Prologue

30 4 1
                                    

Sa buhay natin, marami tayong hinahangad at hinahanap.

Kagaya ng karangyaan.

Mayroon ako nito. Mansyon, magarang sasakyan, mga kagamitan na madalas wala sa mga kabataan at kung anu-ano pa.

Mga kaibigan.

Marami akong kaibigan. Ang ilan nga sa kanila ay masayahin, nababansagang baliw dahil sa pambihirang kalokohan, at mayroon din namang tahimik pero laging nandyan sa tabi ko.

Kasikatan.

Kung marami ang may gusto nito, iba ako. Malas nga lang dahil mayroon ako nito. Dahil sa lintek na kasikatan na 'yan, marami ang nakikialam sa buhay ko. Ayokong may nakikialam sa mga ginagawa ko, ayokong dinidiktahan ako kung anong dapat kong gawin.

Nasa 'kin na raw ang lahat. Pero ang hindi nila alam, mayroon din akong hinahangad.

Dalawang bagay lang iyon ngunit mahirap makamit.

Iyon ang kalayaan at ikaw.

Gusto kong magkaroon ng kalayaan para mahalin ka.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

I tried to make this into english but then I refused to post it. Why? It's because I want to try something new. And this story has that 'new'. This is my first time to create this kind of story.

So yeah, I hope the prologue hit your interests and you guys were gonna support this one! :)

The Girl in a BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon