Chapter 7: LOVE is in the air

18 0 0
                                    

Renei's POV

Yehey! First POV ko. :))))) Matagal ko tong hinintay. Thank you Ms. Author!!

(It's my pleasure.)

WOOOOOOOOOOOOOOOAAAAAAAAAAAAAH! Sumagot siya. o.O Parang medyo nakakatakot naman! :))))) Haha joke lang. ^_^

So ayun, paano ko ba to sisimulaan? :D Hello nga pala. Ako si Renei Cruz. :) Nabasa niyo naman sa unang chapter na ako yung tipong tahimik at bookworm diba? Well, totoo nga yun. Pero hindi naman ako yung tahimik na sobra tapos mahinhin. >.< OA naman yun! Minsan lang talaga mas gugustuhin kong tahimik lang ako... tapos nagbabasa. Ewan ko ba. Pero, you know what guys? Dati naman hindi talaga ako ganun. Although, mahilig na talaga  ako magbasa and stuff dati pa. Pero, iba yung dati eh. Hayy ewan. >.< Basta, hayaan muna! Si Angel pala dapat ang pinaguusapan. Hehe. :D

Yung babaeng yun?! She's been quiet lately... I don't know. Pero, hindi na siya yung hyper na katulad dati. Ngayon. mas tahimik na siya sakin. Hindi na siya masyado nagshashare about sa mga narinig niyang chika...Sobrang lungkot niya na..  Alam niyo yun? Parang may nagbobother sakanya..... Oo, si Gerald nga. Kaya, we did everything we could just to make her happy.. And eventually, we prepared something for her. BUT.....

IT'S A SECRET.

okay for now. :D Chill muna kayo dyan! :)))

Angel's POV

What now? They will act as if I'm just OKAY?! Ugh. Ineexpect ko pa naman na papasayahin nila ako.. or kahit pagaanin man yung nararamdaman ko. Pero, hindi eh. Instead may sinasabi pa silang secret secret. Oo, nakakatampo. Sino ba naman ang hindi magtatampo? Kaibigan ko sila tapos hindi man nila sasabihin sakin. :( Mas lalo tuloy akong nalungkot. :(

Ano kaya yun?!! Matagal pa naman yung birthday ko..... Wala naman akong ibang gusto na gamit. Okay pa naman yung mga damit ko.. Nakakain pa naman ako. Okay naman lahat..............

Ay teka, OKAY nga ba lahat?!?!

OKAY nga lang ba ako? :( </3

Kinabukasan, maaga ako gumising. Naligo ako agad at nagbihis. Ewan ko ba, gusto ko lang pumasok ng maaga. :/ Okay, para saan ba? Pero... okay.. trip ko lang. Medyo namimiss ko na kasi tong mga kaibigan ko. Ilang araw na ako cold sakanila eh. For sure, nagtatampo na rin yung mga yun. :)

Pagpasok ko.... parang tumitibok ng mabilis yung puso ko. Kinakabahan ako. Feeling ko, may mangyayare. Hindi ko nga lang alam kung maganda o hindi, kung magpapasaya ba to sa akin o magdudulot lang to ng mas lalong kalungkutan sa akin. Hay, bakit ganito ba ang nararamdaman ko?

Bigla nalang may lumapit sa akin na isang babae na maputi.. Siguro kabatch ko to. Mukhang magkasingedad naman kami. Tapos may inabot siya sa akin na maliit na papel na kulay blue.. Paborito kong kulay to ah. Tapos sabi niya,

"Hello po. May nagpapabigay po sainyo. Yun nga lang, hindi ko kilala kung sino."

Agad agad ko naman binuksan ang papel.. At nagulat ako sa nakalagay dito,

"Angel.. Your name describes you completely.

You are beautiful.

You are kind,

fun to be with, cheerful and gentle..

You are everything I asked for.

and I can't help but to smile at the thought... that...

I have an angel..

YOU are my angel."

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Dahil hindi ko naman alam kung saan ito galling. Baka nagkamali lang naman ng bigay yung babae kanina. Pero.... Angel daw yung pangalan eh...  So, para sakin ba talaga yun?  Eh, madami naman Angel diyan. Kaya siguro nagkamali lang yung babae..

Hahanapin ko na sana yung babaeng nagbigay sakin ng letter kanina... nang biglang may kumalabit sa akin. Isang batang babae... Okaaaaay. Medyo naweweirduhan na ako sa nangyayare ah.

"Ate, ate. May nagpapabigay po sainyo!!!!!" Bati sa akin nung batang babae na sobrang cute. Ang cute cute niya!! Kyaaaaaaaaaaa!  nakakagigil. pipisilin ko na sana yung pisngi niya nang biglang tumakbo papalayo sa akin. Kaloka naman tong batang to!!

Pero, ang nakapansin sa mga mata ko ay yung binigay nung bata. Color red na roses. Favorite flowers ko to ah? Tapos may maliit dun na papel.. nakalagay..

" We've known each other for many years already.. but I still remember the first time I saw you. You were smiling right at me.. thanking me for returning your wallet because you left it. And I know from the beginning... that I'm going to fall for this girl."

Parang kilala ko na kung sino nagsesend ng mga to. Pero, asa naman ako. Impossible! Hindi naman siya ganun mageffort eh. Tsaka, hindi niya ako pinapansin.. Tapos kasama niya pa yung babae na yun!!! -___- 

Hay nako, dadalian ko na nga. Malalate ako neto eh. 20 minutes na lang. Tapos ang layo pa ng classroom namin...

Pero pagdating ko sa classroom, walang tao. Ha?! Eh anong oras na tapos wala pang tao?! Tsaka may pasok ngayon ah, kaya himala na magaabsent silang lahat! Pero may biglang nakaagaw ng pansin ko.. may mga signs na parang nagsasabi na pumunta sa hall. Okay, ang weird. Ano meron?

Agad agad ko naman yun sinunod. May mga signs along the way.. Nakakagulat naman. All of sudden, may magsesend ng mga ganito. >.< Nakakatakot na ewan. Kinakabahan tuloy ako. -___-

Pagpunta ko sa hall... WALANG TAO. Anak ng tinapay na may peanut butter! Pinagtritripan ba nila ako?! Papapuntahin ako dito tas wala naman tao? Tas sarado pa ilaw?? Joke time ba???!!!! Nakakaasar naman. UGHHHHH!!! papalabas na sana ako.... nang biglang may humigit ng kamay ko...

"WAAAAHHHH!!!!!!! Wag po. Wag po ngayon. Bata pa ako. Madami pa akong pangarap sa buhay."

Sigaw ako ng sigaw.. pero bigla itong bumulong at sinabi..

"Wag kang maingay." Babae ang boses. Parang familiar nga ang boses eh. Sino naman kaya ito?

Naramdaman kong nilagyan niya ako ng blindfold.. HUHUHUHU. Lord, hindi ko na po kaya. :( Ano pong nangyayare?!

at bigla naman itong nagsalita ulit.

"Magbilang ka hanggang lima. Tapos tanggalin mo na yang blindfold mo." Wuuuu... Nakakatakot. :(

Nagsimula na ako magbilang...

1....

2...

3...

4... Lord, sana naman walang gawing masama tong mga to sakin. Patawad po sa lahat ng nagawa kong masama Sainyo. Patawarin niyo po ako. :(

5.....

Tinanggal ko na ang nakatakip sa mga mata ko... At nagulat ako sa aking mga nakita.

Isang malaking picture ko ang nakalagay sa wall..Tapos may malaking banner na nakalagay, "Happy Monthsary babe. I love you."

May mga post it din na nakalagay... Ang dami. 100 Reasons Why I Love You ang nakalagay.

.

Tapos may chocolates... Madaming roses na nasa floor. Meron din na nakalagay na "I'm sorry." sa bawat isang chocolates....

tapos.... biglang may yumakap sa likod ko....

at sinabing..............

"Happy 2 years and 3 months, Angel. Namiss kita.. sobra."

A/N:

Waaahhh! Walang kwentang update. :((( Ang buong storya ay malalaman sa next chapter. Hahahaha!! Alam niyo na ba yung secret? Ehh, yun yun! Gets niyo na yun! Hahahaha. :D Ayun, I hope you guys enjoyed. Love you all. :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Vs. Rules (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon