ONE

767 16 6
                                    

Marahan kong pinagmasdan ang anyo ko sa harap ng malaking salamin.inihawi ko ng bahagya ang tuwid at mahaba kong buhok na tumatabon sa kagandahang angkin ng bago kong mukha.

Di ko mapigilang mapahanga sa ganda at hugis ng aking mukha.napatitig ako ng bahagya sa aking labi..pulang pula ito na animoy bagong pitas na rosas sa hardin.

Ibinuka ko ang mga labi ko ng bahagya at ngumiti ng pilit.napaakyat ang tingin ko sa aking mata na bilugan ang hugis at mapang akit sa kulay nitong luntian.

"They will never recognized me."anya ng kabilang utak ko.

Napangiti ako ng mapait.habang hawak ang isang magazine na naglalaman ng kataksilan ng nobyo ko.

Tumayo ako ng tuwid at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ang angking kagandahan ng mukha ko.ang mukha na ginawa ng taong pinagkaka utangan ko.

"Where do you think your going?!."anya ng baritonong boses sa madiin na tono.

Dinig ko ang mga yabag nito papalapit sa kinatatayuan ko.

Napapikit ako..at naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko.ni hindi ko magawang kumibo o magsalita..

But my heart tells me otherwise..

Kailangan kong pumunta sa kasal ng nobyo ko..kailangan kong pigilan ang kasal nila ng dati kong matalik na kaibigan..kailangan kong bawiin ang pamilyang dapat ay akin..

I need to be brave..kailangan kong labanan ang takot ko kay zeus..kailangan kong labanan ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa presensya niya..kailangan kong iwasan ang mga titig niya na tila pumapasok sa kaluluwa ng pagkatao ko.

"Pupunta ako sa kasal nila." mahina at may bahid ng takot na sagot ko kay zeus.

Nakipagsukatan ito ng tingin sa akin..malamlam ang mga mata nito.at nakakuyom ang mga kamay niya.

Agad akong napaiwas ng tingin sa mga mata nito.kaya di ko napigilan ang pagtawid nito sa halos isang dipang distansya na naglalayo sa amin.

Napapitlag ako ng bigla nitong hawakan at itaas ang dulo ng baba ko.halos magdikit ang mga labi namin na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko at siya ring dahilan ng panglalambot ng mga tuhod ko.

"Hindi ka pupunta!."anya zeus sa mahina ngunit maotoridad na tono.

Nagtatalo ang puso at katawan ko sa mga oras na yun..lalo pat saksi ang mga mata ko sa pagkakatitig ni zeus sa aking mga labi na tila ba gusto niya itong angkinin.ngunit may pumipigil sa kanyang gawin ito.

Nakipagsukatan ako ng tingin kay zeus kahit pa nanlalambot ako sa takot sa titig ng malamlam nitong mga mata.

Agad nitong iniiwas ang tingin sa labi ko at lumihis ng tingin sa aking likuran.

"Please zeus..payagan mo na ako.i cant bear to lose my family."pagmamakaawa ko dito.

Di ko na napigilan ang paglisan ng mga luha ko sa aking mga mata.nadatnan ko nalang ang aking sarili na humahabol ng hininga dahil sa paghikbi ko.

Wala akong makita na awa sa mukha ni zeus.blangko ang tingin nito at diretso sa kung saan..

"Please zeus...please...payagan mo na ako.."sunod sunod kong pakiusap dito.

Wala itong imik at nakatitig lang sa malaking bintana ng silid.tila malayo ang isip nito.pero alintana nito ang paghikbi at pagmamakaawa ko.

Alam kong walang puso si zeus..wala siyang pakiramdam..pero..pero kailangan kong umasa.umasa na sana...maramdaman niya ang pakiramdam ng pinagdamutan ng pag asa.ipinagkait na pag pag asa.ipinagkait at inagaw na pamilya.

"Please zeus...please...."nanghihina kong pagmamakaawa dito.napaluhod ako sa harap niya habang patuloy ako sa paghikbi ko.

Naramdaman ko ang pagpapakawala nito ng malalim na hininga.napakuyom ang mga kamay nito at napatitig sakin.

"Dont push me samantha..you dont know what im capable of."anya zeus sa madiin na tono.

Tinalikuran ako nito at naglakad papalayo sa kinaluluhuran ko.

I can feel my body giving up.pero utos sakin ng puso kong lumaban.

"Pleaaaasssse zeuuusssss!!!!mahal ko siya!!!!."namamaos kong pagmamakaawa kay zeus sa pasigaw na tono..

Natigilan ito sa paglalakad..

Nakaramdam ako ng takot sa katahimikan nito na tila nakakabingi.

Hanggang sa mapaitlag ako sa takot ng biglang suntukin ng mga kamao nito ang gitnang bahagi ng pintuan..

Kitang kita ng mga mata ko.ang pagtangis ng bagang ni zeus..habang mabilis ang paghinga nito..

Napatayo ako sa kinalalagyan ko ng makita ko ang dugong nananalaytay sa kamao ni zeus..

Nanginginig akong nilapitan ito..di ito gumalaw sa kinatatayuan niya.ngunit ramdam ko ang galit sa mga mga malamlam nitong mga mata.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko..sa di ko malamang dahilan..nadatnan ko ang sarili kong napayakap dito..habang tahimik lang si zeus sa kanyang kinalalagyan..

Hindi ko mabilang kung ilang segundo o ilang minuto kaming dalawa sa ganoong ayos..

Hanggang sa maramdaman ko ang pag alis ni zeus sa pagkakayakap ko sa kanya..

"I am not begging for your heart samantha...and i will never be.."ani zeus sa mahina ngunit madiin na tono..






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IMPOSTORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon