Krystal 2

126 7 2
                                    

It’s been a week, boring pa rin ang life. Sana naman ay magkaroon na ako ng konting sipag para i-fire si Ms. Dematera dahil nakakairita na talaga siya. ANG EPAL!!! As all you know, pwedeng pwede na rin akong mang-fire ng employees sa school NAMIN pag gusto ko, sadyang ang bait ko lang noon at tinatamad naman ako ngayon.

Wearily, nahiga na ako sa aking queen sized bed na pure uratex. Wag na kayong magtaka kung isinespecify ko ang brand ng aking kama dahil baka isipin ng iba riyan ay sa isang kahoy at tablang kama lang ako nahihiga. Ang yaman ko naman yata para humiga sa pipitsuging narra at mahogany, hindi nature friendly. Tsk.

Nang makarating sa kama ay binuksan ko ang aking 100,000 peso worth of laptop na Apple ang tatak. Inggit kayo noh? Well, uso talaga yan sa Pilipinas ngayon. Look at the politicians! Crab mentality it is.

Binukas ko ang only social networking site na meron ako, ang twitter. Bakit twitter at hindi facebook? Dahil maraming taong pakialamera sa fb, palaging nakikialam sa mga post mo, eh post mo nga diba? Bakit sila umeepal? Unlike in twitter, you can tweet all you want, and as I’ve observed, ang gandang fighting nest ng twitter dahil game naman ako lagi rito. What a wonderful place para mang-away!

Username: gorgeousmeansme

Password: killalyanna

As I logged in, marami na agad mga hampaslupang nagshe-share ng mga rants nila sa buhay. Ang sasarap sabihang magpakamatay na lang sila. And I’m helping them naman diba? Pag namatay sila, wala na silang problema.

When I scanned my profile page, it’s like I’m beginning to be more popular. In just one week of being a b*tch, I already gained 2,000 followers. Halata talagang natutuwa ang mga tao sa away-away thingy. Nakikita niyo na ba ang mentality na lumalaganap sa mundo ngayon?

Habang naglilibang at nagsa-scan ng tweets ng ibang mga panget na ni-follow ko para awayin, may nakita akong isang babaeng mukhang pugita na nagtweet:

Lorena Lim @lorypretty: “Feelings that came back are feelings that never goed away.”

Nasuka ako dahil ang layo ng username niya sa display picture niyang mukhang lamang-dagat. At dahil mabait ako, ni-rectify ko siya sa kanyang wrong spelling at syempre’y sasampolan ko siya. Sinungaling kasi eh, lorypretty raw eh mas bagay nga kung ang username niya ay loryBETTY. I immediately replied to her.

Krystal Smith @gorgeousmeansme : @lorypretty It’s went, not goed. And Miss Lorena Lim, kindly change your username from lorypretty to lorryBETTY because it’ll suit you more and maybe, just maybe, that person you’re talking about will at least reciprocate your fantasy, I mean feelings.

At an instant, 30 people favorited and 60 people retweeted it. Sorry Lorena, you became the first one to be baptized by my wisdom words.

I waited for the human-wannabe-reptile to tweet again, but sadly, wala na siyang sunod na tweet, na-trauma yata eh. Tsk. Duwag!

Dahil hindi ako na-satisfy sa ginawa kong pagsasampol sa duwag na si Lorena Pugita, naghanap ulit ako ng bagong biktima.

At hindi nagtagal ay may na-spotan na naman ako.. (EVIL LAUGH)

Camilla Beltran @sexyandiknowit : Di ko kayang di magpaka-bitter.

Isa pa tong mahilig mangarap. Well, libre naman pala yun. Why would a VERY RICH individual like me deprive them of a freebie? Ang laki na nga ng tiwala sa sarili, tinerno pa sa katawan niya, dambuhala rin.

Let the sample begin.

Krystal Smith @gorgeousmeansme : @sexyandiknowit Uminom ka naman ng kape para kahit kaunti ay mahimasmasan ka sa username na ginamit mo. And sa tweet mo, di mo naman talaga mapipigilan ang pagiging bitter dahil it’s very prominent in your face, parang ampalaya lang, KULUBOT. Tsk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bitch Diaries (Book 1): Krystal (ON-HOLD)Where stories live. Discover now