakyan. Napakadaldal mo samantalang lalaki ka naman. Ang dami mo ring tanong.

" Delancy, saan ka nakatira?"

" Delancy kelan birthday mo?"

For a thousand years

" Delancy, ilang taon ka na?"

" Delancy anong paborito mong pagkain?"

"Delancy?"

Waiting DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon