DyosughSquad
EXO_BTSKOOKIEVMIN27 eto na yung oneshot ko XD sorna kung corny.May 14, 2016. Saturday
Palagi nalang. Tuwing bakasyon talaga hindi ko maiwasan ang hindi mabored. Kasi naman, paulit ulit nalang ang mga ginagawa ko araww araw. Gising, linis, kain, luto, kain, tulog, wattpad, facebook, linis, kain, tulog. Wala ng nagbabago.
Alam kong simula nung matapos ang pasukan hindi na kita sinulatan. Kasi nakakatamad. At nakakapagod magsulat. Bakit ako nagsusulat ngayon? Sayo ko lang kasi kayang sabihin yung mga bagay na nararanasan ko na hindi ko masabi kahit kanino.
Kanina kasi, sinama ako ng mama ko sa SM para mag grocery at mag shopping. Hindi naman ako makatanggi kahit na tinatamad akong umalis sa bahay.
Pag dating namin sa SM diretso kami sa SM grocery store. Nakita ko yung crush ko kasama yung mga pinsan niya na bumibili. Ang gwapo niya Diary. Sobra. Matagal ko na siyang crush. Since nung makilala ko siya. Gwapo kasi (WAG kang mang judge. Normal na sa mga babae ngayon na mukha muna ang tinitingnan) atsaka mabait siya, matalino, mahilig sa music, sa sports, sa computer games, sa dota, sa COC, sa babae (ganyan na rin mga lalake ngayon. 1 girl is not enough). Pero kahit ano pa siya crush ko parin siya.
" ma! Ma kuha lang ako ng nutella tsaka ng mga snacks, para di ka na pumunta dun. Alam ko na naman yung kukunin eh"
Sinabi ko lang yan kay mama para makalapit sa kanya. Pumayag naman si Mama kaya masaya.
Nilabas ko na yung phone ko tulad ng lagi kong ginagawa pag nandyan si Ian. Marami raming stolen shots niya na naman ang pupuno ng memory card ko.
Pasimple akong kumukuha ng pictures. Tahimik lang ako kasi nasa harap ko lang sila. Natatakot ako na baka mahuli niya ko.
" Ian, yung stalker mo"
Hindi ko na masyadong matandaan pero ayan yata yung sinabi ng pinsan niya.
" gagu "
Yang famous line nyang yan lang ang sinabi niya. Alam kong ako ang tinutukoy nila pero duh! Maganda ako kaya Secret Admirer dapat ang tawag sakin. ( humangin ba diary? Sorry ah, Honest ko kasi masyado )
So yun na nga. Nilapitan nila ko. Oo, nilapitan. As in yung naglakad sila papalapit sakin.
At OMG! OMG talaga! NAgdikit lang naman kasi ang mga balikat namin ni Ian pag daan niya. Shit, yung spark. Naramdaman ko yung spark.
Tapos narinig ko pa na sinabi ni Ian.
" Sorry, Tumabi ka kasi "
Oh diba?! Mag ingat daw ako para di ako masaktan. Alam kong di yun yung exact na sinabi niya, pero Duh! Yun narin yun <3
P.S.
Napagalitan pala ako ni Mama kasi hindi ko nakuha yung mga pinapabili niya. Nakalimutan ko kasi sa sobrang kilig *pout*May 15, 2016. Sunday.
Goodevening Diary. Guess what! May #MomentsWithIan ako kanina.
BINABASA MO ANG
Randoms And HUGOTS
Randomwala akong pake kung wala kayong pake sa random things na isusulat ko dito So shut up nalang kayo at magbasa kung gusto niyo.