Chapter 3

5 0 0
                                    

3. School.School.School!

Maxine's PoV

"Maxina! Gumising ka na!"

Kuya maaga pa

"Pag di ka pa gumising papalayuin na kita kay Mark."sambit niya

Tsk ambad niya talaga. Pati kami ni mylabs paglalayuin niya *pout*

"Oo na eto na! Eto na nabangon na ako oh!"sigaw ko

Kaaga aga sigaw ng sigaw sakit sa tenga!!

~~~~~~~

Shems! Pinagtitinginan ako ng mga studyante. May dumi ba ako sa mukha? Paki explain naman nakakahiya na eh.

Pumunta ako sa Cr. para tingnan ang mukha ko.

"Wala naman akong dumi sa mukha ah,ba't nila ako pinagtitinginan?"kinuha ko yung powder sa bag ko at nagpowder nalang ako.

"Wala ka naman talagang dumi sa mukha. Pinagtitinginan ka nila kase akala nila bago ka dito."

Sh*t nagulat ako dun sa nagsalita. Tumalikod ako para makita siya...

"Eloisa!"sigaw ko

Namiss ko siya huhu!(╥_╥)

"I miss you bes."then she hugs me

"Bes,kanina ka pa ba jan?"tanong ko

"Oo eh hehe. Kamusta ka na nga pala?"sambit niya

"Eto ok na. Naiuwi na namin si papa. Magaling na siya."sagot ko

"Ahh good for tito. Btw,bes good news! Magkaklase tayo at kasama na din don si Jaycel! Yiee! Namiss ka namin!"sambit niya

Yes! Buti naman at magkaklase kami kung hindi nako patay ako sa mga bullies.

Nagring na yung bell kaya pumunta na kami ni Eloisa sa room.

Papasok pa lang kami ng pinto ng biglang

"Max! Besty!"grabe siya ha. Hindi naman halatang namiss niya ako noh?

Oo paggising ko sigaw agad ni kuya ang gumising sakin pero sa school yakapsul from my besties≧﹏≦I miss them so much.

"Bes,di mo naman ako namiss noh? Haha! Huy pinagtitinginan na tayo ng mga kaklase natin."bulong ko

"Pssh! I don't care! Bes masasanay ka na din dyan sa mga yan. Mga chismosa!"diniin niya talaga yung word na 'chismosa' ha. Bigla naman inirapan kami nung apat na babae. Problema niyo?!

Umupo na kami kasi dumating na yung teacher namin. Magkatabi kami ni Eloisa tapos may katabi naman siyang lalaki. Si Jaycel naman nasa unahan ko. May bakanteng upuan sa kabilang tabi ko. May nakaupo kaya dito?

"Good morning class."bati samin nung teacher

"Good morning Ms. Santiago."sabay sabay naming bati

Actually kilala ko siya. Adviser namin siya dati kaya medyo close kami.

Habang tumitingin siya sa amin,napatingin siya sakin.

"Oh Max! Bute naman at nakabalik ka na uli."masaya niyang sabi

Lahat sila nakatingin sakin at nagbubulungan. Kinakabahan tuloy ako tapos yung apat ang sama nanaman ng tingin sakin.

"Ahm opo Ms. Amie. Ok na din naman po si papa."sambit ko

"Mabuti naman at ayos na si Mr. Sanchez."sambit niya

Sumama nanaman ang tingin sakin nung apat. Siguro pinapatay na nila ako sa isip nila. Nakita ko naman na nagbubulungan yung iba. Minsan nga naririnig ko eh.

"Uy kapatid niya siguro si Sunny Sanchez. Yung gwapong model."

"Oo nga noh! Diba dito din napasok si Sunny?"

"Oo grabe ang gwapo niya talaga!!"

Tsk adik lang kay kuya? Lakas talaga ng appeal ni kuya grabe.

Nagulat ako ng biglang may umupo sa may tabi ko,dun sa bakanteng upuan. Omy si Ice pala,ang gwapo niya talaga! Teka kaklase ko siya? Grabe talaga si tadhana oh pinagtatagpo kami.

"Oh, Mr. Dela Cruz kung hindi late,absent. Kelan ka ba magbabago?"

Grabe siya oh. Di manlang inimikan si Mam. Gwapo na sana eh,bastos lang!

Ilang oras na ang lumipas at bute naman lunch na.

Tumayo na ako at inayos ang gamit ko bigla namang nahulog yung panyo ko. Kukunin ko na sana pero kinuha na agad ni Ice.

Akala ko ibabalik niya pero tinignan lang niya.

"Huy! Akin na yan."sambit ko

"Teka."ano bang problema niya?

Tinignan niya lang yung panyo.

"Huy!"sigaw ko kaya nagulat siya

"Ano bang problema mo?!"aba aba siya pa ang galit ha

"Ikaw ang problema ko! Akin na nga yang panyo ko!"naiinis na talaga ako sa kanya!

Nilagay niya sa bulsa yung panyo at lumabas ng room. Lumabas din ako at hinabol ko siya.

"Hoy! Akin na yan!"pinagtitinginan na ako ng mga studyante pero wala akong pake

Hinabol ko siya hanggang sa maabutan ko na siya.

"Hoy! Ano bang problema mo! Akin na nga yang panyo ko!"hinawakan ko siya sa balikat pero tinanggal niya yon

Biglang may dumating na babae at niyakap si Ice. Teka? Hindi siya yung babae kahaponO_o. I should've known, playboy pala siya.

"Babe sino siya?"sambit nung babaeng parang linta kung pumulupot kay Ice

"She's just nothing babe. Lets go."yabang mo ah!ˋ︿ˊ

Umalis na sila at ako naman mag-isa dito at nakatunganga.

Pano yung panyo ko? Bisit talaga yang Ice na yan!-_- Pumunta nalang akong library para magbasa tutal vacant naman yung next subject namin. Pumunta ako dun sa dulo at doon ako nagbasa,as usual "Harry Poter" uli ang binabasa ko. Ang ganda kase^O^

~~~~~~~~~~

"Kuya san ba tayo pupunta?"tanong ko

Magkasama kami ni kuya at naglalakad sa corridor at syempre yung mga babaeng madadaanan namin kinikilig nanaman kay kuya.

"Susunduin natin si Reign sa guidance office."seryosong sagot ni kuya

Guidance Office?! Nako lagot nanaman ang baby Reign ko..

Nakadating na kami sa guidance office at nakita na din namin si Reign. Nung nakita niya ako ay bigla siyang ngumiti pero nung tumingin siya kay kuya ay sumimangot siya.

Tumakbo siya papunta sakin at niyakap ako.

"Ate Max!"sambit niya

"Baby ano nanaman bang ginawa mo?"pabulong kong tanong

"Ate kasi yu---

Hindi na naituloy ni Reign ang sasabihin niya kasi dumating na si kuya.

Seryoso parin yung mukha ni kuya.

"Nakausap ko na yung guidance counselor."seryoso parin siya

Katakot yung mukha ni kuyaaa oh nooo!

Bigla siya ngumiti.

Abnormal kuya?

"Shempre nagpacute ako kaya ok na daw. Wag nalang daw uulitin."sabay ngiti. Ngiting abnormal.

Kala ko naman magagalit siya. Abnormal talaga to.

Pumunta na kami sa parking lot. Tapos na din naman ang subjects namin kaya uuwi na kami. Habang nasa kotse kami, nagkwentuhan kami.

~'~'~'~'~'~'~'~'~

(A/N): Kala ko naman mabait ka fafa Ice. Playboy ka pala! Crush pa naman kita :(


Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon