Who's the Boss?! (One Shot!)

13 1 0
                                    

ALICE POV

Naging boyfriend ko si Noah Santiago simula pa nung college kami hanggang ngayon 24 years old na kami sa walong taon na relasyon namin hanggang ngayon walang buwan na hindi kami nag-aaway. Para kaming aso at pusa.

Magkaibang-magkaiba kasi ang ugali namin. Siya na hindi showy sa pag dating sa emosyon at ako na sobrang showy. Madaldal ako tahimik siya. Makalat ako masyado siyang neat. Mahirap siyang basahinat ako naman napakaopen book ang ugali.

Ang magkamukha lang samin na ugali ay pareho kaming mapride. Walang gusto laging mag -sorry.

Dahilan ko madaming ng babaeng nagpapaalipin sa mga boyfiend o asawa nila , sasama pa ko at siya naman siya daw ang lalaki kay dapat siya ang masunod.

In his face! No way na mag-papa under ako sa kanya.

Kahit na ganun ang relationship namin , hindi namin kayang mawala ang isa't isa.

"nakakaiyak ang sakit sakit naman nun bakit kasi siya nagpakasal kagad sa iba" sabi ko habang kumukuha ng tissue nakalapag sa lamesita.

"Babe palabas lang yan hindi yan totoo" sabi naman nito Fred na nakataas pang kilay sakin.

"hindi ka man lang ba nalungkot?!" inis na sabi ko at singa ng sipon sa tissue. "wala ka talagang pakiramdam, bwisit!" sabi ko at bato sa kanya ng tissue pinag singahan ko.

"babe naman syempre may pakiramdam ako, anung tingin mo sakin robot?" tanong nito at yakap sakin.

Ou cold sya. Pero madami din siyang good traits at isa na dun ang pagiging sweet nya.

"malulungkot ako kapag nawala. Dun ako malulungkot. Baka di ko kayanin" bulong nito at halik sa tenga ko.

"hoy anung nakain mo ha at nakakapag salita ka ng ganyan?" siko ko sa kanya.

Tumawa ito.

"Wala babe"

"sabihin mo sakin, ipapakain ko ulit yan sayo " sabi ko at tawa.

Niyakap lang ako ng mahigpit nito."I love you"

Sasagot palang ako sa kanya ng I love you too ng biglang tumunog ang cellphone nya.

Inalis nya yung pagkakayakap nya sakin. Nag pout ako sa kanya habang may kausap siya sa phone. Kumindat ito sakin at nag senyas na wag akong maingay.

"ngayon na?" sabi nya sa phone.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"o sige ."

Pagkasabi nya nun ay pinatay na nito ang phone nya at lumapit sakin. Humalukipkip ako.

"no" sabi ko sa kanya hindi pa sya nagtatanong. Alam ko na kasing magpapaalam na naman siya makipag inuman sa mga kabarkada nya.

"Babe naman bihira lang akong makipag kita kila Mark di tulad dati nung college pa tayo. Alam mo yan"

"still no" sagot ko at iwas ng tingin sa kanya nag puppy eyes pa.

Kala nya.

"Pag pumunta ka dun lagot ka sakin tandaan mo yan" sabi ko sa kanya at tingin ng masama dito.

"Alice hindi mo ko aso boyfriend mo ko." Sabi nito at talikod palabas ng bahay apartment ko.

----

Noah POV

"dude buti na kadating ka akala namin hindi ka na naman pinayagan ni Alice" sabi ni Jhon kabarkada ko nung college.

Tumawa si Andrew na kasama nito.

WHO'S THE BOSS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon