Kakatapos lang ng showtime nang tawagin si anne ni vice na mukhang kinikilig na ewan.
"Girl!!!!!!" patakbong sigaw ni vice kay anne.
"Ay kabayo!!" bulalas ni anne.
"Ay grabe siya oh" tampong tugon nito.
"Bakit ka kasi sumisigaw?" tanong ni anne.
Bigla namang umiwalas ang mukha ni vice dahil sa tinanong ng dalaga.
"Giirrrlll!!!, ngayon daw darating yung bagong kapamilya!!!!" tiling saad nito.
"Talaga? Babae ba o lalaki?"
"Nako girl lalaki daw, at balita ko gwapo daw tong bago." kilig na tugon sa tanong ng dalaga.
"Baka kabaliktaran yan sis." ngising saad nito sa kaibigan na naka-busangot na ngayon.
"Wag naman sana sis."
"Sana nga." sabi niya na para bang nang-aasar pa wa kaibigan. Sa pag-uusap nila ay narinig nila na para bang nagsisigawan sa hallway ng dressing room nila. Sa irita ni vice ay siya na mismo ang lumabas upang sawayin ang mga ito.
"Hoy!!, anong kaguluhan dito ha?!" iritableng sigaw nito sa mga dancer.
"Nandito na daw po kasi yung bagong kapamilya ate vice." tugon ng isang dancer.
"Talaga?, asan siya?" biglang tugon niya na nagpa-aliwalas sa mukha niyang naka busangot kani-kanina lang.
"Nasa conference room na po a-" hindi na natuloy ang sasabihin ng dancer ng biglang hinila na ni vice si anne na nakikinig sa kanila patungong conference room.
Kahit hingal na hingal ang dalawa sa pagtakbo ay tila baliwala lang hanggat makita lang ang bagong kapamilya.
Pagbukas nila ng pinto ng conference room ay nakita nila sila Tita Cory at si Sir Gab na may kausap na naka hood na lalaki.
Dahil sa biglang pagbukas ay napa tingin sa kanilang dalawa ang tatlo.
"S-sorry po tita cor's. Gusto lang po namin ni anne makita ang bagong kapamilya." ani ni vice na kahit hingal na hingal parin.
"It's ok vice, actually ipapakilala ko rin naman siya sa inyo mamaya but since the two of you are here, pwede niyo na siyang makilala." tugon ng babae sa dalawa.
"You can remove your hood mister." ani nito sa lalaking nka hood.
Para namang matutunaw ang lalaking naka hood dahil sabik na sabik si vice na makita ang taong nasa likod ng hood.
Bago tanggalin ng lalaki ang hood niya ay tumingin muna ito kay tita cory na siyang nakangiti ngayon na para bang proud na proud sa lalaki.
Unti-unti ng tinatanggal ng lalaki ang hood hanggang sa natanggal na nga ito na siya namang ikinagulat ni anne.
"You can introduce yourself to them." ani tita cory.
"Im Vhong Navarro." pakilala niya na nagpa-tuod ng buong katawan ni anne.
"Ilang taon ding hindi tayo nag-kita ulit,
Annie."
Pasensya sa typos kung meron man.. First tym ko kaya ganyan..
Hope you all guys like it..:):):)