Chapter 1.1: The Past

29 2 0
                                    

Kim Soojung's POV:

"Miss, name po??" sabi ng lalaki sa harapan ko.

Nakatulala lang ako. "Miss, name po??"

Inulit niya yung tanong niya. Napakurap ako.

"Uhmm. Soojung po." sabi ko

"Pakipirmahan lang po nito tapos pakipasa na lang po dun." sabi niya habang nakaturo sa kabilang table.

"Ah sige po. Salamat po." -me

Naglakad na ako sa isang bakanteng silya.

"Hey! That's my chair." sabi ng babaeng may taglay na kapangitan sakin.

"Ahh... Sorry..." "Go" sabi niya habang nakataas ang kilay.

Kung makaasta naman ito akala mo maganda. Di hamak naman na mas cute ako no. Hmp! Makalipat na nga lang ng upuan.

"Excuse me. For your information, That's my chair! So go away." sabi ng isang bakla sa akin.

Haist! Lahat ba talaga ng upuan dito may may ari na? Sa sahig na lang kaya ako umupo, kapag may nagpalayas pa sakin dun at sabihing sa kanya yun, baka makasapak na talaga ako ng tao ngayon eh. Okay! Sumalampak na lang ako sa sahig at sinimulang pirmahan yung form.

Kung ako ang tatanungin, Di ko naman talaga gusto umalis ng DAEGU eh. I just wanna live out my dreams and my mom's dreams for me. Kung may chances ba sa Daegu, edi sana dun na lang ako. Lumaki ako sa ampunan sa pangangalaga ni Tita Sister Shinhye, kapatid ng mommy ko. Namatay kasi siya nung pagkapanganak niya sakin at yung tatay ko naman, di ko na nakilala. Iniwan niya kasi kami and di ko alam kung anong reason nun. Even Tita Sister doesn't know, di kasi nasabi sa kanya ni Mommy. Pero kahit na wala akong tatay, maswerte pa din ako dahil may Tita Sister ang nagpaaral, nag-alaga at tumulong sakin.

Nakapag-aral ako sa isang prestigious school na may scholarship. Di niyo naitatanong, matalino din naman ako kahit papano. May binatbat din sa talento at academics. Masaya din naman ang naging buhay ko. Naibigay sakin ni Tita Sister ang lahat. Alam niyo ba na bago ako umalis ng Daegu, nabigyan pa ako ni Tita ng mga mamahaling gadgets para magamit ko daw dito, para di daw ako mahirapan sa lifestyle ng mga tao dito.

Si Tita Sister ay isang madre pero may pamana sa kanya ang mga magulang nila ni Mommy na ginagamit niya naman para matulungan ako. Yung pamana kasi na para sa Mommy ko ay mailalagay lang sa pangalan ko pagdating ko ng 21 which is matagal pa. Isa iyong bahay at lupa na may fish pond at farm na kasama. Pwede naman ako magpunta dun kung gugustuhin ko dahil eventually sakin din naman yun. Ang ganda ng atmosphere dun.

Ngayon na na nandito na ako sa Seoul para gawing makatotohanan ang pangarap ko at ang pangarap ng mga mahal ko sa buhay para sa akin, di ko sila bibiguin. Para ito kay Mommy at kay Tita Sister. FIGHTING~

Salamat sa SOPAS at nakatanggap ako ng recommendation letter. May chance na akong maisakatuparan ang pangarap ko.

Actually di lang ako pati na din yung bestfriend ko kaso di siya pinayagan kaya ako lang ang nandito.

"Soojung~ah, ilang sinulid na ang nabilang mo sa damit niya?" sabi ng babae sakin out of nowhere. Unti unti ko siyang nilingon. Si Joyeon? *nanlaki yung mata ko O_O*

Si Joyeon, siya ang bestfriend ko. Nerd at mahilig magpout. Kapitbahay ko siya sa Daegu. Super close kami. We're like sisters nitong babaitang ito. Since we were young, we've been friends. Hanggang ngayon, no matter what happen, we will always be friends. Weird man ako sa paningin ng iba o kahit sa paningin niya, di niya pa din ako iniiwan.

Di ko makakalimutan nung una kaming nagkakilala nito. May mga batang nambubully sakin at kinorner nila ako. Aba syempre tinulungan niya ako. Yeah! The best itong babaitang ito. Kahit mukha siyang weak, matapang naman. Haha. Ganun naman kami eh, pag inaway ang isa dapat ipagtanggol ng isa. Pasan ng isa ang isa. Yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

:::MISCONCEPTIONS of USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon