(Author's Note: Hi hello, hi hello! Goodevening. First UAAP oneshot ko 'to so wala talagang akong idea kung anong kakalabasan nito. Nagpapatulong pa ako kay @undefined8 kasi ayon nga, newbie. Lol. Pero ayun, grabe lang talaga feels ko sa KaRa simula nung GGV tapos dun sa vid ni Ara na kumalat chenes, tapos ngayon nasa Japan sila. Naisipan kong gawan ng one shot. So sana magustuhan niyo.. Hugot na hugot kasi lines dito. That's all! Thank you HAHAHA)---
Ara's POV
May 17, 2016; 1:03pm.
"Flight 1138 bound for Kansai Airport Osaka, Japan please proceed to Gate 4, now open for boarding. I repeat....." rinig namin ng teammates ko habang nakapila na dito sa check-in baggage lane.
"Vic, tinatanong ni Coach kung ilang kg ba 'yang check in baggage mo kasi 12kg lang available per passenger." lumapit sakin si Ate Kim at tinapik ang braso ko.
"Ah. Wala pa ngang 12kg 'tong sakin, OA.." I laughed. 55 times na sigurong inulit ni Coach samin yung dos and dont's sa 4 days vacation namin sa Japan. Lahat naman kami talaga excited kasi karamihan sa amin hindi pa nakakapunta dun maliban kay Kianna.
"Chill bruh. Sige hintayin ka nalang namin dun ha, ikaw naman na yung next dyan. Dumiretso na tayo sa Gate 4 agad." sagot naman niya at tumango nalang ako. Pumunta na din siya dun sa mga teammates namin na naghihintay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tapos na nga kaming lahat dun sa check-in baggage lane. Hinihintay na lang namin si Mika ngayon dahil bumili ng pagkain.
"Gutom na gutom na ako, masyado naman kasi tayong maaga dito. Hindi pa tayo nakakapaglunch man lang." reklamo ni Ate Cyd. Well, knowing her.. talagang gutumin siya kagaya ni Mika.
"Dapat nga kasi 2 hours before ng flight nandito na dito. 2pm yung flight eh. Sakto nga lang tayo sa oras. Dadaan nalang tayong immigration." Kim explained.
"Ay oo nga pala no, ikaw kasi nakapaglunch na. Kami pala yung hindi pa." nginitian siya ni Ate Cyd na halata mong sarcastic dahil nagtaray din ito bigla.
"KimCy! KimCy! Issue! Issue! LQ LQ!" pang-aasar naman ni Kianna sa dalawa. Natawa nalang din nga kami dahil ganito na talaga si Kianna dati pa. Though malakas talaga boses niya at nakakahiya sa mga tao dito sa airport eh atleast nakakagoodvibes naman yung aura.
"Hahaha! Kianna, baka lalong hindi gamitin ni Ate Kim 'yung 1 more year niyan dahil sa kakaasar mo ah." sabat ko naman.
"Duh, Ate Ara.. Love ako ni Ate Kim, magsstay yan maniwala ka sakin." niyakap ni Kianna yung braso ni Ate Kim habang nagpapaliwanag sakin.
Nagulat naman kami ng biglang sumabat si Coach sa kulitan namin.
"Kim, nasan na ba si Mika? Kanina pa bumili ng pagkain yun at hindi pa din bumabalik hanggang ngayon. Pakitawagan na nga."
"Ate Ara, ikaw na tumawag.." utos ni Majoy sakin.
Kukunin ko na sana yung phone ko mula sa bulsa nang biglang dumating si Mika.
BINABASA MO ANG
Lovespell
Teen FictionUAAP oneshot compilations; I'm not really good at this, so pls bear with me as I write my first ever UAAP story. Thank you and godspeed. Love, recklesslass.