Chapter 2:
Klase na!*Krrriiinnnggg!*
*Krrriiinnnggg!*
*Krrriiinnnggg!*Tumunog na ang School Bell.
3 times means Uwian na.
2 times means Break/Recess na.
1 times means Next Subject na.Ano may tanong pa? Hehe.. Joke lang! ;)
"Anubayan! Uwian na di pa ako tapos kopyahin 'tong Lecture #1 sa Math!" Reklamo ko, habang nagsisitayuan na ang mga classmate ko at nag suotan na ng bag.
"Ho.. hoy! Bilisan niyo nga di pa ako tapos kumopya ng lecture! Palibhasa pinipicturan lang nila ang board at sa bahay na lang nila gagawin! Tsk..tsk! Alis! Alis!" Sigaw ko sa kanila. Habang pakonti na ng pakonti ang mga tao at malapit na din akong matapos kumopya.
"Haaayyy... Sa wakas last word na ang isusulat ko and... Finally Done!" Liligpitin ko na sana ang gamit ko at isusuot ang bag ng biglang...
*Kulot/Kidlat na malakas!*
"Kyaaaaaaaaaaaaaaa!" Napatili ako at tuluyan ng lumabas ng room.
"Enebenemenyen! Paano ako nito makakauwi ang lakas ng ulan. GRABE!" Tumakbo ako palabas ng XiA at pumunta sa Waiting Shed.
"Dito ko na nga lang papatilain ang ulan.. Please go away!" Habang nilalaro ang patak ng ulan nang biglang..
"Hi Miss!"
"He--Hello!" Nakangisi kong sabi.
"Hindi ka ba makauwi dahil wala kang payong?"
"Ah.. Oo e. Nakalimutan kong magdala" Pagkatapos niyang magtanong ay may kinuha siya sa bag niya at inabot niya sa 'kin ito.
"Heto, Miss oh! Payong ko, hiramin mko muna kung gusto mo!"
"Ah.. Nakakahiya naman sayo. Wag na lang!" >.< Ehh? Nahiya pa si Girl!
"Sige na! Hawakan mo na Oh!" Pag pilit niya sa 'kin at kinuha ko na 'to.
"Salamat ah! Paano ka naman?!" Tanong ko.
"Ako? Wag mo na akong alalahanin may magsusundo naman sa akin e."
Wow! Bigtime. May sundo? Kaya naman sinamahan ko siya dito sa Waiting Shed habang wala pa yung sundo niya at nag usap usap muna kami.
"Samahan muna kita dito ah!" Sabi ko.
"Sige ba! Saan ka ba nakatira?!" Tanong niya bigla.
"Diyan lang! Diretsuhin mo yung kalye na yan hanggang sa may poste tapos lumiko ka dun. Pag tapos mo lumiko ay may dalawang iskinita kaliwa at kanan, dun ka dadaan sa may kaliwa pag daan mo dun ay may tatlong Street dun. Memorial st. #1, Memorial st. #2, at Pacific st., dun ka papasok sa Memorial st. #2. Pag labas mo dun ay may Covered Court pero di siya naka Cover, wala siyang bubong ay may malawak na kalye dun pag pasok mo dun ay maliligaw ka! Ano alam mo na?"
Ang haba no?! Sige tanong pa.
"Ahm.." *Speechless*
"Uy. Ano?!"
"Oo nga diyan lang! HAHA." Sagot niya sabay tawa. Grabe ang cute niya ang bait pa kung ikaw siguro ang nasa kalagayan ko kinilig ka na! Ako?? Sobra teng! Sobra.

BINABASA MO ANG
Nang dahil sa Kapkeyk. 'OnGoing'
Teen FictionThe Unknown Girl meet the Mysterious Boy. Then they accidentally meet AGAIN sa school nila. Paano kung malaman nilang sila pala yung nagkakilala nung bata pa sila? --------- All Rights Reseved September 2013.