"Mama, pupunta lang po ako kila Suho." Paalam ko kay Mama.
"Sige, anak. Mag-ingat ka." Sabi niya, habang nagluluto. Mhmmm.. Ang bango!
Pagkalabas ko ng gate, nagulat ako nang may tumakip sa bibig at mata ko.
"Mmphhhanoba!?"
Sinubukan ko na gamitin ang kamay ko para makawala, pero tinali din nila. Sa ilang sandili, nararamdaman ko na pinasok nila ako sa isang... kotse? Wow, big time yung mangkikidnap sa akin ah— Pero TULONG!!!
Ang lamig-lamig sa kotse. Bigla nilang inalis ang piring ko sa mata. Lahat sila lalaki, lahat nakamaskara.
"Shhhino ggayo?" Sinusubukan kong magsalita pero pinipigilan ako ng panyo na nakatakip sa bibig ko.
"Aaaaaaaaaaaah!" Sigaw ko.
"Huwag ka nang lumaban, princess." Sabi ng nag-mamaneho ng kotse. "Sumama ka na lang. Wala naman kaming gagawing masama sayo."
"Ehhmakitmokokimidmap?" Tanong ko.
"Ano?" Tanong ng isang lalaki.
"Mmmakitmmmokokimidmap?!" Naiinis na ako. Sa wakas, tinanggal ng lalaking katabi ko ang takip ko sa bibig.
"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!" Sumigaw ako ng sobrang lakas, kahit ako mabibingi eh.
"Pakawalan niyo ako! Pakawalan niyo ako!" Sigaw ko.
Huminto ang sasakyan sa isang malaking mansion. Ano naman gagawin ko dito?
Nakatali pa rin kamay ko, at pinasunod nila ako papasok ng mansion.
Nakakahiya naman! Naka-dress ako na gutay-gutay at yung sapatos ko sira-sira na tapos papasok ako sa mansion. Jusko! Nakaka-low.
Tinignan ko ang mga portrait sa pagkalaki-laking pader. Sa unang painting, may dalawang magulang at sanggol. Sa susunod, may maliit na bata. May mga painting hanggang lumaki siya. Ang ganda naman niya.
"Anak."
Napatingin ako sa pamilya na pababa ng hagdaanan.
Ano daw? Ako? Anak? Ang yaman-yaman nila hindi siya nakapag-eye test. Psh.
"Anong ginawa niyo sa kanya?!" Gulat na tanong ng babae. "Pakawalan niyo ang anak ko!"
Sa wakas, inalis nila ang tali sa kamay ko.
Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ng pamilyang iyon.
Uhmm... Anong nangyayari?
"Nagkakakamali po kayo." Paliwanag ko. "Anak? Ako? Imposible po."
"P-Pero, Jessica." Sabi ng babae sa painting. Ang ganda pala talaga niya sa personal. "Ikaw ang kapatid ko. Ikaw ang nawawalang ate ko."
"Lumaki ako na may pamilya." Sabi ko. "Hindi ako ang Jessica na hinahanap ninyo."
Nalungkot sila. Naaawa ako sa kanila. Mukhang desperado sila sa paghahanap sa anak nila.
"Hindi." Sabi ng so-called 'father' ko. "Dito ka na titira. Dito ka maninirahan hanggat maalala mo kami!"
Nagulat ako sa sinabi ng lalaki. Tumakbo ako ng sobrang bilis papalabas. Buti naman, hindi ako nahuli ng mga gwardiya nila. Malakas nga, mababagal naman.
Tumakbo ako simula sa malaking mansyon na iyon hanggang makarating ako sa bahay, umiiyak.
Paparating na din si Suho. "Jessica, hindi mo ba alam na naghintay ako sa bahay?!" Sermon niya.
Nahalata niya na siguro na umiiyak ako kaya naging concerned ang boses niya. "Anong nangyari?!"
"May mga dumakip sa akin. Dinala nila ako sa isang m-malaking mansyon. Tulungan mo ako Suho! Paparating na s-sila." Nagmumukha akong tanga na umiiyak dito.
Sa sobrang takot ko, napayakap ako kay Suho. At wrong timing naman, kasi lumabas si Mama at Papa.
"Jessica? Anak, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Mama.
Hindi na ako sumagot ng dumating ang itim na kotse. Jusko! Lord, tulungan niyo ako!
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Runaway Princess
VampireLumaki si Jessica sa isang ampunan. Simula pa noong sanggol siya hanggang maging walong-taong gulang siya. Ngunit mabait ang tadhana sa kanya, inampon siya. Ngunit hindi mayaman at magara ang pamilyang ito, subalit kaya nilang gampanan ang pagiging...