Tanga ba ako?

39 3 0
                                    

"Ilang beses ko ng nakikita ang jowa mo na may kasamang iba. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

Napabuntong hininga ako. Ang kulit talaga nitong si Sara. Ilang beses ko na ding sinasabi sa kanya ng ito yung nawawalang kapatid ni Juanito. Sabik na sabik lang talaga siyang makita ang kapatid niya kaya lagi silang magkasama.

"Miss na miss niya nga kapatid niya! Syempre after ilang years nagkita ulit sila diba? Wag kang paranoid. Masyado akong mahal ni Juanito para magloko sa akin!" sabi ko.

Napatawa si Sara. "Ay wow. Mayroon palang magkapatid na magkaholding hands at nagsusubuan ng pagkain sa pang couple na restaurant. Galing! Ang husay!"

Naiinis na talaga ako sa bestfriend ko. Pinagpipilitan kasi niyang hindi kapatid ni Juanito yun eh halatang halata nga na magkapatid! Parehas silang may nunal sa pisngi tapos parehas na singkit.

"Bes, ha. Wag kang tanga." Bago ko siya masampal ay umalis na siya.

May iniwan siya envelope sa lamesa. Kinuha ko ito at inalis ang laman. Mga litrato.

Nagulantang ako sa mga nakita ko. Mga picture ito ni Juanito at nung kapatid niya. May larawan na nagsusubuan ng pagkain, pinupunasan ng tissue, magkapatong ang kamay.
Hay. Sweet talaga nilang magkapatid. Ewan ko ba kay Sara kung bakit niya inaakusahan si Juanito ng ganito. Ang bait bait na tao non.

Tinawagan ko si Juanito. Pangatlong ring ay sinagot niya ito.

"Babe."

"Juanito nasaan ka?! I miss you."

"Babe kakakita mo lang sa akin namiss mo na agad ako! Nasa trabaho lang ako."

"Ah ganon ba? Sige. Hindi na kita iistorbohin baka busy ka eh. Sige Babe. Bye! I love you!"

"Love you too."

Kilig na kilig naman ako habang naliligo dahil nagtext si Juanito na magdadate daw kami after work niya. I'm excited!

Gusto ko ng mapabilis ang oras kaya nag Facebook ako. Nagstalk ako don sa kapatid ni Juanito. Juana Bandana ang pangalan. Mabaho ang pangalan pero bumawi naman sa kagandahan.

Hindi ko pa nakikita sa personal ang kapatid niya. Hindi niya rin kasi ako pinapakilala. Sabi niya lang ay mailap ito sa tao. Naniwala naman ako.

Scroll. Nakita ko ang pic ni Juanito at siya. Nakahalik si Juanito sa pisngi ni Juana. Hay ang sweet talaga ng magkapatid. Sobra kasing naulila sa kapatid si Juanito. Bumabawa ang kuya.

Scroll pa ako ng scroll. Tapos may nakita ako "In a relationship with Juanito Vargas".
Siguro nagkamali lang? Ay ang tanga ko. In a relationship nga naman sila kasi magkapatid sila. Diba relasyon yon? Magkapatid kayo kaya may relasyon kayo sa isa't isa?

Naligo ulit ako at nag-ayos. Hala baka magpropose na sa akin si Juanito? Hindi pa siya nakakayuko ay mag-I do na agad ako!

Pumunta na ako sa restaurant.

"Miss, reservation. Mr. Juanito Vargas?"

"Sorry, Ma'am. Wala pong reservation si Mr. Juanito Vargas."

"Ay ganon ba? Sige."

Nakakalungkot naman. First time 'tong ginawa sa akin ni Juanito. Ang sakit.

Paiyak na ako pero buti nalang ay tinawagan ako ni Juanito.

"Babe, sorry hindi ako makakapunta. OT eh. Next time nalang. Babawi ako. Love you."

"Ah okay lang, Babe. Nandito pa naman na ako sa restaurant at bongga pa nitong dress na sinuot ko!"

"Ganon ba Babe? Sorry talaga, ha? Sige bye."

Umalis na ako doon sa restaurant. Okay lang na hindi natuloy. Sabi niya naman ay babawi siya kaya ayos na sa akin iyon.

Naglalakad na ako pauwi. Masaya ako dahil excited na ako kung ano ang gagawin ni Juanito.

May nakita akong pamilyar na hubog ng katawan at may kasamang babae.

"Oh babe!"

Nakita ko si Juanito na kasama ang kapatid niya. Magkikiss na sana sila pero nagulat sila dahil nakita nila ako.

Ang sweet naman nila magkapatid.

"Babe, pakilala mo naman ako sa kanya. Siya ba yung kapatid mo? Sweet niyo naman magkaholding hands pa kayo tapos magkikiss. Sibling Goals!"

Diba normal lang naman yon?

Tanga ba ako? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon