Kabanata 3

16.4K 370 13
                                    

"Pero kung ayaw mo, sige ako nalang.." Aniya. Hindi ako makasagot at tila natameme na nang tuluyan.

Ngumiti ako at ibinaling ang tingin sa daan habang naglalakad kasabay siya. "Okay lang, kailan mo ba uumpisahan?" tanong ko.

Pansin ko ang pagngisi niya sa tabi ko at naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa kaliwang kamay ko at mabilis na pinaghahalikan ito. "Yes! Thank you! Thank you talaga Andrea, Hulog ka ng langit!" Aniya habang masayang-masaya. Mas lalo akong napangiti.

Malapit na kami sa 7/11 at itong si Marco ay masayang-masaya pa rin sa tabi ko. Daldal siya ng daldal. "Ano ba yung mga favourites niya? Gusto ko kasi malaman para maibigay ko sa kanya.." Ani Marco.

Napaisip naman ako saglit. "Mahilig 'yon sa fries ng McDo tapos choco-choco." Sabi ko. Kapag kasi nagkikita kami ni faith ay lagi kaming dumadaan sa McDonalds dito sa bayan. Patay na patay kasi siya sa French fries nito. Bumibili rin lagi ito ng choco-choco tuwing nakakasabay ko siyang umuwi.

Hindi na ako magtataka pa kung talagang mahuhulog na nang tuluyan ang loob ni Marco kay Faith. Maganda si Faith at Mabait pa. Ang alam ko nga'y wala pang naging boyfriend ito at ang dahilan ay hindi ko na alam. Hindi na rin ako dapat na magtaka kung sa mga susunod na araw o linggo ay makikita ko na silang dalawa na sweet na magkasama sa kung saan man.

Iba rin itong lagay na ito dahil ngayon lang nagpatulong magpaligaw sa akin Marco. Tunay niya nga sigurong gusto si Faith dahil mukhang desperado na itong kaibigan ko na mapakasakanya na talaga ang babae.

Tumango-tango si Marco sa gilid ko na tila ba nag-iisip. Nang makarating kami sa 7/11 ay agad kong nakita si Papa kaya tinawag ko ito. "Papa!"

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita niya ako. "Oh, naparito ka? Kauuwi mo lang?" Aniya. Doon niya rin napansin ang katabi kong si Marco kaya medyo napatigil siya. Anak kaya ng Mayor itong kasama ko at sa kanila nagtatrabaho si Nanay. "Magandang Hapon po, Tito." Bati ni Marco.

Noon pa man ay tito na ang tawag ni Marco sa Papa ko samantalang kay Mama naman ay Tita. Tinuring niya na kasi kaming pamilya dahil sa tagal ng pagsasama namin. Kapag kami namang dalawa ni Marco ang magkasama ay napagkakamalan kaming magboyfriend at girlfriend dahil sa ka-sweetan na ipinapakita ni Marco, pero lingid naman kasi sa kaalaman nila ay magkaibigan lang talaga kami.

"Aba'y ikaw pala 'yan Marco! Magandang hapon, Ano gusto n'yo?" Tanong ni Papa. Mabilis akong umiling na dahil alam kong manlilibre talaga si Papa kahit na kulang na kami sa pera. Pero hindi naman napansin 'yon ni Marco na agad na nagsuhestiyon ng gusto niyang makain.

"Uhh gusto ko po ng slurpee tapos chips po." Ani Marco. Napabuntong hininga ako at wala nang magawa nang magsalita si Marco. Tumango naman si Papa at naglabas ng pera upang bumili.

Muli kong ibinaling ang tingin ko kay marco na mukhang walang ka-alam-alam sa tabi ko. "Wala na nga kaming pera eh.." bulong ko pero sa pagkakamali ko'y narinig pala ni Marco.

"Ano kamo?" Utas niya.

Umiling ako. "Wala.." Sabi ko.

Kunot ang noo niyang tinignan ako. "Ano problema mo? May mens ka nanaman ba? O masakit nanaman puson mo?" Aniya.Muli akong umiling kasabay nang pagdating ni Daddy.

Iniabot niDaddy kay Marco ang pinamili niya. "Salamat po Tito.." Saad ni Marco at nag-umisang humigop ng malamig na slurpee sa tabi ko. "Walang anuman.." Sagot naman ni Tatay. Tumingin si Tatay sa akin at itinuro ang pinto. Nang makuha ko ang nais niyang iparating ay tumango ako. Magbabantay na siyang muli.

Nabigla ako nang itapat niya sa akin ang slurpee niya at pati na rin ang chips na hawak niya. "Hati tayo.." Anas niya.

Umiling muli ako habang pinagmamasdan lang siya. Nakaupo kasi kami ngayon sa loob at feel na feel ko ang lamig ng hanging nagmumula sa aircon nitong convenience store na ito. "Sige na, hati na tayo..." Aniya habang iniaabot sa akin ang hawak niya. Wala naman akong magawa kung hindi tanggapin na lamang ang alok niya.

Kinuha ko ang slurpee at humigop dito. "Masarap naman diba? Sabi sa'yo eh.."Saad niya habang ngumunguya ng chichirya.

Wala sa sariling napatango ako kasabay nang sunod-sunod na paghigop ko. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala. "Kita mo, inubos mo na.." natatawang anas niya. Napatawa na rin ako. Hindi ko namamalayan na ubos nap ala.

"Sabi ko kasi sa'yo. Sa'yo nalang! Ayan tuloy, nasimot ko.." natatawang sabi ko. Umiling-iling naman sa harap ko si Marco habang natatawa.

Nang matapos sa pagkain ng chichirya ay tumayo na rin kami ni Marco at tinungo ang kinaroroonan ni Papa. "Papa. Uwi na po kami.." Sabi ko at humalik sa pisngi ng tatay ko.

Ngumiti si tatay at kumaway naman sa kasama ko. "Saan kayo ngayon?" tanong niya pero si Marco ang sumagot.

"Uhh Tito, sasama ko lang po siya sa may court, May paliga po kasi si Daddy at kasali ako.." Pagpapaalam ni Marco sa Papa ko. Tumango naman si Papa bilang pagtugon.

"Mag-iingat kayo.."

Lumabas na nga kami at nagtungo na nga sa court. "ba't tahimik ka?" Nagtatakhang tanong niya nang makarating kami sa court. Marami ng tao at ang iba pang mga manunuod ay may banner pang hawak na may litrato at pangalan pa ni Marco. Aba ayos! Sikat nga talaga itong si Marco sa lugar namin.

"Uhm, Wala naman.." Sagot ko. Totoo naman eh, wala lang talaga akong masabi sa kanya.

Tuluyang dinumog ng mga tao si Marco na kanina lang ay nasa tabi ko kaya napaatras na ako at naupo na lang sa tabi. Pagak akong napatawa habang pinagmamasdan ang kawawang si Marcona kanina lang ay katabi ko at ngayon ay pinagkakaguluhan na. Iba ka talaga!

Napapikit ako sa sakit na dulot ng puson ko. Hawak-hawak ko na nga ang puson ko at hindi na mapalagay ang loob ko. Bakit ba kasi napakalakas ng menstruation ko ngayon. "You okay?" Untag ng taong nasa tabi ko na pala. Muntik pa nga akong mapatalon sa gulat kung hindi niya lang hinawakan ang kamay ko na nasa puson ko.

Umiling ako bilang pagsasabi ng totoo. Sinabi ko na ang totoo dahil sobrang sakit na talaga ng puson ko. Nang itaas ko ang paningin ko sa kanya ay batid kong may pag-aalala na sa kanyang mukha. Nakita ko na lamang na may kinakapa siya sa kanyang bulsa at cellphone niya nap ala ang kinukuha niya.

Namimilipt pa rin ako sa sakit. Iba sa sakit na nararamdaman ko nang mga nakaraang dinadatnan ako ng dalaw. Naramdaman ko ang paghawak ni Marco sa kamay ko at marahang pagpisil-pisil dito habang ang cellphone ay nasa kaliwang tainga. "Mang Robert. Pakisundo na po kami.." Aniya sabay baba ng iPhone niya.

Napatingin naman ako sa mga usisero at usisera sa may hindi kalayuan sa pwesto namin. Pati nga ang mga kateammates ni Marco ay pakiwari ko'y pinapanuod kami sa senaryong ito. "Masakit ba talaga?" mapanghibok na tanong niya.

Tumango ako bilang pagtugon. Masakit talaga! "Parating na si Mang Robert. Uuwi na tayo.." marahang sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko pero isa lang ang nasa puso ko. Gusto ko nga ang kaibigan kong ito.

Gustong-gusto ko at mahal na mahal ko.

FALL IN LOVE {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon