Chapter 4

31.8K 787 119
                                    

Cheszrah's POV

Maaga akong nagising at medyo masakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil narin sa nangyari kagabi. Hindi ko parin lubusang maisip na wala na sila. Napapikit nalang ako dahil nagbabadya na naman ang mga luhang gustong kumawala sa mata ko.

Lumabas ako sa kwarto ko at nagtungo sa kwarto nila. Nang makapasok ako sa loob ay nag flashback lahat ng mga memories namin sa kwarto nila. Kapag kasi nagmomovie marathon kame ay dito kame dumidiretso at lahat kame nasa kama habang kumakain ng popcorn.

Hindi ko talaga napigilan at napaiyak ako. Binuksan ko yung closet nila at nandun pa yung mga gamit nila. Nagpunta ako sa favorite ni mom kung saan nandun ang malaking mirror niya na may ilaw sa gilid tapos may mga make up pag naka organized sa harap ko. Naalala ko na naman na minemake up-an ako ni mom dahil nirequest ko 'yon mismo sakanya. Hindi na din ako nagtagal sa loob dahil mas lalo lang akong nasasaktan kapag pinagmamasdan ko yung bawat sulok ng kwarto nila.

Bumaba ako papuntang kusina at nagsalin ng freshmilk sa baso. Ininom ko iyon at narinig kong may papunta sa kinaroroonan ko.

"Goodmorning." bati ni kuya sakin pero hindi siya nakatingin sakin. Binuksan niya ang ref at nagsalin ng tubig sa baso at ininom iyon. Nakatingin lang ako sakanya.

"What?" takang tanong niya. Umiling lang ako tsaka siya nilampasan at nagtungo sa living room.

"Maya maya ay aalis na tayo kaya magready kana." sabi nito at napatango nalang ako. Umupo siya sa tabi ko.

"Malalampasan din natin 'to. Nandito naman ako lil sis. Aalagaan at poprotektahan kita. Magtulungan na lang tayo okay?" limit akong napangiti kay kuya dahil kahit papaano nagiging magaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Niyakap ko siya at niyakap niya din ako pabalik.

"Oh sige na maligo kana para makaalis na tayo." pagkatapos 'yon ay nagtungo na din ako sa kwarto ko at naligo na.

Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko na yung maleta ko at lumabas na ng kwarto. Pero bago ako bumaba ay pinagmasdan ko muna ng tingin ang bawat sulok ng bahay.

"You ready?" tumango ako. Tinulungan ako ni kuya sa maletang dala dala ko. Nilabas ni kuya yung kwintas at maya maya't umilaw ito ng kulay puti. Sinundan namin ito at dinala kame nito sa garden. Sa isang mataas na pader.

"Dito ang daan papuntang immortalia." sabi ni kuya atmay binigkas siyang spell tsaka tinapon ang kwintas sa pader. Biglang lumitaw sa harap namin ang isang malaking portal.

"Let's go." aniya pero bago ako pumasok ay pinagmasdan ko yung buong lugar.

"Mamimiss ko 'to." yun ang huling sinabi ko tsaka kame pumasok sa loob at naramdaman kong hinigop na kame nito.

Paglabas namin sa portal ay niluwa kame nito sa harap ng isang malaking gate. Buti nalang at gumawa ng barrier si kuya para paglabas namin ay hindi naman kame masyadong mahilo. Napatingala ako sa nasa harap ko ngayon. Hindi ko alam pero bigla ko nalang gustong umurong at bumalik sa mortal world.

"Were here." sabi ni kuya. Di ko nalang siya pinansin at maya maya biglang bumukas na ang gate.

Bumungad samin yung isang babae na nasa mid 30's na siya. Nakangiti siya habang nakatingin samin. Nagkatinginan lang kame ni kuya pagkatapos ay binalik ulit yung tingin sakanya.

Siya ata yung sinasabi ni dad na si monica. Yung headmistress nitong academy na 'to at siya lang ang nakakaalam ng tunay na pagkatao namin.

"Welcome to Antholiunus Academy, kiefer and cheszrah." nakangiting bati nito samin.

"Salamat po headmistress monica." sabi ko at tumango siya. Tahimik lang si kuya sa tabi ko.

"Are you ready?" tanong niya habang nakatingin samin.

Antholiunus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon