"Andaming beses ko siyang natalo sa mga contest. He never wins against me. Pero hindi ako makapaniwalang sa dinami-dami ng premyong pwede niyang maagaw o kunin sakin,
BAKIT PUSO MO PA?"
November 3, 2013. Masaya ang lahat. Nagkakainan. Nagkkwentuhan. May nagkakantahan. Lahat maingay. Lahat nag-eenjoy habang kaming dalawa ay nasa isang lugar, payapa, malayo sa gulo at ibang-iba ang atmosphere kumpara ng nasa loob ng malaking bahay.
Ang tahimik. Sa sobrang tahimik ay tanging paghikbi ko na lang ang naririnig.
Akala ko okay ang lahat. Akala ko okay lang sakanya. Akala ko okay kami. Pero lahat ng akalang yun ay mali!
Nakasakit kana naman Lei. Napakamanhid mo talaga. Masokista Ka! Heartbreaker ! *ASDFGHJKL KA!!!!!!!!!!!* PAASAAAAAAA !!!!
Bakit ba di ko napansin yun?
Sana pala di ko nalang sinabi. Baka hanggang ngayon, okay pa kami at masaya.Ang tanga mo Lei!
Flashback.
Habang abala ang lahat sa party ni Dean Miras ay naisip kong kidnappin ang nag-iisang anak niyang si Kuya Reign.
"Kuya! Halika. May ishi-share ako sayo." Sabi ko sabay hila sa kanya papunta sa likod bahay.
"Ano ba yun Lei?"
"Ahhh... Kasi Kuya .. May boyfriend na ako."
Di siya umimik.
"Hoy! Kuya ! Sabi ko may boyfriend na ako." Sabay yugyog sa braso niya.
Wala pa rin.
"Tsk. Ano ba yan ? Excited pa naman akong ishare sayo. Hello ? First boyfriend ko kaya yun. Kaya dapat ikaw unang makakaalam! Kuya kita di ba ?"
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tumayo at pumasok sa loob.
"HOY!!!"
Anong problema nun ?
Sinundan ko siya sa loob.
"Kuya Pao,si Kuya Reign?" Tanong ko Kay Kuya Pao na nasa kusina at kasalukuyang kumukuha ng inumin sa ref.
"Ewan ko dun. Nasa kwarto niya ata. Mukhang badtrip e. Niyayaya namin makipag-inuman pero di namansin." Sagot naman niya.
Kainis naman yun! Ang moody ..
Puntahan ko kaya sa kwarto?
Hm.*knock*knock*
Sabay bukas ng pinto at diretso pasok.Nadatnan ko siyang kasalukuyang nakaupo sa kama niya at hawak ang kanyang gitara habang kinakanta ang
Synesthesia ng Mayonnaise.*Insert Lyrics*
Pinanuod ko siya at pinakinggan hanggang sa ibaba niya ang gitara sa kama niya sabay takip ng mukha gamit ang dalawa niyang kamay. Nakatalikod siya sa akin, nakaharap sa nakabukas na pinto ng veranda niya.
Magsasalita na sana ako ng inunahan niya na ako.
"Para sayo yung kanta. Alam mo ba?" Sabi niya ng di pa rin tumitingin sa akin. Nakasubsob lang ang mukha niya sa mga palad niya.
"A-ano?"
"Wala." Tumayo siya tsaka dire-diretso lumabas ng kwarto niya at nilampasan lang ako.
"Kuya!" Tawag ko sakanya bago pa siya makalayo.
Tumigil naman siya sabay sabing
"Umuwi kana. Mag-aala-sais na oh. Baka gabihin Ka pa." At tuluyan na siyang umalis."Pero.." akala ko ihahatid mo ako? Ganun naman lagi di ba? Kapag pumupunta ako sakanila hinahatid niya ako pauwi. Kaya kahit gabihin ako ay di ako mapapagalitan. May tiwala naman kasi sakanya si Mama. Protective sakin yan e? Kuya ko nga kasi.
BINABASA MO ANG
Broken Relationship
Short Story"Andaming beses ko siyang natalo sa mga contest. He never wins against me. Pero hindi ako makapaniwalang ... SAYO! SAYO PA AKO MATATALO LABAN SAKANYA !" Ilang relasyon na ba ang nasisira ng pag-ibig? Ilang pagkakaibigan na ang nagkalimutan dahil lan...