Carma's
Omg! Sobrang excited na ko! Hihi. Hindi na ko mapakali sa pagkakaupo ko sa sobrang excitement at the same time ay kinakabahan. Grabe! Eto na talaga.
"Miss, wag po kayong masyadong magulo baka di po maayos yung buhok nyo." saway sakin ng babaeng nag-aayos ng buhok ko.
"Sorry po." I apologized at huminto na sa paglilikot.
Nandito ako ngayon sa salon at nagpapaayos para sa prom namin. Yes! Prom na namin mamaya. Hihi. Kaya naman sobrang excited na ako. Syempre first prom ko toh.
Si Kuya Cairo ko ang magiging escort ko mamaya. Nasa all girls school kasi ako kaya naman wala akong masyadong kilalang boys bukod sa mga kapamilya naming lalaki at sa mga kaibigan at kaklase ng Kuya ko. Okay lang naman saking si Kuya ang escort ko mamaya eeh. Close naman kami saka sure naman akong di papahuli ang kagwapuhan ng Kuya ko sa kadate ng nga classmates at schoolmates ko. May iba ngang taga school ang nagkacrush sa Kuya ko eeh. Hihi. Gwapo kasi talaga sya.
Narinig ko yung ringtone ng phone ko na Wonderland ni Taylor Swift. Nasa may harap ko lang yun nakapatong. Napatingin naman ako sa hairstylist sa may salamin. I smiled at her sheepishly.
"Uhm. Aabutin ko lang po yung phone ko." paalam ko sa kanya.
Tumango naman sya saka binitawan yung buhok ko na hawak nya. Agad ko namang inabot yung phone ko at umayos ng upo. Bumalik rin naman sya sa pag-aayos ng buhok ko.
Kuya Cairo Calling...
Si Kuya pala yung tumatawag. Hala! Baka nandyan na sya. Tinignan ko yung time sa phone ko at nakitang 4:30 pm pa lang. 7 pa nama magsstart yung prom namin na gaganapin sa hotel malapit lang dito sa mall kung saan ako nagpasalon.
Sinagot ko naman yung tawag ni Kuya.
"Hello Kuya? Nandito ka na po ba? Punta ka na lang po dito sa salon. Nakuha ko naman na po yung suit nyo eeh." sabi ko sa kanya.
[Carms. Nandito pa ako sa Univ. Nasiraan ako ng kotse eh.] may bakas ng pagsisi yung boses nya sa kabilang linya.
Bumagsak naman lahat ng energy ko ng dahil doon. Sino ng escort ko? Paano na? Pero di naman kasalanag ni Kuya na nasira yung kotse nya eh. Haaay. Pwede bang pumunta sa prom ng walang partner?
"Hala? Okay lang po Kuya. Di na lang siguro ako pupunta. Paano ka po kayo makakaalis dyan?" kahit na medyo disappointed ako syempre nag-aalala pa rin ako sa Kuya ko. Baka di yun makauwi eh.
[Don't worry, makikisabay na lang ako sa mga kaklase ko. Sorry talaga sis. Baka makahabol pa ako.]
Napakagat naman ako ng labi.
"Okay po.." sang-ayon ko na lang kasi gusto ko rin talagang pumunta sa prom.
[Sorry sis. Babawi na lang ako sayo. Text kita mamaya pag malapit na ako. Bye.]
"Bye Kuya, ingat!" paalam ko at inend na yung call.
Napatitig naman ako sa phone ko. Haaaay. Kung kanina sobrang excited ako ngayon hindi na. Bakit ngayon pa nasiraan si Kuya? Naman eeh!
Nang matapos silang ayusan ako ay doon na rin ako sa CR ng salon nagbihis. Hindi ko muna sinuot yung heels ko kasi balak ko pa munang tumambay dito sa mall para hintayin si Kuya Brent.
Paglabas ko ng cr ay lumapit ako sa mirrored wall ng salon. Tiningnan ko yung itsura ko at hindi mapigilang maamaze. Ang ganda ko! Pero nung nakita ko yung suot kong doodled white converse ay napatawa ako. Hihi. Siguro pag labas ko ng salon pagtitinginan ako ng nga tao dahil sa ayos ko tapos mawiweirduhan rin sila sa get up ko. Hihi.
BINABASA MO ANG
The Player's Karma
General FictionEverything has changed after that night when a girl entered his car forcing him to be her prom date. Czhar Lim meets Carma Florence.