One Shot

11 0 0
                                    

Sabi nila ang love daw kusang dumadating.
At naniniwala ako dun.
Naniniwala kasi ako sa destiny.

Ito ang problema ng isang hopless romantic eh. Tapos nerd pa ako kaya wala talagang nagkamaling manligaw. Pero naghihintay pa rin ako. Naghihintay pa rin ako na mahalin ako ng isang Alix Josh Medina kahit wala akong pag asa. Ang assumera lang.

Ako nga pala si Ash Eunice Villaverde. I am 17 years old. And yes, NBSB ako. And yup, in love ako sa isang sikat sa campus na si Alix my love. Ang landi ko. Haha mabait naman kasi siya. Yun nga lang famous. Kaya nakakaintimidate lapitan at kausapin.
Una ko siyang nakita at nakilala eh noong freshmen pa lang ako. Bago pa lang ako sa university kaya malamang magtatanong ako. Ang malas ko pa nga nun eh kasi sa isang masungit na estudyante ako nagtanong.

"Excuse me ate. Saan po yung room ng-"

"Room I-A?" Putol niya sa sinabi ko. Paano kaya niya nalaman.

"Ah opo ate. Paano niyo po nalaman?"
Biglang tumaas yung kanang kilay niya kaya napakunot tuloy ang noo ko. Anyare?

"Halata eh. Salamin palang." Sabay lakad niya paalis.

Ay ganun ba yun. Porke nakasalamin lang section A agad? Ay hala? Eh di niya pa ako sinasagot sa tanong ko.

"Ate di niyo pa po-"

"Oh shut up! Stop calling me ate. You're not even my sister. Loser!" Naputol ako sa sinabi ko nang sinigawan niya ko. Ouch ah! Taray lang.

"Eh saan po-"

"And that! Stop saying 'po'! Feeling mo kinagalang mo yan? Gosh. Nagmumukha akong matanda eh!" Ay. Yun lang yun? Di niya ba alam kung paano gumalang? Diba gumagamit ng po at opo diba?

"Eh kasi at- ay miss hinahanap ko kasi yung room ko eh." Sabi ko habang nakapout. Ang kawawa ko naman.

"Hay naku miss. Wala kang mapapala sa kanya. Umalis ka na nga Jessa. Kahit kailan talaga." Napalingon ako sa isang lalaking dumating. Ang gwapo niya. Na love at first sight ata ako. Megaasssh! Ang landi lang. Hahaha

"Miss? Baka matunaw ako." Sabi niya habang tumatawa. Ang manly niya pa tumawa. Jesus Lord! Ang gwapo niya talaga.

"Miss? Narinig ko kanina hinahanap mo ang room IA? Halika,sasamahan kita." Sabi niya habang nakalahad ang kamay niya at take note nakangiti siya. Kyaaaah. Ang sarap tumili. Gosh.

"Miss? Okay ka lang?" Sabi niya habang iwinawagayway yung kamay niya sa harap ng mukha ko kaya parang binuhusan ako ng tubig. Nakakahiyaaaaaa.

"Ah so-sorry. Ahmm. Ano nga pala yung sinabi mo?" Sabi ko habang nakayuko. Nakakahiya talaga. Super.

"Sabi ko sasamahan kita papunta sa room mo. Hatid na kita."

"Po? Nako wag na. Sabihin niyo nalang kung saan. Ako na po mag-isa pupunta." Tanggi ko sa alok niya. Kahit gusto ko. Nakakahiya kasi.

"Sus okay lang. Mamaya pa naman klase ko. Ako nga pala si Alix. Alix Josh Medina. Ikaw?" Pakilala niya habang ngumingiti.

"Ash. Ash Eunice Villaverde."

At yun hinatid niya ko. Sa araw ding yun bumili ako ng notebook. Dun ko sinulat lahat ng nangyari sa araw na yun. At simula nun parati na akong nang iistalk sa kanya. Naging stalker nako. Nalaman ko na isa siya soccer player at ang astig niya maglaro grabe. Lalo na pag pinagpawisan siya. Ang hot niya grabe. At nalaman ko din na hearthrob siya, nanalo nga daw siyang Mr. Intramurals noong freshmen siya eh. Junior student na kasi siya ngayon. At nalaman ko din na NGSB siya. May hinihintay daw sabi ng classmate kong adik din sa kanya.
Pero nagbago ang ikot ng mundo ko nang nagkabanggaan kami sa lobby. Pupunta sana ako ng library noon eh. Balak kong magbasa dun.

"Hala? Sorry po. Sorry po talaga. Di ko sinasadya." Sabi ko dala yuko pa. Ang tanga ko talaga kahit kelan.

"Ako dapat magsorry kasi ako yung tumakbo. Pasensya na." Ang bait niya grabe.

"Naku. Hindi. Ako ang mali. Nakayuko kasi ako. Pasensya na po talaga. Di na mauulit."

"HA? Di na mauulit?!" Bigla siyang sumigaw. Grabe ang lakas din ng boses nito eh.

"Po?" Ang tanging nasabi ko.

"Hindi! Wala! Ganito nalang. Para makabawi ako labas tayo ngayong saturday. Promise. My treat!" Sabi niya habang ngumingiti.

"Date po?!" Sigaw ko.
Niyaya niya ako ng date. Waaaah. Pwede na akong mamatay. Joke! Baka di matuloy eh.

"Ano? Hindi, lalabas lang tayo." Tapos yumuko siya. Ay ang feeling ko talaga. Napahiya ako.

"Teka po, namumula po yung tenga niyo. May sakit ka po?" Napansin ko kasi na namumula siya. Anyare?

"Wa-wala! Ge ah. Sa sabado nalang." Tapos tumakbo siya. Hala? Sa sabado? Eh thursday ngayon eh. Two days nalang pala.

Pagka friday nun pumunta siya sa classroom at humingi siya ng number ko at nauutal siya that time. Ang cute nga niya eh. Inaasar pa kami ng mga kaklase ko. Di naman kasi sila mga bully. Kaya ayun binigay ko sa kanya ang number ko. At simula nun parati niya akong tinitext. Pinapaalalahanan niya ko sa mga bagay bagay. Tulad ng kumain na ba daw ako or tapos na ba daw ako sa mga assignments ko. Feeling ko nga boyfriend ko na siya. At sumapit ang saturday. Nagdate kami. Para sa kanya lalabas lang kami pero para sa akin date ito. Hahaha

Umabot kami ng isang buwan na ganun. Parang mag m.u lang. Ang sarap ngang magconfess eh. Nakakahiya lang talaga. Baka masira yung friendship namin eh.
Pero ako na yung pinakamaligayang babae sa balat ng lupa ng kumanta siya sa quadrangle dito sa university namin. Kumanta siya ng Tulad Mo ni TJ Monterde. Eto pa nga yung line niya oh!

"Hi po. Nandito po ako sa harap niyo para kantahan ang pinakaespesyal at pinakamamahal kong babae. Alam kong nakikinig ka. I love you Ash. I love you Ash Eunice Villaverde."

Kaya kami ang center of attraction. Ang daming kinikilig pero mas kinikilig ako. Lord ang saya ko.

Pagkatapos niyang kumanta ay bumaba siya.

"I love you Ash." Tapos lumuhod siya.
"Can you be my girl?" Sabi niya habang nakangiti.
Kaya di ko mapigilang umiyak nun eh.
"Yes Alix. I love you so much." Di ko na macontrol ang sarili ko kaya umiyak talaga ako that time. Habang yakap niya ko.

"Mahal na mahal kita Eunice. Always." Sabi niya habang dahan dahan niya akong hinalikan sa labi ko. Para akong kinuryente. Gosh.

"Mahal? Binabasa mo na naman yang red notebook? College pa tayo niyan ah?" Sabi ng pinakamamahal kong lalake sa mundo.
Kaya niligpit ko na yung red notebook ko.
"Ang sarap lang kasi balikan ng love story natin eh." Paliwanag ko sa kanya.

5 years na kaming kasal ni Alix. At masaya ako na siya ang minahal ko.

"Ikaw talaga mahal. Halika nga dito"
Tapos lumapit ako sa kanya.

"Bakit?"

"Mahal na mahal na mahal kita." Sabi niya habang hinahalikan ako sa ilong ko. Nakakakiliti.

"Ako din. Mahal na mahal na mahal din kita. Love you!" Tapos hinalikan ko siya sa mga labi niya. Smack lang naman.

"I love you more."  Sabay halik niya sa noo ko.

"By the way mahal ano nga pala ulit talaga ang totoong reasons mo kung bakit ako yung nagustuhan mo?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya. Gusto ko lang kasi marinig ulit. Ang corny nga eh. Pero imbis na sumagot eh ngumiti lang siya.

"Love you!" Sabi niya habang hinahalikan ako. Halik na kinaaadikan ko.

The Nerd's Red Notebook (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon