Akala ko nung una ako'y nagwagi
Ngunit kasawiaan pala ang aking nakamit
Maling akala sa aki'y luminlang
Kaya ngayon ako'y nahihikbi na lang.
Ngingiti-ngiti pa nung una
Parang baliw na nga sabi nila
Ngunit may biglang nahinuha mula sa madla
Namali ng interpretasyon sa aksyong ginawa.
Natigilan sa nabatid.
Napapikit sa sakit.
Unti-unti, mga luha'y dumaloy sa mga mata,
Nanaig ang lungkot at puot sa tanga.
Naging isang gagong umaasa sa wala
Daig pa ang isang pulubi na nanlilimos ng awa
Sa isang tulad mong nagdaramot
Ng katiting na pagmamahal at pagpapahalaga.
Walang katapusang gabi ang sa aking kumanlong
Nais ng magising sa bangungot ng kahapon
Ngunit huli na ang lahat,
'Pagkat lubusan nang nilamon ng panahon.
Marami ng kabiguan ang aking hinarap,
Ngunit ang isang ito'y higit na mahirap
Pero malalampasan rin ang lahat ng ito.
Di susuko. Lalaban pa po.
Malay natin makalimot din ako.
Magkaroon ng amnesia. Sana nga ho.
Matagal-tagal rin bago maghilom ang sugat,
Hapong-hapo na kasi ang inyong may-akda.
Magpapahinga muna ang inyong lingkod
Nang maka-ariba na naman sa susunod na paghahatol.
Ako na ang magwawagi makikita ninyo,
Sila naman ang maninikluhod sa harap ko.
AN: kung nasiyahan po kayo please hit VOTE and leave some COMMENTS.thanks a lot. :)