NARAMDAMAN ni Violet ang matinding pag-ikot ng mundo niya. Patuloy na inaalog ng kapatid niya ang kama. Ito lang naman ang may kakayahang abalahin ang mahimbing niyang pagkakatulog. Umikot siya pakaliwa upang makalayo rito. Ngunit walang makakapigil sa kakulitan nito.
"Ate, gising na!" isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Gising na sabi!"
Alarm clock, ito na naman po tayo. Wika niya sa isipan.
Kailan pa kaya ako masasanay sa kapatid kong talak nang talak? Pagkatayo niya pa lang ay may naramdaman na siyang masakit sa katawan. Napadaing siya nang bahagya ngunit binalewala iyon.
"Dreams... idiot dream." Ngumisi siya nang maalala ang panaginip. Nag-ala ninja raw siya at gumawa na naman ng katangahang stunts.
Lumapit pa lalo si Pink sa kanya habang naka-pamaywang. "Panaginip ka riyan ate? Lelang mo 'no! Tumakas ka na naman kagabi, hindi mo ba natatandaan? Ang kulit-kulit mo kamo—ate naman!" hindi na masabi ni Pink ang iba pang litanya dahil tinakpan ni Violet ang bibig nito.
Hindi siya makapaniwala "Really? But why I am in the bedroom and not at the warehouse, huh?" Hinahamon niya ang kapatid na magsabi ng totoo.
Tinakpan niyang muli ang bibig nito nang tangkain ni Pink na magsalita nang sobrang lakas. Nang mapansing hindi na makahinga ang kapatid ay saka niya lamang tinanggal ang kamay.
"Bumagsak ka kaya kagabi habang salita nang salita si Tita Helga. Gusto ko pa nga sanang ipadala ka sa hospital kasi nag-aalala ako sa 'yo, kaso hindi pumayag si Tita Helga. Kaya sabi ni Ate T-Rex—ay Angela na lang pala! Ipasok ka na lang daw sa kwarto mo kasi mukhang pagod ka na raw at hinang-hina. Magpahinga ka na lang daw," paliwanag nito sa kanya.
"May awa pa pala ang babaeng T-Rex," patukoy niya sa anak ng madrasta nilang si Helga. Kapatid nila ito sa papel na nagpahirap pa lalo sa komplikado nilang buhay.
Tumango si Pink bilang pagsang-ayon "Oo naman, mabait naman si Ate T-Rex—ay Angela pala! Mabait kapag hindi galit."
Naniningkit ang mga mata nila habang nag-iisip. Magkapatid nga talaga. Natawa siya sa itsura nito. Lutang na naman si Pink.
"Ewan ko ba kung anong nakain niya at nagpakabait, o may sumapi lang ata sa kanya," natahimik saglit si Violet. Mabait naman pala kahit papano si Rex, I'm sure na naimpluwensiyahan lang ng magaling niyang ina na ubod ng sama! Kahit sa impyerno hindi tatanggapin si Helga... lihim niyang turan sa isipan. Hinding-hindi niya ito mapapatawad.
Nag-isip siya ng ibang mapag-uusapan. Alam niyang magtatanong na naman si Pink at tatawanan siya kapag naikwento na niya kung papaano siya tumakas nang palpak pagkatapos ng matagal na pagpaplano. Ayaw niyang mawala ang kainosentehan nito sa mundo. Bilang nakakatandang kapatid, gusto niyang protektahan ito nang buong puso.
"Bakit ba ke aga-aga ang ingay-ingay mo, Pink? " Nagkunwari siyang galit. Ewan niya ba kung bakit sa dinami-rami ng p'wedeng sabihin ay iyon pa ang kanyang naitanong dito. Matagal na namang maingay ang kapatid niya at alam iyon ng buong mansyon.
"Anong oras na po kasi mahal na prinsesa pero tulog pa po kayo," sarkastiko nitong sagot.
Ginaya niya rin si Pink. "Buti sana kung pumapasok tayo sa school, Pink. Para may dahilan ako sa paggising nang maaga, hindi ba? Kaya sa susunod, 'wag mo na akong gigisingin, ha?" Ginulo niya muna ang buhok nito at saka nagtilakbong muli ng kumot. Hahabulin niya ang tumakas na tulog.
Pareho silang nag-aaral sa bahay ni Pink at hindi rin sila nakakalabas sa malaking mansyon na iyon. Ang maganda lang sa homeschooling ay advance ang pinag-aaralan nila. Habang ang iba ay aaralin pa lang, sila ay tapos na. Malaking advantage iyon para sa kanila. Si Pink lang talaga ang mahirap turuan kaya nagtatagal sila ng tutor nito.
BINABASA MO ANG
The Beginning [✓]
ActionTaglay ng magkapatid na Dela Vega ang mga katangiang kinaiinggitan ng lahat. Iyong mala-palasyong bahay, mamahaling gamit, at magarang pamumuhay. Ngunit ang lahat ng iyon ay isa lamang malaking ilusyon. Naroon pa rin sila sa isang hawla na kayhirap...