First Day of School , Sakit sa puso

135 2 0
                                    

Hala! Unang araw ng pasokan.

COLLEGE na ako :((

Pagpasok ko pa lang sa School, Hinayupak sa ganda agad ang nakita ko. Grabe naman ang daming pogi at magaganda dito. Parang magiging healthy ang mga mata ko nito araw-araw ah. OP na OP ako sa mga beauty nila.

wait....

teka ?? Ano to ?? San to ??

naman oh :( Hindi ko alam kong sang lupalop nakalagay ang ROOM 404 >.< parang mahuhuli ako sa klase, unang araw pa naman sana. Magtatanong na nga lang ako,

"Kuya san po ba banda ang room 404 ?? " tanong ko kay kuya pogi haha. May ninja moves din ako nuh, :P

"Ah dun din ako, tara samahan na kita, sabay na tayo" 

yes !! Ang swerte ko naman oh, akalain mo si Kuya Pogi sasabay saken ??

"Ah sige kuya, tara na :)"

Grabe di ako makapaniwala ang pogi ng kasabay ko ngayon :)

habang naglalakad kami 

"Ah miss ano ang pangalan mo?"

"Ako nga pala si Mica Ella, tawagin mo nalang ako Ella :)"

"Ah Ella ako nga pala si Cedric Sy just call me Syd" Sabay abot ng kamay niya para makipagshake hands.

siyempre inabot ko yun, chance ko na kaya yun makahwak ng isang pogi. Hahaha ang landi ko unang araw pa lang >.<

Pero teka pansin ko lang puro AH ang simula niya sa mga sinasabi niya -_- pansin niyo din ba?? Pero okay lang pogi naman eh.

Pagdating namin sa Room 404

nagtinginan ang mga bago kong kaklase samen. Grabe ganito ba ako kaganda at kapogi tong kasama ko?? HAHAHA. 

"Cedric , halika tabi nalang tayo, dito ka umuupo oh"

"Ah cge, urong ka ng konti masikip dito eh"

Ayan na naman ang AH niya, ano ba.

"Okay good morning class, ako ang magiging instructor niyo sa Filipino for the whole semester,"

Okay mam, alam po namin yun, uso po magpakilala ng Name >.<

"By the way I'm Miss Maricel Cortez, So see you next meeting"

Yun lang yun ??? Ganun lang ?? Hala, pumasok ka pa -,- so?? vacant ko ngayon ??

Anong gagawin ko?? Wala naman akong kaibigan dito, si Cedric umalis na di man lang ako isinama. Hala ?? Ano ka ba Ella hahaha Agad2 ?? Asa ka pa na isasama ka. Hmm ano ba tung iniisip ko -,-

*1 new message received*

at sino naman to ??

From : Unknown Number

"Hi miss, can you be my friend ??"

Nagreply ako.

"Sino naman to?? U cant b my friend kung hindi ka magpapakilala at kapag di mo sinabi kung saan mo nakuha number ko"

From : Unknown Number

"Ang harsh mo naman, Nakuha ko number mo sa tindahan kung saan ka nagpaload kanina, Ako nga pala si Ivan"

---

"Talaga ?? Kinuha mo talaga ??"

--

"Oo, gusto ko lang sana makipagkaibigan sayo, if okay lang, wala naman akong masamang intensyon eh"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang boyfriend ko sa textTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon