Pag-iibigan natin,parang kalawakan
Diba napakasarap pakinggan?
Ngunit sa likod nito'y may nakatagong kalungkutan
Dahil ako yaong araw,ikaw naman ang buwan
Sa aking pag dating,ikaw naman ang lilisan
At kahit na anong pilit,di kita masilayan
Ngunit ang may likha ay sadyang makapangyarihan
Malay natin balang araw, pananabik nati'y matuldukan.