ALLS 1

91 5 2
                                    

Disclaimer: Ang mga nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Huwag seryosohin, nakamamatay. :P

Enjoy the AlSic Melody!

-Ashanti

*ALLS 1*

Gasgas na kung sisimulan ko ang kwentong ito sa pagiging late ko sa school kaya sige, sisimulan ko naman sa pagiging sobrang aga ko. May inaabangan kasi akong tao.

Alas-sais pa lang ng umaga at alas-otso pa ang first subject ko pero sabi ko nga, may inaabangan akong tao.

Hindi ko alam kung tama bang tawagin ko siyang stalker, wala naman kasi ako nararamdamang sumusunod-sunod sa akin tuwing naglalakad ako pauwi ng bahay. Siguro dapat...aah... ano bang dapat itawag sa taong palaging naglalagay ng notes sa locker ko? Secret admirer? Secret suitor? O Cornettong pa-mysterious effect?

Tuwing umaga kasi, nakikita ko na lang na may nakalagay nang song lyrics sa locker ko. Guitar ang design ng mga papel. Pasadya kasi ganun na talaga ang design, para ngang pinaprint lang e. Baka dahil mahilig sa music ang nagbibigay ng sulat sa akin. Sorry siya, hindi ako music lover (?)

Sweet siguro sa iba 'yung mga note pero sa akin? CREEPY. Kung kay Humigad pa, "Corny! Daming alam!"

Ano ba? Bakit kasi kailangan pang idaan sa sulat-sulat na 'yan, ano po? Pwede namang kausapin na lang ako at sabihin sa 'kin nang diretso, ano po? 

Akala niya sweet siya? Hindi 'no! TORPE kamo.

Anyway, hindi po ako galit, sadyang curious lang at sa sobrang curiousity ko, nainis na ako. Hindi ko lang po gusto ang idea na may nagpapagulo sa magulo ko nang utak.

Teka, ichecheck ko lang ulit ang oras.

6:05. Bakit wala pa ring pumupunta sa locker room namin? Mayamaya lang, dagsa na ang mga estudyante sa locker room, may flag ceremony kasi ng 7:30.

Matingnan nga kung may laman na ang locker ko, baka naman naunahan na ako.

'Yun nga, naglakad na ako papuntang locker room namin. By the way, sa katapat na locker room ako nagtago. Salocker room ba ng mga lalaki sa section namin.

Opo, ganun na nga po, pero wala pa naman pong mga tao sa school nang ganitong oras. Wala naman po kayong iniisip na masama tungkol sa akin dahil sa locker room ng mga lalaki ako tumambay, di ba po? Nagkataon lang na locker room nila ang katapat ng sa 'min, ano po?

As expected, wala pang tao sa locker room namin. Dumiretso ako sa locker ko (na nasa side lang ng pinto), binuksan 'yon at...

ayoko na... naunahan nga ako.

Yung totoo po? Dapat ba alas-singko pa lang ng umaga, nasa school na ako?

Bumuntong-hininga muna ako bago ko kinuha ang papel na hugis gitara. Napangiwi pa ako nung mabasa ko na. Ang sabi kasi:

Dear Aly Melabs,

I never had a dream come true... 'til the day that I found you.

-Never had a Dream Come True(S Club 7)

As usual, walang nakalagay kung kanino nanggaling. Aaaah! Hindi po siya sweet, corny siya. CORNY!

Pero in fairness, lalo akong napaisip kung sino siya. Curiosity is killing me so.

Sa inis ko, pumunta na lang ako ng room namin para hintayin ang paglipas ng oras. 

Wow, 'paglipas ng oras.' Ang lalim, ano po?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Lyrical Love Story (AlSic/SicAly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon