Justine's POVMay 19, 2016
12:44pmNandito kami ni Cienne ngayon sa Quiapo, since dito may murang pagawaan ng cellphone ay dito na din napagpasyahan na ipagawa ni Cienne yung phone niya. Wala eh, tag tipid si Ate Girl. Kaya mula Taft hanggang Quiapo ay hindi namin ininda ang init, tirik na tirik din kasi ang araw lalo na't tanghaling tapat.
"Cess, tara na.. Bumalik na tayo sa taft. Tapos na din gawin 'tong phone ko, finally!" tugon ni Cienne habang nagbabayad dun kay Kuyang taga-gawa ng phone.
"Sigurado na bang hindi yan masisira dito? Sa dami ba naman ng pwedeng pag-gawaan, Cienne.. Bakit dito pa? Baka lalo lang masira ang phone mo." natatawang sabi ko naman sakanya.
Kahit kailan talaga 'to, gusto makatipid. Paano ang dami din gastos nitong nakaraang buwan kaya hindi ko din naman siya masisisi. Nga pala, hindi ko pa nababanggit... Pareho kaming BS Biology student ni Cienne. Kaya madalas kaming magkasama sa ibang class.
"Kung masira man ulit... Edi ipagawa ulit, lahat naman ng bagay may solusyon. Ang nega mo kaagad eh. Hahaha!" naglalakad na kami ngayon pababa dun sa underground way sa Quiapo. Mabuti nga't medyo maayos na ito kumpara noon. May aircon na kaso hindi pa din kinakaya ang init dahil nga crowded din sa lugar na iyon.
"Ay Cienne, mag-withdraw muna pala ako bago tayo umalis. Wala na kasi akong pera dito sa wallet ko. Magtataxi pa tayo." pakiusap ko sa kanya.
"Sure! Oh ayan oh, may ATM machine dun!" patuloy lang kami sa paglalakad ng biglang napahinto si Cienne. Napansin ko na nakatingin siya sa isang matandang lalaki na nakaupo dun sa sulok at may kausap.
"Uy Cienne tara na. Ano bang tinitignan mo dyan?" pagtataka ko.
"Nakikita mo ba yun?" tanong ni Cienne sakin, with matching taas baba pa ng kilay.
Napatingin ako sa gawi na iyon kung saan nakatingin si Cienne.
"Expert Psychic"
"Nako, Ate Girl tigilan mo ko dyan sa eksena mong yan ah. Umuwi na tayo!" sabi ko sakanya habang hinihili ang braso niya palakad sa ATM machine.
"Teka teka... Why don't you try it? Wala namang mawawala. Malay mo yan na pala ang sagot sa mga tanong mo." ang laki pa ng ngiti niya. Hay nako, Ciennang.
"Eh.. Ayoko talaga, please umuwi na tayo. Madami pang sagot sa tanong ko. Tsaka hindi naman legit yang mga ganyan. Hindi accurate yan!" pangangatwiran ko naman sakanya.
Totoo naman kasi diba? Wala naman sa kung sinong manghuhula ang makakapagsabi o makakasagot sa tanong ko. Tanging ako lang. These past few days kasi medyo magulo kami ni Josh. Actually, magulo talaga dahil ito... Break na kami.
At dahil yun sa kagagahan ko.
Pero tama si Cienne. Ano nga bang mawawala kung susubukan ko?
Bahala na nga.
Nakatingin lang sakin si Cienne na para bang naghihintay ng sagot ko. Alam niya siguro na go din ako. Kaya naman muli akong nagsalita.
BINABASA MO ANG
Lovespell
Teen FictionUAAP oneshot compilations; I'm not really good at this, so pls bear with me as I write my first ever UAAP story. Thank you and godspeed. Love, recklesslass.