Hoping (One Shot Story)

61 2 0
                                    


SANA tayo nalang.
SANA ako nalang.
SANA mahalin ka nya.
SANA masaya ka sa piling nya.
SANA alagaan ka nya.
SANA hindi ka nya iwan.

at

SANA mahigitan nya ang pagmamahal ko sayo.

Bakit ganoon puro nalang SANA . Yung kahit alan mong hanggang doon ka lang umaasa ka pa rin na mangyari ang mga imposibleng bagay. Pero minsan kakasawa na rin ang "sana" nakakaumay na ang umasa dahil sa huli iisa lang naman ang epekto nyan eh.











Ang MASAKTAN ka.

---------------------------

SANA akin ka nalang Topher. SANA ako nalang ang nagbibigay ngiti dyan sa mga labi mo. SANA ako nalang sya. SANA nakilala agad kita. SANA hindi hanggamg tongin lang ako sayo ngayon.

Heto na naman ako sa park. Hoping about something na alam kong imposibleng mangyari. Sa fiction books lang naman nangyayari ang mga
"love at first sight"
"yung mga gangster na magbabago para sayo"
"yung ireregect mo sya sa una tapos sa huli mahal nyo na ang isat isa"
"yung makikilala mo sya isang araw tapos maya maya kayo na"
"At yung mga taong sa una hanggang tingin lang sa huli happy ending din naman"

"Hoy Clarise! Ano na naman yang iniisip mo?" Tanong ni Lyn kaibigan ko.

"Wala lang"sagot ko habang nakatingin pa rin sa sunset ay mali kay Topher pala na kasama yung girlfriend nya nakaupo sa bemch dito sa park.

"Wala bagang. Eh kung upakan kaya kita. Lately lagi ka nalang lonely and laging andito sa park." Hindi naman ako lonely nag iisip lang ng mga bagay kumbaga curiosity.

"Wala nga nagiisip lang naman ako ng mga bagay bagay eh kumbaga curiosity about sa mga nangyayari sa mundo" sagot ko naman.

"Hay nako Clarise. Wag mo na itanggi matagal ko nang alam. Nakatingin ka dyan kay Topher at iniisip mo kung ano ang feeling kung ikaw ang nasa pwesto ni ate girl" sabi nya. Hahaha nakakatawa talaga tong si Lyn alam na alam ang mga ginagawa ko.

"Paano mo naman nasabi yan ha?" sabay taas nung isabg kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Kilala kita eh. Hindi ka naman kasi dati ganyan simula lang nung dumating dito sa atin si Topher nagbago ka. Nawala yung masayahing Clarise yung go lang ng go. You've change alot girl." sabi nya. I know she's right because of Topher, i change.

Ako nga pala si Clarise Madrigal. Studying Pharmacy sa CEU. 20 years  old. And ako lang naman ang taong dating masayahin pero nang makilala ko si Topher nag bago ang lahat. Summer ngayon and wala akong ibang ginawa kundi tumambay sa park at UMASA sa mga "SANA"  na matutupad to.

At yung lalaki naman na pinagmamasdan ko ngayon
Sya si Topher Lee. Taga Paris 23 years old. Soon to be a pilot. And IN A RELATONSHIP ang status. Iana (Iyana) ang name nung girlfriend nya pinoy and napasok sa UP accountancy. Nalaman ko lang lahat yan sa FB.

"Hoy Clarise tara uuwi na. Wala nang araw oh lumubog na. And by the way today is mom's birthday your invited" sabi nya. Ay oo nga pala May 11 ngayon and birthday ni tita Lanie mommy ni Lyn.

"Pero......."hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil umimik na agad sya.

"No but's. And kahit anong reason mo dyan I insist" mataray na sabi nya.

"Eh ano pa nga bang magagawa ko. Tara na at hinihintay na rin ako ni mommy sa bahay" aya ko sa kanya. Solo pa naman si mommy dahil nasa trabaho si daddy si kuya naman ayun nasa girlfriend nya.

--------------At Lyn's House-----------

"Happy birthday tita" bati ko kay tita Lanie na nasa harap namin ngayon.

Hoping (One Shot STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon