Chapter 2

19 2 1
                                    

Chapter 2

Ako'y kinikilig
Pag ika'y lumalapit
Ako'y nanginginig
At nadarama ang puso na pumipintig

Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumabay sa kantang kasalukuyang naka-play sa mp3 ng car ko.

Paulit-ulit pa ring nag e-echo sa isipan ko yung pagbanggit niya sa name ko. Gosh!!! Yung kilig ko hundred times. Sobrang unexpected kasi. As far as I know, "bunsong kapatid" ni kuya lang ang tawag niya sa'kin. Tapos kanina lang, as in binanggit niya yung name ko. Excited na kong ikwento sa kanila to mamaya. Ito pa't napapasayaw ako ng konti lang naman habang nagda-drive. And hirap pigilan. Hehe. Ganda kasi ng kanta. Saktong sakto. Nagpipiit pa ko ng lagay na to ha, like what I said, I'm driving. Buti na lang nasa highway ako. Ang hyper ko pa naman at pag ganitong to the highest level ang ka-hyperan ko, sobrang bilis ako magpatakbo. Gosh!!! Chorus na ulit.

Ako'y kinikilig
Pag ika'y lumalapit
Ako'y nanginginig
At nadarama ang puso na pumipintig

Teka nga, san ba ko papunta? (-.-)7 hehehe.

Kina Piattoz na lang.

-------------------------

Piattoz' PoV

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon pauwi sa aking mansion. Yeap, you read it right, Mansion. Obvious ba? Latest na iphone series lang naman ang gamit kong phone. Bagay na bagay sa Goddess na gaya ko. Inferness ha, first time ko mag jogging dito sa village namin, ang lawak pala. Buti nalang kabog pa rin ang kagandahan ko kaya hindi halatang haggard face na ako. Kapagod kaya mag jogging.

I was about to selfie na sana, you know, pang update sa IG, nang bigla namang may bumusina ng pagkalakas-lakas na akala mo wala ng bukas.

Sa gulat ko nabitawan ko ang iphone kong halos kabibili ko lang. Sinundan ko ng mga mata ko ang iphone kong nabitawan ko na para bang may "slow mo effect" pa ang pagkakalaglag, at ang pinaka worst sa lahat-----

"Hi Nova! Sexy ah!!" nagpantig ang tenga ko sa bwisit at pamilyar na boses ng nagsalita. And take note, Nova pa talaga, isang tao lang naman ang alam kong walang pakundangan kung baguhin ang pangalan ko. Ang kapaaaaaaal talaga!!!! Dinaig pa ng kapal ng mukha niya yung dictionary sa school library.

Nanggigil ako! As in sobrang gigil na gigil na ako. Pakiramdam ko umuusok na ko sa galit. Mukhang makakasapak pa ata ako. Ay hindi, worst than makasapak. Alam ba niya kung gaano kahalaga sa kin yung phone ko? MALAMANG HINDI! Tanga lang Piattoz?? Tanga lang? at isa pang kinaiinis ko, feeling ko napaka EPIC na ng expression ko ngayon. Buti na lang walang ibang tao except ako. Wag na kayong magtaka kung bakit hindi ko siya na-consider na tao. Dahil HINDI naman talaga!!!!

Control Piattoz.. Control.. sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko, hangga't maaari ayokong makasakit.

Huminga ako ng malalim. Narinig ko namang bumukas sara ang pinto ng kotse na kasalukuyan ng nasa gilid ko. Nanatili lang ako sa pwesto ko habang kinakalma pa ang sarili ko. Gosh! Ayoko ngang magka-wrinkles. Like Duh!

Control Piattoz.. Control...

"Uy! Nova!" sabay ng pagkalabit sa kin.

"AAAHHHHH!!!!" tuluyan ko ng nilabas ang sigaw na kanina pa gustong ilabas ng bibig ko. Humarap ako sa kanya at marahas na sinabunukan siya. "Look what you did to my phone, bigla kang bumusina kaya nabitawan ko at nahulog.." tuloy tuloy na sabi ko habang gigil na gigil ko pa ring sinasabunutan siya.

"Ahh-Araay-Nova-Aaarayy-tama na!!" pero hindi pa rin ako nagpapa-awat until I realized na he's holding my hands na pala-"Pervert!!" sabay tulak sa kanya at hila sa kamay ko na hawak niya. Aba't ngingisi ngisi pa talaga siya! Kapal ha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LoveHolicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon